Kabanata 40

1K 40 2
                                        

KABANATA 40

3RD PERSON's POV

NAPATINGALA si Val sa orasan na nakasabit sa may pader. Gabi na rin pala. Hindi niya namalayan ang oras.

“Hindi ka pa ba magpapahinga, dre?” Tanong niya kay Fiero na nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ni Yeshin.

“I'll take a rest here.” Mabilis naman nitong sagot.

“You'll sleep here?” Tumango ito kaya napailing nalang siya.

Hindi rin halata na head over heels ito kay Yeshin. But well, it's understandable.

“You can go back to your room. You have to rest too.”

“I will. Inaantok na rin ako e. Mauna na ako sa 'yo, dre. Matulog ka na rin mamaya.” Paalam niya rito.

“Yeah.” Tumango ito kaya tinungo niya na ang pintuan subalit natigilan siya sa akmang paglabas nang magsalita ito.

“Thanks for your help. And don't blame yourself for what happened.” Sambit nito nang hindi nakatingin sa kan'ya.

Kung gano'n ay napansin din pala nito ang nasa isip niya.

He was surprised hearing him comfort him.

Napangiti nalang siya.

All of them are lucky to have each other.

“Thanks, dre.” Tuluyan na siyang lumabas sa silid na kinalalagyan nito't nagsimulang lumakad patungo sa kan'yang dorm.

“Careful,” Nanlaki ang mata niya nang may humatak sa kan'yang braso mula sa kan'yang likuran kasabay nang pagbagsak ng paso sa kanina ay kinatatayuan niya.

He immediately looked up at may nakita naman siyang lalaki na gulat na nakadungaw din sa kan'ya. Mukhang hindi nito inaasahan na makakaligtas siya.

Maliwag sa akademya kaya naman kita niya pa rin ang itsura nito kahit na nasa rooftop ito ng building.

He clenched his teeth as he gave him death glares.

“THAT ASSHOLE.” Mariin at galit niyang sambit nang mabilis itong umalis mula sa pagkakadungaw. Mukhang balak nitong tumakas.

Hahabulin niya sana ito subalit naalala niya ang taong nagligtas sa kan'ya subalit nang lingunin niya ito ay wala na siyang nakita pa na tao roon.

Napabuntong-hininga nalang siya sa dismaya.

Ang bilis naman nitong nawala. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat.

But he's sure about one thing. Babae ito na may malamig na boses.

His mind was occupied earlier kaya hindi niya man lang naramdaman na may paso na palang mahuhulog sa kan'ya.

If it was not for that person who saved him ay paniguradong napahamak na siya.

His injury throbs kaya napakagat siya sa ibabang bahagi ng labi. Hindi pa nga pala siya nakakapagpagamot.

Hindi bale, bukas nalang. Bukas niya nalang din huhulihin ang pangahas na lalaki at hahanapin ang babaeng nagligtas sa kan'ya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad.

SAMANTALA, Naikuyom nalang ng isang babae ang kan'yang kamao kasabay nang pagngingitngit ng kan'yang ngipin.

Who the heck is the person that saved Val?

Muntik na siyang magtagumpay na alisin ito subalit may dumating naman para iligtas ito.

Soriah Academy: The Unpredictable SorianMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon