Sa halip na si Newt, ay ang nakangising si Minho ang nabungaran ko pagkagising ko. Tinignan ko siya ng masama sabay hagod sa medyo sumasakit kong ulo.
Nanaginip na naman ako. Kung hindi isang babaeng naka-coat, ang batang si Newt at ako naman ang nagpapakita. Parehong-pareho lahat gabi-gabi. Kaya napagdesisyunan ko na munang ipagwalang-bahala. Sa mga susunod na araw ko na lang iintindihin ang mga panaginip ko.
Tumingin ako kay Minho, na patuloy paring nakatingin saakin habang nakangisi.
"Ano?" sabi ko.
"Wala."
"Ano nga? Ba't ganyan ka makatingin? Pinagti-tripan mo ba ako?"
Ang ngisi niya ay biglang nauwi sa ngiti. Ngiting nakakaloko.
"Ano ba kasi?!" naaasar ko nang sabi dahil ayaw parin niyang magsalita.
"Naalala ko lang kasi kahapon." tugon nito sabay yinakap ang sarili niya at umaktong parang kinikilig na batang babae. Patay, adik.
"Ano nga?!"
"Yung alam mo na. Bigla mong yinakap yung boyfriend mo tapos nakatulog ka. Ayieee." sagot niya sabay aktong kinikilig uli.
Si Newt. Si Newt. Si Newt. Nakatulog ako kahapon habang kayakap ang lalaking iyon. Paano nalaman ng mokong na to? Tsi-nismis ni Newt?
"Paano mo nalaman?!" tanong ko sabay kuha sa katabi kong unan na inihahanda kong ibato sakanya.
"Whoa. Whoa. Relax! Kasalanan ko ba? Bibisita din sana ako sayo kahapon nang makita ko kayo. Hindi ko sinasadyang sumilip!"
Ang hawak kong unan ay ipinalo ko na sakanya.
"Hoy! Ano ba! Masakit pa tong mga sugat ko!"
"Kasalanan mo! Naninilip ka!"
"Siguraduhin nyo kasing magtago muna kayo ng boyfriend mo bago kayo maglampungan! Baka mamaya, iba na ang makita ko. Masyado pa naman akong inosente."
Ano?! Loko tong lalaking to ah! Bastos!
"Hindi ko siya boyfriend!" sigaw ko sabay hampas ulit sakanya. Nakakagulat at medyo wala na akong nararamdamang sakit. Naigagalaw ko na rin ang braso kong may hiwa.
"Tama na nga!" sabi niya sabay agaw sa unan. "Bumangon ka na."
"Wag na wag mong sasabi-"
"Oo na. Oo na. Alam ko namang ayaw niyo munang ipaalam ang relationship ninyo dito." pagpuputol niya saakin. "Marunong naman akong magtago ng sikreto." pabulong na dagdag pa niya.
Susugudin ko uli sana siya nang biglang pumasok si Clint.
"Anong ginagawa niyo?" tanong niya habang nakapameywang.
"Nag-uusap lang ng isang napakahalagang bagay." sagot naman ni Minho kay Clint. Tinignan ko nalang uli siya ng masama bago kausapin si Clint.
"Kamusta na si Alby?" pag-iiba ko ng paksa.
"Nai-inject na ang serum para sakanya pero hindi parin siya nagigising. Sa ngayon, nasa kabilang kwarto siya." sagot naman ni Clint.
Sana maging okay na si Alby. Kailangan siya ng Glade.
"Well, so lumabas na tayo at kakain na. Magsisimula na ang meeting ng lahat maya-maya."
Napatigil ako sa sinabi ni Clint.
"Meeting? Ng ano?" tanong ko.
"Ng lahat ng Gladers." biglang sagot naman ni Minho.
"Bakit at.... tungkol saan?" para saan naman ang meeting na iyon at bakit lahat pa ng Gladers ay dapat meron? Parang may nase-sense akong hindi maganda.

BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -