Kabanata 3

1.1K 46 12
                                        

>> >>———— ♡ ————<< <<
Kabanata 3
>> >>———— ♡ ————<< <<

3RD PERSON's POV

“Aish! Bakit ba kasi nangialam pa rin siya?” Unti-unting nilingon ni Azuna ang kaibigan na si Yeshin na ngayon ay nakatayo na sa kan'yang likuran habang nakatutok ang palad nito sa lalaking nakalutang ngayon sa ere

“S-shin,” Tawag niya rito at binalingan naman siya nito ng tingin

“That almost hit you huh?” Sambit nito tsaka unti-unting ibinaba ang lalaki

Nang mapansin nito na nasa kanila na ang atens'yon ng lahat ng naroon ay nagulo nito ang buhok habang nakangiwi.

“Uhm, Hindi sa may kinakampihan ako subalit mas maganda kung ititigil niyo na ito. Kagaya ng sinabi niyo kanina ay mga Sen lang sila. Ang mga kagaya niyong Sil ay hindi dapat sinasayang ang oras sa mga kagaya naming Sur at Sen.” Ani Yeshin tsaka nilingon sila Quila na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kan'ya.

“Yeshin!” Angal ng kaibigan kaya inilingan niya ito

Sinasabihan na huwag ng malakihin pa ang gulo.

“Hah! Gusto ko ang ugali mo Sur. Alam mong ilugar ang sarili mo pero sino ka ba sa tingin mo para payuhan kami at pakinggan ka namin?” Biglang ngumisi si Quila matapos iyong sabihin

“Pft! Akala niya 'ata ay maiisahan niya tayo sa pang-uuto niya. Huwag mo kaming igaya sa walang laman niyong pag-iisip Sur.” Sambit naman ni Kaia tsaka nag-tawanan ang mga ito

Napabuntong hininga naman si Yeshin tsaka agad na hinawakan ang pulsuhan ng kaibigan nang akmang susugurin nito sila Quila.

“Bitawan mo ako Yeshin! Kailangan mabigyan ng leks'yon ng mga 'yan!” Asik ng kaibigan

“Pft! Look at that b*tch. She's acting like she can really beat us. How funny.” Panunuya ng mga ito sa kaibigan

“Damn these b*tches and assh*les.” Nasabi niya na lamang sa kan'yang isip tsaka matamis na nginitian ang mga ito kahit sa loob-loob niya ay gusto niya ng patalsikin palabas ng tren isa-isa ang mga ito.

Ayaw niyang ma-involve sa kahit na anong gulo at mas lalo naman na ayaw niyang palakihin ang gulo ng kahit na sino but these assh*les crossed the line.

Wala siyang pakialam kung lahat ng nasa tren ay paglaruan ng mga ito pero ibang usapan na kung isasali nila ang kan'yang kaibigan.

She will not mind starting a fight or ending these piece of sh*ts!

Ang nag-tatawanan na mag-kakaibigan ay napatigil matapos niyang mag-salita.

“Pang-uuto? Mukhang hindi naman kayo gano'n katalino kagaya ng pina-palabas niyo dahil hindi niyo tunay na naintindihan ang dahilan sa likod ng mga salitang binitawan ko.” Sambit niya habang may nanunuya na ngiti

“Hey, shin. Akala ko bawal tayong masali sa gulo?” Bulong ni Azuna sa kan'ya kaya nilingon niya ito

Kilala kasi siya nito. Once she said words na hindi mo aakalain na masasabi niya ay isa lang ang ibig sabihin no'n. Bibigyan niya ng leks'yon ang dahilan ng pagkasira ng kan'yang mood.

“Nag-bago na ang isip ko.” Tugon niya at napangiwi naman ang kaibigan dahil sa kan'yang naging tugon pero kalaunan ay napangisi nalang ito

Muli niya namang ibinalik ang tingin kayla Quila.

She can't back out anymore.

Nasimulan niya na ito kaya tatapusin niya na rin.

Beside, these people need to be teach a lesson after all.

Soriah Academy: The Unpredictable SorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon