Kahit saan pa ako tumingin, kanan o kaliwa, taas o baba, puro mga nagtataasang pader lang ang nakikita ko.
Ang saya nito.
Ngayon ay papunta kami ni Newt patungo sa mga Gladers. Right, hindi rin naman nila ako papansinin. At gusto ko na talagang tumakbo ng tumakbo ng tumakbo.
At ang pagiging Runner.
Ang tanging trabahong kailangan kong makuha dito para makalabas ay ang pagiging Runner. Kahit gaano kahirap, kailangan ko 'tong makuha.
"Newt. . ." sabi ko sabay tapik sakanya.
Tumingin siya saakin ng tinging 'Ano-Na-Naman-Ang-Kailangan-Mo' at nakataas ang kilay. Ngunit agad ding nagbago ang expression niya dahil sa sinabi ko.
"Parang gusto kong maging Runner."
Kinamot niya ang ulo niya na tila naguguluhan sa sinabi ko. Hindi ko alam kung hindi niya talaga gets o talagang di niya lang expected na sinabi ko 'yon.
"Gusto kong maging-"
"Oo, oo narinig ko."
"So?"
"Nakinig ka ba talaga sa mga sinabi ko sayo kanina Bri?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Oo. So?" sabi ko ng may pagkasarkastiko.
"Bri, walang gustong maging runner. ."
"Pero gusto ko!" sigaw ko sakanya. E ano namang pakialam ko kung walang may gustong maging Runner? Ang tanging gusto at layunin ko lang naman dito ay ang makalabas.
No more, no less.
Sa halip na sumagot si Newt ay hinila niya ako patungo sa mga nagkukumpulang Gladers. Ipinunta niya ako hanggang sa pinakaharap dahilan para mas makita pa namin ng maigi ang labanan sa pagitan ni Gally at ng kawawang Glader.
"Okay, so Newt, alam kong hindi pa tayo close pero, iyon ang gusto kong trabaho." sabi ko na may tono ng desperasyon. "Di mo 'yon makokontrol. . "
Kinagat niya ang labi niya bago muling nagsalita.
"Hindi Bri. Hindi ka rin pipiliin ni Alby o ni Minho, o ni Thomas. Lalo na ako. ." sabi niya saakin na seryosong-seryoso.
Wala akong pakialam.
"Gusto. Kong. Maging. Runner." sagot ko na may diin sa bawat salita. Medyo nalakasan ko rin ang pagkakasabi ko. Isa lang sana 'yong pang-aasar sa seryosong si Newt. Pero ang resulta, napatigil ang lahat ng Gladers, maging ang laban. Napatingin ang lahat saakin dahilan para yumuko ako sa kahihiyan.
Patay na.
"Whoa. Matapang ang Greenie natin. ." rinig kong sabi ni Gally. Mas yumuko pa ako ng maigi dahil eto na, center of attention na ako.
"Gusto mong subukan ang tapang mo?"
"Wag mo siyang lalapitan Gally. Binabalaan kita."
Tumingin ako ng bahagya sa nagsalitang si Newt. Nakaharang ang dalawang kamay nito, o katawan niya, sa harapan ko. Sumunod ay tumingin ako kay Gally, na wala man lang reaksiyon sa banta ni Newt. Nakatingin ito saakin at nakangisi.
"Simple lang ang laro Greenie. Huwag mo lang hahayaan ang sarili mong makalabas sa circle. Limang segundo, kailangan makabangon ka na. Kaya halika na, patunayan mong matapang ka. . ." sabi ni Gally sa nang-aasar na tono. Pero tama siya, kailangan kong ipakita na malakas ako. Dahil kung hindi, hindi ako magiging Runner.
Ibinaba ko ang mga kamay ni Newt na nakaharang sa harapan ko ngunit agad niya din akong pinigilan nang maintindihan niya ang gusto kong gawin.
"Bri, sigurado ka ba sa gagawin mo? Masasaktan ka lang."
BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanficThe more she's closer to him, the more she's confused. -