KABANATA 37
3RD PERSON's POV
NAPAMAANG nalang ang mga kasamahan ni Yeshin matapos niyang bumalik mula sa pagkakahiga sa damuhan.
She's really a strange person. Wala man lang siyang naging reaks'yon sa kan'yang ginawa.
After doing such cruel yet amazing action against their enemy she still acts casually.
Though, she looks pretty cool.
“Let's go!” Unang nakabawi mula sa pagkabigla si Fiero na agad namang naagaw ang atens'yon ng mga kasamahan nila na mabilis din namang nabalik sa realidad.
Tumango ang mga ito tsaka sila sabay-sabay na tumakbo palapit sa higante at inatake ito gamit ang kanilang mga sigma habang hindi pa sila nito napapansin.
Salitan ang mga malalakas na pag-atakeng ginawa nila rito subalit mukhang hindi pa rin iyon sapat para matalo ito.
“Get back!” Sigaw ni Fiero tsaka sila mabilis na tumalon palayo sa higante.
Mukha namang nasaktan nila ito sa kanilang mga pag-atake but those are still not enough to give him a severe injuries.
Kung gano'n ay kakaiba pala talaga ang lakas ni Yeshin. After all, she managed to cut off its arm without any difficulties.
Now that Fiero thinks about it, what will going to happen to this controlled student once it came back to its senses?
He'll definitely freak out once he learned that his one arm is gone. Well, ayon ay kung mabubuhay pa ito after this mess.
“Tsk!” Singhal niya as he creates fire balls and throw it towards the giant.
Tumulong na rin sa kanila ang headmaster na nagpakawala ng mga bolang apoy patungo rin sa higante subalit nagulat sila nang isang violet na barrier ang bumalot sa paligid nito upang protektahan ito.
“SHIT.”
Sunod-sunod muli silang nagpakawala ng mga pag-atake subalit hindi man lang natinag ang barrier ng higante.
Is that another ability of the violet smoke that entered its body?
Napadaing nalamang sila matapos tumilapon nang tamaan sila ng paa nito matapos nitong umikot. Mukhang nagalit ito sa nangyari sa kan'yang braso kaya ngayon ay mas naging marahas ito.
They groaned because of pain. Isang atake lamang nito subalit nabalian na agad sila ng mga buto.
Nabalik dito ang atens'yon nila nang hindi sila tapusin nito. Bagkus ay nagsimula itong humakbang papunta sa kung saan.
“S-shin!” Sigaw ni Fiero matapos makita na rito papunta ang higante.
Sinubukan niyang tumayo upang lapitan ito at atakihin ang higante na ngayon ay hindi na nababalot ng barrier subalit napaluhod siya nang makaramdam ng matinding sakit.
Mukhang nabali ang isa niyang binti at maging ang kaliwa niyang braso.
He looked at his friends at mukhang kagaya niya rin ang mga ito na may iniindang injuries.
This is the perfect time to attack the giant since its barrier is gone but he can't even move properly.
“Stop.” Napatigil siya sa akmang pagtayo ulit nang marinig ang boses ni Yeshin sa hangin.
He immediately looked at her direction at nakatingin din naman ito sa kan'ya.
“R-run. He's after you.” Puno ng pag-aalala na sambit niya naman dahil ang atens'yon ng higante ay na kay Yeshin na ngayon.
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasy𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...
