30

184 20 26
                                    

"Baliw ka."

"Mas baliw ka."

Masaya ako habang tinatampal-tampal ako sa balikat ni Newt dahil hindi ako tumawa sa napaka-corny niyang joke. Hindi siya nananakit, hindi niya magagawa 'yon. Sa totoo lang, sa lahat ng mga tampal niya, mas gumiginhawa ang pakiramdam ko. At napapangiti ako.

"Sana ganito nalang palagi."

"Napaka-negative mo."

Pinisil niya ang pisngi ko. Isang napakagandang memory, oo nga. Ang mga brown niyang mga mata na kahit hindi mo tignan ay magpapapansin sa'yo ay ang pinakamagandang nangyari noong bata ako. Wala akong pamilya, pero kahit na ganoon, nasa tabi ko siya. Wala na akong mahihiling.

"Kung malulungkot ka, tingin ka sa necklace na binigay ko sa'yo. Medyo mahal 'yan. . " tumawa siya, kita ang mapuputing ngipin. "pero mahalaga 'yang kwintas na 'yan dahil mahalaga rin saakin ang pinagbigyan ko."

Hindi siya nagfe-fail na pangitiin ko. Hinawakan ko ang necklace. "Yeah, infinity. Ang corny mo talaga."

"Dahil 'infinity'. . ." itinaas niya ang dalawang daliri ng magakabilang kamay niya at nag-sign ng qoutation mark ". . ang pagkakaibigan natin."

At siya lang ang nagpaparamdam ng kakaiba saakin. Isa akong maliit na batang 8 years old, pero nararamdaman kong mahalaga siya saakin. At ayoko siyang bitawan.

At tulad ng isang bula, nawala ang lahat. Ang ngiti niya, ang mukha niya, ang lahat. Naiwan ako. Sa madilim, pinakamadilim na parte ng pag-iisip, walang tumutulong. . . kahit siya. Masakit pa rin ang likod ko dahil sa pagsaksak ni Chace. Pero mas masakit ang nararamdan ko emotionally.

Kasi tulog lang ako. Unconscious. At palagi lang nag-iisip kung papaano ba ako magigising at makakausap muli si Newt tungkol sa kung anumang problema o kung bakit ganito, noon hanggang ngayon, ang nararamdaman ko sakanya.

Kailangan niyang mag-explain.

Pero nandito pa rin ako, at naiinis sa sarili ko dahil hindi na naman ako makapagsalita o makagalaw, tulad nung nalason ako ng Griever.

Gustong-gusto kong makita muli ang mga ngiti ni Newt, mga ngisi, o ang pag-irap niya sa tuwing kokontra ako. Pero wala.

Ang sabi ni Thomas ay ayaw niyang bumisita. Nadurog n'on ang puso ko.

"Magising ka na. Palagi ka nalang ganito Bri, nagpapanerbiyos. Magising ka na dahil hindi na naman namin makausap si Newt. Ni ayaw pa niyang bumisita sa'yo."

Dinurog niya ako.

Nakapikit ako at hindi gumagalaw, pero naririnig ko sila, kahit konting detalye, nalalaman ko.

"Bridgy, magising ka na ate. . naghihintay ako."

If only makakangiti ako dahil sa sinabi ni Chuck ay ginawa ko na, pero wala.

At pagkatapos ay nakarinig ako ng ingay, ang pinakamalalang ingay na narinig ko sa buong buhay ko. Ang Box. Tumataas na naman ito. Umaalingawngaw ito sa buong Glade. Sa oras na tumigil ang tunog, alam kong may nangyari na naman.

May dumating na bago.

Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang umingay ang kabilang kwarto. Sinubukan kong gumalaw pero nabigo pa rin ako.

Naririnig ko ang mga salitang, 'masama', 'pinakahuli', 'thomas' at 'babae'.

Umaasa ako na si Teresa 'yon. O ibang Glader. At babae. Para lahat ng attention at mai-divert na lang sa babae at hindi na saakin. Babalik ako sa WICKED at magiging masaya ang lahat dahil mabubuhay sila -kasama ang bagong babaeng Greenie.

Kalahating oras pagkatapos ay unti-unti nang tumatahimik sa kabilang kwarto. Umaalis na sila at habang naglalakad ay alam kong sumisilip din sila sa kwarto ko at nagsasabing, "Magigising pa kaya siya?"

At ang alam ko, gusto nilang hindi.

Forty minutes pagkatapos ay may narinig akong mga yabag na papalapit sa may hinihigaan ko. Pagkatapos ay tumahimik. Nararamdaman kong may tao, pero hindi ito gumagalaw o nagsasalita. Nadito lang siya, siguro nakatingin saakin, o siguro, nagbabalak akong patayin.

Hindi ko alam.

Pagkatapos ay may humawak sa kamay ko. At naramdaman kong may malambot na bagay na dumampi sa pinapawis kong noo. At sigurado ako, na ang dumaping 'yon ay parang mga labi.

At naaalala ko rin ang amoy ng taong humalik sa noo ko. Bakit ko nga ba makakalimutan?

Alam kong si Newt.

Tumigil na ako sa pagpupumilit na ibukas ang mga mata ko. Nakiramdam na lang as if ito na ang pinakamagandang nangyari saakin dito sa Glade. Wala siyang sinabi ni anuman nang matapos niyang halikan ang noo ko. Pinisil niya lang ng kaunti ang kamay ko at tsaka walang ingay na umalis.

At hindi ko alam kung bakit kahit ganito na ang nangyayari sa mundo, ganito ang nararamdaman ko. Pero itago ko man, mahirap.

Dahil mahal ko na siya.

Hindi ako nagulat o nag-aalanganin o nanghihinayang. Naramdaman ko na 'to noon pa. Natatakot lang ako na sabihin.

Pero nandito na ako. At kahit hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko sakanya, umaasa pa rin ako. Na sana, gusto niya rin ako.

At sana, mahal niya rin ako.



~

Filler lang po kaya konti. Na-pressure ako mag-update e (wew). Sa lahat ng mga nag-add ng story na 'to sa Reading List nila or sa mga Libraries nila. . thank yow. Nakaka-overwhelm supah.

At sa mga nagco-comment din (kilig ako)

Sa mga Silent Readers (oo, mahal kita)

Grabe, na-tats ako. (lln)


-sophie


TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon