26

178 15 20
                                    

Hindi tulad ng mga nakaraang tulog ko, mas mapayapa na ito ngayon.

I mean, wala na kasi yung mga panaginip o yung mga memories na palaging nagfa-flash sa tuwing nakapikit ako.

Basta tulog lang.

After ng ilang minuto na halos pagtitig ko lang sa kawalan ay nagkaroon na ako ng urge na buksan ang mga mata ko. Nagawa ko nga. Kinurap-kurap ko at di tulad kanina, hindi na masakit.

Nang subukan kong igalaw ang leeg ko, nabigla ako nang hindi na ito sumakit. Napangiti nalang ako.

Gabi na. Halata, kasi nga napaka-dilim na dito. Ang ilaw ng lampshade nalang ang tanging liwanag na nakikita ko. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanan ay halos mapasinghap ako sa pagkagulat nang makita ko si Newt.

Nakatulog lang siya ng mapayapa. Nakalagay ang ulo sa side ng higaan ko na ang direksiyon ng mukha ay diretso saakin. Parang ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

Iniupo ko ang sarili ko, hindi pinapansin ang sakit ng nararamdaman ko. Inilagay ko ang isang kamay ko sa pisngi ni Newt at muntik naman ako ngayong mapatalon nang bigla niyang hawakan ang kamay kong iyon.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Tinignan niya muna ang kamay ko tsaka dahan-dahan na namang nag-angat ng tingin para matignan ako ng eye to eye.

"Bri." halos pabulong at di-makapaniwalang sabi niya.

Ngumiti ako. Na-miss ko siya. Oo, na-miss ko siya. "Newt."

Hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap. As in sobrang higpit. Gusto ko sanang sabihin na masakit pa ang katawan ko pero hayaan mo na, moment niya to.

"Gising ka na."

"Obviously."

Itinigil niya ang yakap at hinawakan niya ang magkabilang-pisngi ko.

"Na-miss kita."

Isang maikling sentence lang iyon na galing sakanya pero pakiramdam ko ay nawala lahat ng sakit sa katawan ko. Nakikita kong nagba-blush siya gamit ang ilaw na nanggagaling sa lampshade, at muli, napangiti na naman niya ako.

"Same here." tugon ko. "Na-miss kitang asarin."

"Hindi mo dapat ginawa yon Bri."

"Ang ano?"

"Ang iligtas ako sa Griever na yon."

Huminga ako ng malalim. "Ang inaasahan kong marinig mula sayo ay 'Thank You', hindi yang ganyan. Halos mag-dive na ako para sagipin ka tapos ganyan lang. At-!"

Tinignan ko siya ng masama.

"Pwede mo bang i-explain saakin kung bakit ka pumunta sa Maze?"

Nagtaas ako ng kilay at yumuko lang siya. Dapat lang.

"Natatakot ako..."

"Na ano?"

"Na makita kang... naghihirap."

Alanganin akong napatango sa sinabi niya at siya naman ay hindi parin makatingin ng diretso saakin.

"Natatakot akong makita ka kasi.... kasi ako dapat ang nandyan sa kalagayan mo kung hindi mo ako niligtas. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sayo Bri. You see, halos magta-tatlong linggo ka nang tulog. What if hindi ka na nagising? What if-"

"Shhhh." pagpuputol ko sakanya. "Enough na. Naiintidihan ko. Pero isipin mo nga rin ang mararamdaman ko sa pagpunta mo sa Maze. Pwede kang mamatay! At pri-nevent ko yan noong araw na yon! Pero ikaw, basta-basta mo nalang uli itatapon ang sarili mo doon. Parang gusto nga kitang sampalim ng frying pan ni Frypan eh."

Of course hindi ko gustong gawin yung last na sinabi ko. Pero binantaan ko lang siya. Ayoko lang kasing mapahamak siya.

"Sorry Bri." mahinang pagpapaumanhin niya.

"Uhm. Forgiven." medyo asar ko paring sabi. "Wag mo na uling gagawin yon kundi ako na talaga ang sasakal sayo!"

Tumingin siya saakin at kitang-kita ko sa mukha niya na tumatawa siya. Masaya na uli siya. Sa wakas. Walang panic attack, walang Grievers.

"Masaya talaga ako na gising ka na."

"Pareho tayo."

Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin pero parang ayaw niyang ilabas. Well, papatayin ako ng curiosity ko kapag hindi ko nalaman.

"Anong problema?"

"Wala."

"Newt."

"Wala talaga."

"Talagang tatadyakan na talaga kita."

Napatigil siya. "Hindi mo ako matatadyakan. Alam kong masakit pa yang paa mo." aniya sabay nguso sa paa ko.

"Ah. So inaasar mo pa ako? Kakayanin ko para lang sayo, gusto mo?" may pagkasarkastiko kong sabi.

"Akala ko pa naman kung malalason ka ng griever, maaalis na yang kasungitan mo." sabi niya sabay nakangisi.

"Sabihin mo nalang kasi yung gusto mong sabihin!" sigaw ko tsaka pinandilatan siya. Ha, kasi.

"Hey, wag mong lakasan boses mo, tulog na sila."

"Lalakasan ko pa pag hindi mo sinabi."

"Fine." aniya sabay taas ng dalawang kamay niya. "Nakita mo ba ako sa mga memories mo nang nae-experience mo na ang 'Changing'"?

Ako naman ngayon ang napatigil sa tanong niya. Kailangan ko bang sabihin na siya ang dahilan kung bakit ko tinapon ang sarili ko dito? Or huwag na. Baka sisihin niya muli ang sarili niya, magpapanic attack, pupunta sa Maze, malalason ng Griever at- we'll never know.

Huminga ako ng malalim tsaka umiling.

"Ow." sabi niya tsaka pilit na ngumiti.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala naman."

Tumango-tango ako.

"Gusto mo bang kumain?" biglang tanong niya. Hinawakan ko ang tiyan ko, fini-feel kung gutom, pero wala. Actually, parang busog na busog ako.

"Hin-de." sagot ko.

Alanganin naman siyang tumango. "Sa tingin ko kailangan mo nalang ulit matulog."

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Kakagising ko lang!"

"Mukha ka paring pagod!"

"Ganoon ba talaga kasama ang itsura ko ngayon?"

"Oo." nalukot pa muli ang mukha ko.

"Fine. Matutulog uli ako. Basta huwag kang aalis." banta ko sakanya. Gusto ko to. Nag-aasaran kami at nagtatawanan. I secretly wish na sana ganito nalang kami palagi.

Kinamot niya ang ulo niya.

"Oo na. Lalabas lang ako saglit para kumuha ng unan sa kwarto natin."

Kwarto natin. Okay fine, awkward. Tumango nalang ako. Itinayo niya ang sarili niya at inayos ang damit bago magsimulang maglakad. Nang hawakan ko ang medyo sumasakit kong leeg ay hindi ko naiwasang mahawakan ang kwintas ko.

Kinuha ko ito at tinignan. Binigay to ni Newt. Napaisip tuloy ako kung alam niya na siya ang nagbigay nito.

"Bri?"

Tumingin ako sakanya. Akala ko nakaalis na siya. Nasa may pintuan na siya ngayon.

"Bakit?"

"Nevermind."

At just like that, umalis na siya.

------------------------

Deactivated ng superrr long. :)

Clear ko lang po:

This is a story about newtiee and bridgette. Hiram ko lang po ang mga characters ni daddy James Dashner. But all credits to him. :)

Uulitin ko, hindi to kay Thomas ha. Another greenie to na GINAWA KO DAHIL TRIP KO.

All the love,
-Ping. ♡

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon