>> >>---- ♡ ----<< <<
Kabanata 4
>> >>---- ♡ ----<< <<3RD PERSON's POV
"Sandali!" Napahinto sila Yeshin sa pag-lalakad matapos marinig ang pag-sigaw ng kung sino mula sa kanilang likuran at agad naman nilang nakita sila Rina na papalapit sa kanila nang lingunin nila ang mga ito
"Maraming salamat sa pag-tulong niyo kanina!" Yumuko ang mga ito matapos huminto sa kanilang harapan
"H-huh? Ah e, wala iyon. Wala naman akong ginawa e. Ang kaibigan ko talaga ang tumulong sa inyo." Kamot ulo na sambit ni Azuna
"Maraming salamat pa rin dahil nagpakita ka ng pakialam sa amin." Napakamot sa ilong ang kaibigan
Normal nitong ginagawa kapag nahihiya ito.
Napailing nalang siya tsaka nag-salita.
"Huwag niyo ng isipin ang tungkol doon. Bibigyan ko nalang kayo ng payo na huwag masyadong magpadala sa emosyon niyo. Pag-isipan niyo muna ang bawat hakbang na gagawin niyo dahil sa susunod na magpadalos-dalos kayo ay paniguradong mas malala pa sa nangyari kanina ang mararanasan niyo." Litanya niya at siniko naman siya ng kaibigan
"Huwag ka ngang gan'yan shin! Huwag mo naman silang sisihin sa nangyari." Sermon ng kaibigan sa kan'ya.
"Nag-sasabi lang ako ng totoo. Sa bansang ito ay kung wala kang kakayahan na lumaban ay mas magandang manahimik ka nalang." Depensa niya kaya hinampas siya ng kaibigan sa braso na ikinangiwi niya nalang
Binalingan nito ulit ng tingin sila Rina na nakatitig lang sa kanila.
"Huwag niyo nalang pansinin ang sinabi niya. Gan'yan talaga siya mag-salita minsan pero mabait siya." Napailing nalang siya
"Tama siya. Masyado kaming nag-padalos-dalos kahit na alam namin na wala kaming laban. Maraming salamat sa payo mo! Tatandaan namin 'yan, pangako!" Muling nag-bow sila Rina kaya napakamot siya sa pisnge
Now, this is awkward.
"Umayos kayo. Hindi niyo kailangan gawin 'yan." Aniya kaya matuwid na tumayo ang mga ito
"Salamat."
"Huwag kayong magpa-salamat ng magpa-salamat."
"Naiintindihan namin, salamat!"
"Aish." Nahilot niya nalang ang sentido tsaka sinamaan ng tingin ang kaibigan na napatawa nalang tsaka mabilis na inilihis ang tingin
Tss!
"Pakiusap tanggapin niyo kami bilang kaibigan! Kung hindi niyo iyon nais ay maaari niyo kaming maging utusan." They bowed again kaya napakamot siya sa ulo
"Huwag na kayong yumuko. Ano bang utusan ang sinasabi niyo? Hindi namin kailangan n'yan kaya pwedeng-pwede niyo kaming maging kaibigan. Hindi ba, Shin?" Itinaas baba ng kaibigan ang kan'yang kilay kaya napabuntong-hininga nalang siya
Bakit ba masyadong malambot ang puso ng kaibigan?
"Walang problema." Aniya nalang kahit hindi niya gusto ang ideya ng kaibigan
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasy𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...