01

1.2K 26 44
                                    


Takot.

Iyan ang unang naramdaman ni Bridgette nang magising siya dahil sa marahas na paggalaw ng kung ano mang kinalalagyan niya.

Ganon na lang ang pagkabigla niya nang mas naiintindihan na niya ang nangyayari.

Nakakulong sya sa isang Box na bakal na tila umuusad paitaas at dadalhin siya sa kung saan. . .at wala siyang maalala kung ano ang ginagawa niya roon.

Tanging ang pangalan niya lang ang naiwan sa kanyang utak sa oras ng paggising nya. Ni kaunting detalye kung saan siya nagmula at kung paano siya nakapunta doon ay hindi niya maalala. Wala siyang alam.

Pagkalipas ng 10 minutong paggalaw ng bakal na kahong kinalalagyan niya, bumukas ang tila isang pintuan nito sa ibabaw at bumungad sakanya ang nakasisilaw na liwanag. Awtomatiko siyang nagtago sa pinakagilid sa takot na may kung anong mangyari sakanya.

"Parang may mali."

"Babae ba 'yan?"

"Baka isang mahinhing lalaki."

"Babae yan!"

"Oy, akin yan ha!"

"Magsitahimik kayo kundi ipapatapon ko kayong lahat sa Maze!"

Dahil sa pagka-curious ni Bridgette sa kung sinuman ang mga nagsasalitang 'yon ay tumingin siya sa itaas. Bumungad sakanya ang humigit kumulang na 50 kalalakihang nakapalibot sa kinalalagyan nya. Shit.

Lahat sila ay nakatingin sakanya na parang isang uri ng specimen, dahilan para mas magtago pa siya sa gilid.

"Kunin mo sya." dinig niyang sabi ng lalaki na siyang sumigaw rin kanina. Nakita niyang bumaba ang isang blonde na lalaki na may mga brown na mata para raw kunin sya.

Pamilyar siya. Naisaloob niya.

Ngunit naalala rin niya na hindi dapat ang lalaking 'yon ang dapat niyang problemahin. Kailangan niyang malaman kung nasaan siya.

"Ako si Newt. Huwag kang mag-alala Greenie, hindi ka namin sasaktan. Halika na." sabi ng lalaki sabay abot ng kamay. Siguradong-sigurado siya na nakita niya ang lalaki kaya paulit-ulit siyang napapamura sa isip niya dahil wala siyang maalala.

Kahit konti, bukod sa pangalan niya.

Nag-aalanganin man, inabot ito ni Bridgette. Tinulungan siya nitong makaakyat hanggang sa nasa itaas na sila.

Matapos maka-adjust sa liwanag ang kanyang mga mata, agad na bumungad kay Bridgette ang isang malawak na kapatagan. Maraming puno at halaman ang nakapalibot dito, tila nga nagmukha itong paraiso.

Pero may mali.

Awtomatikong lumaki ang mga mata ni Bridgette nang ilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar, napapalibutan ito ng mga nagtataasang pader. Napaurong siya bigla.

"Nasaan ako?" anito nang hindi na inaalam kung sino ang kinakausap.

May kamay na biglang pumatong sa kanyang balikat kaya lumingon siya dito. Isang lalaking nasa mga 30 anyos ang nakita nya, nakangiti.

"Huwag kang matakot Greenie, normal lang 'yan para sa mga bagong dating. ." sabi nito na hindi parin nawawala ang ngiti.

"Anong pangalan mo?"

Napatigil siya sa tanong nito. Dapat ba siyang magtiwala? Sa pagkakaalam niya, wala dapat siyang paniwalaan ngayon.

Lumipas ang ilang segundo ay hindi siya nagsalita. Nag-iisip kung anong pwedeng gawin.

"Well, malamang malalaman mo ang pangalan mo sa loob ng dalawa o tatlong-"

"Bridgette." pagpuputol niya sa lalaki. Bigla nalang itong nadulas sa dila nya at tila nagsisisi siya. Nginitian muli siya nito dahilan para mailang na siya.

Iniiwas niya ang kanyang tingin pero nagtama naman ang mga mata nila ni Newt. Biglang sumakit ang ulo niya.

"Ayos ka lang?" sabi nito sabay hawak sakanya.

"Hindi. Hindi. Sabihin niyo kung nasaan ako. Sabihin nyo." sagot niya habang nakahawak sa kanyang sentido. Naguguluhan na siya sa lahat.

"Sige na Alby." rinig niyang sabi ni Newt at saka sinenyasan ang lalaking kausap niya kanina.

Siya pala si Alby.

Ngumiti muli ito sakanya saka muling nagsalita.

"Maligayang pagdating Greenie. ." Mas ngumiti pa.

". .Maligayang pagdating sa Glade."

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon