15

279 13 4
                                    

"Para sayo ata to."

Lumingin ako sa likod ko nang marinig kong nagsalita si Newt. Nakahawak ito ng box.

"Anong laman niyan?" sabi ko sabay nguso sa hawak niya.

"Hindi ko alam. Basta may pangalan ka dito sa ibabaw kaya malamang na sa iyo to." ibinigay niya saakin ang medyo may kalakihang box na may pangalan kong nakasulat sa ibabaw.

"Sige. Babalik muna ako sa mga Track-Hoes. Magpahinga kang mabuti Bri."

Nginitian ko nalang siya at naglakad na siya paalis.

Pinagtuunan ko ng pansin ang hawak kong box. Kanina ay may ganito rin akong nakitang hawak ng ibang mga Gladers. Binuksan ko ito at tumambad saakin ang ilang damit, ponytail, underwears, relo at marami pang iba. Lahat ay may tatak na 'WCKD'. WCKD?

Ipinagwalang-bahala ko nalang at itinuloy ko ang paghahalungkat. Malamang ang mga ito ay mga sarili kong gamit. Parang personal kumbaga. Pero, sino ang nagpadala ng mga ito?

Halos wala nang laman ang box. Nang tanggalin ko ang natitirang damit na nandidito ay tumambad saakin ang isang kutsilyo. May nakataling isang piraso ng papel dito. Isang note.

Kinuha ko ito at tumingin sa paligid para siguraduhing walang tumitingin saakin. Nang masiguro kong busy ang lahat, inexamine ko ang kutsilyo. Tulad ito ng mga nakita ko sa kusina ni Frypan. Parehong-pareho. May tatak parin iyong 'WCKD'. Ngayon nagsisimula na akong mabagabag sa 'WCKD' na yan.

Pero bakit pa ako bibigyan ng kutsilyo kung marami naman kami nito?

Binuklat ko ang note na nakatali dito at binasa ko ang nakasaad dito.

Protektahan mo ang sarili mo. Tulungan mo sila. Huwag kang magtitiwala sa WICKED.
-T

T? Sino si T? Protektahan ang sarili ko? Sino ba ang gustong manakit saakin dito? At tulungan sila? Oo, ginagawa ko na iyon ngayon. Pero teka, hindi kaya ang nagbigay nito saakin ay iyong babae na nasa panaginip ko? Tulungan sila at huwag magtiwala sa WICKED, iyan palagi ang sinasabi niya. Napaka-komplikado talaga ng sitwasyon ko.

"Nakuha mo na ang supplies mo?"

Agad-agad kong itinago ang mga gamit ko pabalik sa box nang may biglang magsalita. Pati iyong sulat ay tinago ko. Mahirap na.

Lumingon ako at nabungaran ko si Chuck. Ang alam ko ay wala na siyang balak makipag-usap saakin. Kaninang nanananghalian kami, mukhang naging magbest of friends na sila ni Thomas. Agad silang nagclick. At hindi na sila mapaghiwalay. Si Thomas din ang nagpalabas ng kapilyuhan ng batang to. Kanina, pinagtitripan niya na si Minho. Sa wakas, nakahanap na rin siya ng katapat.

"Hi. Uhm, bakit ka nandito?" tanong ko sakanya habang inaayos parin ang mga gamit ko.

"Masama ba?" tugon niya naman.

Tinignan ko siya ng masama dahilan para tumawa siya. Malamang tapos na ang tour niya sa buong Glade. Hindi na ako ang nag-tour sa kanya, si Thomas na. Tutal bestfriend na nga sila.

"Bakit ikaw lang ang babae dito?" biglang tanong niya saakin. Inayos ko ang pag-upo at sumandal sa katabi kong puno.

"Hindi ko alam. Ikaw, bakit ikaw lang ang bata dito?"

Siya naman ngayon ang tumingin ng masama.

"Masaya ka kausap huh."

Kinuha ko ang box ko at itinabi ko sa gilid ko. Mahirap na.

"Nagsinungaling ka saakin."

Napatingin muli ako sakanya ng nakataas ang kilay.

"Bakit?" tanong ko.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon