09

333 18 2
                                    

BRIDGETTE

Pakiramdam ko ay nalulunod ako. Hindi ako makahinga. At nang subukan kong ibukas ang mga mata ko ay agad itong humapdi. Sinubukan kong iahon ang sarili ko mula sa tubig at nang magawa ko ay tumambad muli saakin ang ilog na nakita ko na dati.

Tahimik parin ito. Pero hindi na ito katulad ng dati. Parang nasira na ang lahat ng nakapaligid dito. Parang nasunog na hindi ko alam. At ang hanging nalalanghap ko ay masama. Napakasama. Anong nangyari dito?

Naglakad ako papunta sa ilog. At napakasama ng amoy nito. Nang lumingon ako sa direksiyon ng puno ay saka ko lang napansin ang batang babae na nakatayo doon. At base sa hilatsa ng mukha niya, umiiyak siya. Magulo ang buhok at marumi ang mukha. Pero may bigla akong naalala na siyang naging dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko. Ang repleksiyon na nakita ko sa tubig noong naligo ako at ang mukha ng batang babae ay pareho.

Kaya ang ibig sabihin. Ako, siya.

Nagising ako sa marahang pagyugyog sa balikat ko. At nang ibukas ko ang mga mata ko ay bumungad saakin ang nag-aalalang si Newt.

"Anong nangyayari sayo?" sabi niya habang hawak na ngayon ang magkabilang pisngi ko. "Ayos ka lang?"

Panaginip na naman pala iyon. Pangalawang beses ko na ito mula noong naglaban kami ni Gally. At sa totoo lang, naguguluhan na naman ulit ako.

Umupo sa tabi ko si Newt na halata sa mukhang nag-aalala parin.

"Okay lang ako." sabi ko sa medyo mababang tinig.

"Nanginginig ka kanina. Okay ka lang talaga?" pagpupumilit nito.

"Tsk. Okay lang nga. Pabayaan mo na."

Itinayo ko ang sarili ko at nasa tiyempo na sana akong magtatanong kung ano ang susubukang kong trabaho ngayong araw nang maalala ko na natapos ko na pala ang lahat. At ngayon na magdedesisyon ang council para sa talagang magiging trabaho ko.

Hinarap ko si Newt. "Hmmm. So, magmee-meeting na kayo para sa magiging trabaho ko?"

Umangat ang tingin niya.

"Oo".

"Sana maging Runner nalang ako."

"Bri..."

"Ano?"

Huminga siya ng malalim, at alam ko na ang ibig sabihin non.

"Huwag ka nalang maging Runner."

"Bakit ba ayaw mo?" sabi ko na may bahagyang pagkairita na. "Gusto ko iyon! At nararamdaman kong mas bagay ako doon Newt! Anong problema doon?"

"Masasaktan ka." Diretsahang sabi nito. "Masasaktan ka o mamamatay ka."

Itinaas ko ang kilay ko. "So?"

"Wala ka man lang bang pakialam sa sarili mo?"

"Meron!"

"Edi huwag kang maging Runner!" sigaw nito saakin.

"Ano bang pakialam mo sa gusto ko?!"

Pero bigla nalang niya akong tinalikuran. Papunta na sana siya sa labas ng pintuan nang pigilan ko siya.

"Sabihin mo." Sabi ko sakanya habang hawak ang braso niya. "Bakit ayaw mong maging Runner ako?"

Tinitigan niyan ako ng ilang segundo saka sumagot.

"Ayaw nga kitang masaktan." Sabi niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko. "Ayaw kitang masaktan kaya huwag ka nang makulit Bri."

Tumigil ako. Ina-absorb ko pa ang mga sinabi niya. Pinoprotektahan niya ba talaga ako na galing sa puso niya o.. dahil siya ang Second-in-Command at responsibilidad niyang huwag hayaang masaktan ang mga Gladers? Well, malamang dapat maniwala ako sa pangalawang sinabi ko.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon