KABANATA 56
3RD PERSON's POV
PAKIRAMDAM ni Fiero ay may malaking tinik na nabunot sa kan'yang lalamunan matapos niyang makita si Yeshin.
He was relieved seeing her in front of him.
“S-shin...” May excitement na sambit niya kay Yeshin na mahigpit namang naikuyom ang mga kamao matapos mapagmasdan ang kasalukuyang niyang ayos.
Natuon din ang mga mata ni Yeshin sa pisnge ni Fiero at nag-igting nalang ang kan'yang panga matapos makita na may gasgas iyon.
Matalim ang tingin na muli siyang bumaling sa pangahas na babae na agad namang napaatras palayo sa kan'ya.
Wala naman na siyang inaksaya pang oras dahil mabilis na siyang lumapit dito at ibinalya ito sa bakal na rehas na nagsisilbing dingding tsaka niya ito sinakal at unti-unting inangat sa ere habang si Val naman ay agad na nilapitan si Fiero at sinubukan itong kalagan.
Yeshin just watched how the bitch's face turned blue because of suffocation habang pilit itong nagpupumiglas at inaalis ang kamay niya sa leeg nito.
“D-don't kill her, shin!” Pigil sa kan'ya ni Fiero nang makita nito na kaunti nalang ay mukhang matutuluyan na ang babae na bawian ng buhay.
Nabitawan niya naman ito kaya agad itong bumagsak at napaluhod sa sahig habang habol ang hininga nito.
Right. She can't kill her. Not in this merciful way.
Panay ang ubo ng babae hanggang sa mapasuka ito tsaka sunod-sunod na suminghap habang tumutulo na ang mga luha.
Bahagya naman siyang lumuhod at inilahad ang kamay sa harapan nito.
“Key,” Kaswal na aniya at napaangat naman ito ng tingin subalit agad din na napayuko sa takot nang masalubong ang walang emosyon niyang mga mata.
“Don't make me wait any longer. I'm already having a hard time being patient for too long.” May diin na sambit niya at mabilis naman itong kumapa sa bulsa nito at kalaunan ay inabot sa kan'ya ang susi sa handcuff ni Fiero.
Tinanggap niya naman iyon tsaka siya tumayo subalit kasabay nang kan'yang pagtayo ay ang pagkahulog sa sahig ng panyo niya na nasa kan'yang bulsa.
Hindi naman siya nag-abala na damputin iyon at umalis lang sa harapan ng babae tsaka nilapitan si Fiero.
“H-hey!” Sigaw naman ni Val nang makita ang babae na nakabawi na ng lakas at pasimpleng tumayo matapos damputin ang panyo ni Yeshin.
Lalapitan niya sana ito pero mabilis na itong kumaripas ng takbo paalis at nang akmang hahabulin niya ito ay nagsalita naman si Yeshin na hindi man lang nag-abala na lingunin ang papatakas na babae.
“Let her be,” Ani Yeshin kaya bumakas ang pagtataka sa mukha ni Val na napatigil sa akmang paggalaw.
“After all, that's the only thing she can do.” Sinimulang ipasok ni Yeshin ang susi sa butas ng posas ni Fiero.
“Does that mean...”
“Yes. She won't be able to escape this place. Not until she became breathless.” Seryosong sagot niya tsaka umayos ng tayo matapos tuluyang mapakawalan si Fiero na mabilis namang bumangon at pinasadahan siya ng tingin.
“Are you hurt?” Agad na tanong ni Fiero kay Yeshin na bumuntong-hininga naman tsaka maingat na hinawakan ang pisnge niyang may gasgas.
Napalunok naman siya habang nakatitig dito.
“Worry for yourself,” Sagot ni Yeshin at wala sa sarili niya namang hinawakan ang kamay nito.
Pareho naman silang natigilan at nagkatitigan kaya palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Val na napangiwi nalang.
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasy𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...
