"Tumahimik ka nalang." sabi ko kay Minho. Kahit ba naman sa ganitong sitwasyon, makukuha niya pang mang-asar.
Dumating na si Clint at Jeff para kunin ako. Pinagalitan pa sila ni Newt dahil napaka-tagal daw nila. Para sa isang 17 years old na lalaki, umaaktong 30 si Newt. Inalalayan niya pa ako sa paglalakad.
"Newt, kamay ko lang ang may puro. Hindi pa naman ako mamamatay."
"Tumigil ka na lang Bri." sagot niya, halata sa boses na naaasar.
Hindi nalang ako nagsalita hanggang sa makarating na kami sa Homestead. Idinala uli nila ako sa dating kwarto ko noong nahimatay ako at nahiwaan sa braso.
At palaging nasa tabi ko si Newt. Naka-cross ang mga braso niya sa dibdib.
"Maswerte ka may daliri ka pa." sabi ni Jeff pagkatapos niyang mailagay ng maayos ang benda sa kamay ko. Pero masakit parin.
"Yeah." mahinang sagot ko.
"Aalis na muna ako dahil papakainin ko pa si Alby." tumayo na si Jeff at lumabas. Lumapit naman saakin ng dahan-dahan si Newt.
"Pwede ko bang malaman kung anong pumasok sa isip mo kanina at bakit mo hinawakan iyong beetle blade?" nakangiwing tanong niya sa harapan ko.
Tinignan ko muna ang nakabenda kong kamay bago sumagot. "Wala. Maganda kasi siyang hawakan? Pero oo, mali ako, obviously. At isa pa, hindi nasabi saakin ni Minho na bawal hawakan yon."
"Kahit na. Pwede mo namang tanungin muna kay Minho kung pwede mong hawakan diba? Kaya nga iyon ang reason na kasama mo siya." pangangaral niya.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Okay. Cool ka lang. Hindi ako nakikipag-away sayo."
"Nagsisimula na akong magsisi na ginawa pa kitang Runner." halos pabulong na sabi niya pero narinig ko naman.
"Hey. Huwag mo nang bawiin! Tsaka unang araw ko palang naman ah! Maano ba kung mahiwa ng konti-"
"Mahiwa ng konti? Konti ba yang sa tingin mong nangyari sa kamay mo? Konti nalang halos matanggal na yang maliit na daliri mo."
Kinamot ko ang ulo ko. "Oo na. Huwag mo nang sabihin. Nandidiri na ako sa sarili ko." pagbibiro ko pero hindi niya ito pinansin.
"Kailangan ko yatang I-suggest sa mga medjacks na ireserve nalang sayo ang kwartong to dahil palagi ka na lang napapahamak."
"Magandang ideya." tinignan niya ako ng masama. Nginitian ko lang siya.
"Seriously? Nakikipaglokohan ka parin kahit na ganyan ang nangyari sayo?" nakapameywang na ngayong sabi niya.
Tumango ako. "Be positive."
Huminga siya ng malalim.
"Ikaw nga si Bridgette."
"Ako nga." napahagikgik ako.
"Ang babaeng walang ginawa kundi saktan ang sarili niya." sarkastikong sabi niya.
"Correct ka diyan." sang-ayon ko. Tinignan niya lang ako ng masama.
"Sana huwag mo nang hawakan ang mga bagay na iyon. At huwag ka ring lalapit."
"Oo naman. Pero ano nga palang gamit ng mga iyon sa Maze? Ang alam ko, mga Griever lang ang nakatira sa Maze."
Naglakad si Newt papunta sa bintana. "Sila ang mga nagmo-monitor saatin. Ang alam ni Minho ay may camera sa mga beetle na iyon. Para ma-check tayo ng mga taong nagpadala saatin dito siguro."
Tumango ako. "Kaya may red na ilaw sila?"
"Oo. Kaya may red na ilaw sila." pag-uulit niya.
Ngayon ay lumapit na siya saakin. Kinuha niya ang may benda kong kamay at hinawakan ng dahan-dahan. Pinanood ko lang siya. At isa pa, nakakaginhawa ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -