Gising na si Alby.
1 linggo at 4 na araw rin siyang natulog at nagdusa. Masaya ako dahil nagising na siya. At dahil gising na ang pinuno namin, day-off muna naming mga Runners ngayon.
Marami akong gustong tanungin sakanya. Lalo na at napagdaanan na niya ang 'Changing'. Malamang may nalaman na siya kung saan man kami nanggaling, kung sino siya at kung sino ako.
Pagkatapos ng halos 5 minutong paglalakad ay nakarating na ako sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Binuksan ko ito ng dahan-dahan at sabay-sabay tumingin saakin ang 5 pares ng mga mata. Kabilang na si Alby.
Tumingin ako sa gawi ni Alby. Nakatingin siya ng diretso saakin. Pero hindi tulad noon, blanko ang mga mata niya ngayon. At parang may gusto itong ipahiwatig. Parang gusto niya akong sakalin.
Umiling ako at itinutok nalang ang konsentrasyon kay Alby.
"Hi Alby." bati ko sakanya pero hindi parin siya tumutugon at nanatiling nakatutok saakin. Lumapit ako sa tabi ni Newt at Minho.
"Anong ginagawa mo dito?" tumingin ako kay Gally. Nakataas ang dalawang kilay nito. Tinitigan ko muna siya saglit bago ako sumagot.
"Bibisitahin ko si Alby." sagot ko bago itinuon ang tingin muli kay Alby. Wala akong oras para makipag-away ngayon sakanya. Ang kailangan ko ngayon ay impormasyon.
"Alby." sabi ko sabay hawak ng kamay niya pero marahas niya itong iniiwas. Nabigla ako sa inakto niya. Nang tignan ko ang mga mata niya, hindi na ito blanko, puno na iyon ngayon ng galit.
Halos magtinginan narin ang mga tao sa paligid ko. Hinawakan naman ni Newt ng mahigpit ang balikat ko.
"Anong problema Alby?" hindi ko talaga alam kung bakit bigla nalang lumalabas sa bibig ko ang mga salita kahit parang ayaw na ngang makipag-usap saakin si Alby.
Bago magsalita ay tinapunan muna niya ako ng nakamamatay na tingin.
"Bakit ka nandito?" aniya, halata sa boses na nagpipigil ng galit. Sinubukan kong kumalma.
"Anong ibig mong sabihin? Binibisita kita-"
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin!" pagpuputol niya. "Hindi ka dapat nandito. Bakit ka pumunta?!"
Napasinghap ako sa paraan ng pagkakasabi niya non saakin. Hindi siya si Alby. Tumingin ako kay Newt, na tutok parin sa sinasabi ni Alby. Gusto ko ng tulong. Bakit ba niya ito tinatanong? May naalala na ba siya?
"Naalala mo ba kung sino ako Alby?" tanong ko imbes na sagutin siya. Napatigil siya saglit sa tanong ko. At nararamdaman kong sinisiko ako ni Minho.
Isang pilit na ngiti ang nabuo sa mga labi ni Alby. "Isa ka sakanila."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Nanlalamig din ang buong sistema ko. Hindi ako makagalaw. At alam kong nakanganga ako sa sinabi niya.
Isa ako sakanila.
"Sinong sila?" rinig kong tanong ni Newt sa tabi ko. Parang tuloy gusto ko nang tumakbo. Dapat kinausap ko si Alby ng kami lang, hindi itong madami kami.
Pinutol na ni Alby ang masamang titig niya saakin. Yumuko nalang din ako. Ayokong makita ang mga tingin nilang lahat dito. Alam kong naiintindihan nila ang sinasabi ni Alby. Lalo na si Newt.
"WICKED." Maikling tugon ni Alby at nararamdaman ko ang sarili ko na maiiyak na. Hindi ako makapaniwala. Hindi pwedeng magsinungaling si Alby.
Naguguluhan ako kung bakit niya sinasabing kasama ko ang mga taong naglagay saamin dito. Mga pumapatay saamin dito. Hindi ko iyon maimagine. Naka-coat, pinag-eeksperimentuhan ang mga tao, at pinapanuod silang mamatay. Bakit ako magiging isa sakanila? Gusto kong suntukin ang sarili ko sa mga naging desisyon ko noon.
BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanficThe more she's closer to him, the more she's confused. -