03

498 23 27
                                        

Niyakap ko ang mga binti ko habang pinapanuod ang mga Gladers na nakapalibot sa isang bilog at nagsisigawan habang tinutunghayan ang laban ni Gally (kung iyon nga ang pangalan nito at ng isa pang Glader na hindi ko alam ang pangalan dahil wala akong pakialam.

Napabuntong-hininga ako.

Alam ko namang ayaw nila saakin dahil babae nga ako. At ang ginawa ko lang buong araw ay magmukmok dahil nalaman ko na ang mga nagtataasang pader na ito ay isa palang Maze.

Tinampal ko ang aking noo.

"Bakit ba kasi ako nandito?"

"Para saakin."

Muntik na akong mapatalon sa takot dahil sa may biglang nagsalita. Tumingin ako sa kung sino mang balasubas na gumulat saakin at ang bumungad nga ay ang blonde na lalaking may brown na mga mata na nakangiti saakin.

Si Newt.

"Bakit ba palagi nalang kayong nanggugulat?" may halong sarkasmo kong sabi. "Hindi 'yan maganda."

"Hey, sorry. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo Greenie." sabi nito sabay upo sa tabi ko. Tinignan ko siya ng masama bago magsalita.

"Wag n'yo nga akong tawaging Greenie. May pangalan ako." sabi ko na may diin sa bawat salita.

Ngumiti siya dahilan para manerbiyos ako. Kahit actually, parang may biglang sumuntok sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.

"A oo nga pala, Bridgette. Ang ganda ng pangalan mo." sabi niya saka ngumisi. Hindi ko mapigilang mailang sa mga titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

Baka bigla pa akong mahimatay dito.

Lumipas ang ilang minuto ng katahimikan dahil hindi ako sumagot. Naiilang kasi akong mag-open ng topic sakanya dahil hindi ko naman siya gaanong kilala. At baka katulad din sya ng ibang Gladers.

Pero siya rin agad ang pumutol sa pag-iisip ko.

"Ano 'yang nasa leeg mo?" anito habang pinagmamasdan ang kung anong bagay daw na nasa leeg ko daw.

Hinawakan ko ang leeg ko at may nakapa nga akong isang parang kwintas na nakapalibot dito. Tinignan ko ito. Isang kulay silver na kwintas na may nakabiting 'infinity' sign. All the time, hindi ko napansing may suot pala ako.

"Earth to Greenie. . ."

Naputol uli ang pag-iisip ko dahil kay Newt.

"Ano 'yan?" sabi niya sabay nguso sa suot kong kwintas.

Tinignan ko uli siya ng masama.

"Obviously? Sa tingin mo?"

Nagkamot siya ng ulo bago nagpatuloy. "Hindi, I mean, bakit may ganyan ka?"

"Alam nating pareho na dumating tayo dito na walang maalala kundi ang pangalan natin tapos tatanungin mo ako ng ganyan? Ni hindi ko pa nga alam ang itsura ko." sagot ko sabay kuha ng bato at ibinato ito sa kung saan.

"Maganda ka." napatingin uli ako sa gawi ni Newt para taasan siya ng kilay.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang gusto kong malaman e kung mataba ba ako, payat, matangos ang ilong, may-"

"Mahaba ang buhok na kulot sa ibaba, mahahabang pilikmata, brown na mga mata, pisngi na palaging nagba-blush kapag nagtataray, labing palaging nakasimangot at medyo okay na katawan. All in all, ang taray mo pero maganda ka." pagpuputol niya saakin.

Pakiramdam ko ay naipon ang lahat ng mga dugo ko sa katawan papuntang mukha. Pakiramdam ko ay nag-iinit ako. Hindi magandang sign.

"Nagba-blush ka ba?" ani Newt habang nakangisi. Ayan, napansin na niya. Tinampal ko ng malakas ang balikat nya dahilan para magreklamo siya sa sakit. Napangiti ako sa naging reaksyon niya.

"Sa wakas, kahit masakit, at least ngumiti ka."

Biglang nawala ang ngiti ko at binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing 'Anong-Ibig-Mong-Sabihin'.

Agad naman niya itong naintindihan.

"Sa buong araw kasi, hindi pa kita nakikitang ngumiti. At proud ako kasi ako ang unang nagpangiti sayo."

Nainis ako sa bigla kong naramdaman.

"Itigil mo na Newt."

"E ikaw kasi-"

Naputol siya sa pagsasalita nang may isang malakas na tunog na nanggagaling sa loob Maze ang umalingawngaw. Tunog ito ng tila paggalaw sa loob dahilan para tumaas ang mga balahibo ko. Anong nasa loob ng mga pader na 'yan? Gaano ba kami kaligtas dito?

Nadidismaya ako sa sarili ko dahil parang natatakot ako. May mali.

Naramdaman kong hinawakan ako ni Newt sa kamay.

"Huwag kang mag-alala, ligtas ka."

Tumingin ako sa hinawakan niyang kamay ko at pagkatapos sakanyang mukha. Nakatitig siya sa Maze, walang ekspresyon.

"Anong nangyayari?" tanong ko habang nakatingin parin sakaniya.

"Ang narinig mo ay ang pagbabago. . .ng Maze."

Pagbabago ng Maze? Pagbabago muli ng mga daan?

Ayokong magtanong.

"Posible ba 'yang mga sinasabi mo?" nakakunot- noo kong sabi.

"Oo. Kaya walang nakakaligtas ng kahit isang gabi sa Maze. Bukod sa nagbabago ito, may mga Grievers din sa loob. ."

Grievers? Ano na naman ang mga Grievers?! Kasalanan 'to ni Alby dahil ayaw niyang sabihin saakin!

"Hindi mo na kailangang malaman pa Greenie.." naaalala ko pang sabi niya.

"Ano na naman ang Grievers?" irita kong tanong. Hindi ako makapaniwala. Paano ko ba ipinunta ang sarili ko dito?

"Wala pang nakakaalam kung ano ang itsura ng mga 'to dahil uulitin ko, wala pang naka-survive ng isang gabi sa Maze. Kaya kahit isang detalye, wala akong masasabi. Pero alam namin na nandiyan sila. . .at sila ang umuubos sa mga Gladers."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapanganga. Kung ganon, paano kami makakalabas dito?

"Pero nakikita mo siya?. . ." pagpapatuloy ni Newt. Itinuturo niya ang isang lalaking nakaupo ng tahimik sa isang putol na puno sa tabi ng mga nagkukumpulang Gladers. Sa naaalala ko, siya si Minho, isa sa mga Runners.

"Isang Runner." pagsasatinig ko sa iniisip ko.

"Tama ka Greenie. Si Minho, ang Keeper of the Runners. Araw-araw nilang nililibot ang buong Maze para maghanap ng mga clues. .at maniwala ka, sila ang magiging susi kung paano tayo makakalabas dito. . ."

Maganda sanang balita 'yan. Sa tingin ko ay gusto nang maging Runner.

"Gaano katagal na silang naghahanap?"

"Tatlong taon."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Tatlong taon at hindi parin kayo nakakalabas?"

Tatlong taon? Ganoon na ba talaga kalaki ang Maze na kinalalagyan namin?

"Madaling sabihin pero mahirap gawin. Marami nang nalagas na mga Runners dahil sa maze. Kapag hindi ka nakarating sa tamang oras bago magsara ang mga pinto ng Maze, tanggapin mo nang patay ka na. . ."

Niyakap ko muli ang mga binti ko at isinubsob ko ang mukha ko dito. Hindi dapat 'to nangyayari. Hindi dapat ako nandito. Magagaya din ba ako sakanila? Tatlong taon?

Kailangan kong makaalala. Kailangan may gawin ako.

Naramdaman kong may pumatong na mga kamay sa balikat ko. Iniangat ko ang mukha ko para tignan ang mukha ni Newt na may bahid ng awa. Ngunit bigla rin itong nauwi sa ngiti pagkatapos.

"Well. .tama na ang mga tanong para sa gabing 'to Greenie! Halika, pumunta tayo doon at ipakikilala kita sa lahat. Gabi mo 'to! Halika na!" sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.

Sa totoo lang ayoko pang tumayo, pero dahil shocked parin ako, mas pinili ko na lang na sumama sakaniya para mawala ang mga iniisip ko.

"Sige."

Itinayo ko ang sarili ko at nagpatianod na lamang kay Newt habang siya naman ay hinahawakan ang kanang kamay ko.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon