Hindi ko alam kung matatawag ko ang sarili kong matapang o tanga. Pero shit talaga, nakulong na ako dito sa Maze.
Oo. Ilang beses na nilang sinabi at pinamukha na wala, ni isa, ang nakaligtas sa pagkakakulong dito sa Maze. At para sa Greenie na tulad ko, na wala pang alam, at halos wala pang isang buwan dito sa Glade ay dapat lang na huwag tawaging tanga. Dahil ang tawag ng ginawa kong ito ay kahangalan.
Sinubukan kong itayo ang sarili ko habang nakatitig parin sa nakasara nang pintuan ng Maze.
"Bakit ka pumasok Bridgette?! Alam mo ba ang ginagawa mo?!"
Lumingon ako sa sumigaw na si Minho sa likuran ko. Hawak niya parin ang lupaypay na si Alby.
"Gusto kong tumulong."
"Tutulong ka?! Bridgette, patay ka na! Patay na tayo!" sigaw parin niya sabay sandal sa pader na nasa tabi.
Hindi ako sumagot. Hindi ito ang tamang oras para makipagtalo kay Minho na halata nang nawawalan ng pag-asa. Kailangan kong mag-concentrate. Kundi, talagang mamamatay talaga kami.
Lumapit ako sa nakahigang katawan ni Alby. At tama nga ako, nalason siya sa pagkakatusok niya ng isang Griever. Wala siyang malay.
"Anong gagawin natin?" tanong ko kay Minho pagkatapos ng ilang sandali. Tinignan niya ako. Naiilang ako dahil hindi iyan ang paraan ng pagtitig niya saakin. Palaging mapang-asar ang titig niya, pero ngayon, wala. Blanko.
"Kailangan nating makaalis bago pa magbago ng mga daan ang Maze."
"Si Alby?"
Tumigil siya ng ilang sandali, nag-iisip ng gagawin. May dalawa siyang pagpipilian: Iiwan si Alby o idadala. Pero sasapakin ko talaga siya kapag pinili niya iyong una.
Tumayo siya tsaka nagsalita.
"Kunin. Si Alby siya Bridgette. Nakulong tayo dito ng dahil sa kanya."
Inilagay niya ang isang braso ni Alby sa balikat niya. At ako naman, syempre ginaya rin siya.
Sinimulan na naming maglakad. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Nahihiya naman akong kausapin si Minho dahil masyado siyang okupado. Baka bigla pa siyang magalit at iwanan ako dito. Isa pa, Runner nga pala siya. Alam niya kung ano ang gagawin.
Pagkatapos ng mga halos 30 minutong paglalakad ay sa wakas tumigil na kami. Madilim na ang paligid. Ang tanging makikita mo nalang na liwanag ay ang ilaw na galing sa buwan. At nakakatakot ito.
"Ibaba mo na siya." sa wakas ay sabi ni Minho.
Maingat kong ibinaba ang katawan ni Alby. Ang damit niya ay puno ng dugo. Makaka-survive pa ba siya?
"Ano nang gagawin natin?" tanong ko kay Minho na ngayo'y nakakunot ang noo.
"Kailangan nating itago si Alby since wala siyang malay at hindi siya makagalaw. Pero hindi ko alam kung saan." tugon nito sa nababahalang tono.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala, kundi mga nagtataasang pader lang. Pero may mga bagay na nakapalibot dito. Mga ivy.
"Minho..." tawag ko sakanya tsaka ininguso ang mga ivy. Tumingin siya saakin, sa ivy, pagkatapos ay saakin.
"Anong gagawin natin diyan?"
"Tabunan natin si Alby ng ganyan at ilagay sa gilid. At tayo, maghahanap tayo ng pwedeng pagtaguan. Pag umaga na, tsaka natin siya balikan."
Tumigil uli siya ng ilang sandali. Nag-iisip. Tsk, kung ganito siya palaging katagal magpasya, paano pa kami matatapos dito? Baka mamaya, may biglang lumabas na Griever.

BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -