29

209 15 6
                                    

Nakatitig ako sa kutsilyong bigay saakin ni Teresa. Nakuha ko ang purpose nito - gamit pampatay sa sarili ko.

Mabuti nga.

Hindi siya panaginip, isa siyang mensahe. At ayokong sundin ang sinabi ni Chancellor Paige. Ayokong bumalik, kahit anong mangyari. Pero iba ang sitwasyon. Mamamatay silang lahat. Ang mga Gladers. Ang pamilya ko. At ayaw ko iyong mangyari.

Ayokong maging selfish.

Kaya tumayo ako, nagtungo sa kwarto muli namin ni Newt para mag-ayos ng sarili, expecting na nandoon siya pero wala. Maaga na akong nagising pero mas maaga pa siya. Gusto kong kausapin muli siya pero ayoko na ulit masaktan sa mga titig niya o sa hindi niya pagpansin.

Unti-unti nang lumiliwinag at kasabay nito ay ang paggising pa ng iba pang mga Gladers. Umupo ako sa kama ni Newt at tumitig sa pader ng halos kalahating oras- nagdedecide kung lalabas na ba ako o hindi. Dahil sa takot na baka maabutan pa ni Newt, lumabas na ako.

Inayos ko ang buhok ko, para hindi nila makitang may problema ako. Nagkatinginan kami ni Thomas at isang ngiti ang ibinigay niya saakin. Hindi ko 'yon expected, dahil tulad din siya ng iba. Pero masaya ako dahil ginawa niya.

Lahat ay nagtungo na sa kusina ni Frypan kaya nagtungo na rin ako. At tulad kahapon, lahat ng mata nasa akin pero nang makita nila ako ay nagmadali silang umalis. Parang may tumusok na kutsilyo sa puso ko.

Nilagpasan nila ako na parang hindi nila ako kilala. Lumalabas sa pinto, dala ang mga pagkain nila. Nakapwesto sa isang puno, malayo saakin. Kaya hindi ako kumain at sumunod ako sakanila.

Tumigil ako nang malapit na ako sa pwesto nila, nakatingin lang ako sa mga paa ko, nag-iisip ng maaaring sabihin. Nakakarinig ako ng bulungan, isang bagay na mas dumagan pa sa loob ko. At sa ikalawang pagkakataon, napagpasyahan nilang tumayo at magsimulang maglakad. At iyon na rin ang pagkakataon na tinamaan ako ng katotohanan.

Ang lahat ng ito ay dahil sa panaginip.

"Natatakot ba kayo?" tanong ko sa garalgal na boses, na parang hindi nakapagsalita sa loob ng mahabang panahon. Humarap ang lahat sa nakayukong ako. Lahat ng titig nila ay parang nagbibigay ng mas malalalim pang saksak sa akin. Kahit nakayuko, nararamdaman ko ang pagtingin sa isa't isa ni Alby at Newt.

Pikit-mata kong sabi. "Natatakot ba kayong sabihin na kailangan ko nang bumalik?"

Nagkaroon ng ingay dahil sa sinabi ko. Nabigla sila. At naiiyak muli ako.

"Dapat sinabi niyo kaagad, dahil mahirap maging tanga sa harapan niyo. . " ngumiti ako. ". .willing ako." mas ngumiti pa. "hindi kayo mamamatay. . " at ngumiti pa. ". . babalik ako sa WICKED para sa inyo." pero nabigo ako ng damdamin ko.

"Isang huling takbo lang bilang Runner, aalis ako mamayang pag-uwi ko." at umalis na ako.

Itinakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko para walang marinig na hagulgol. Iniwan ko ang mga Gladers na nakatayo, walang emosyon. Willing silang paalisin ako, base sa mga mata nila. At willing din ako, para sa sake nila. Wala akong pakialam sa mangyayari saakin. Dahil ako lang muli si Bridgette, walang nagmamahal, walang may pake.

Pero ready ako.

Nang makakita ako ng isang beetle blade sa Maze, lahat ng galit ko ay buong lakas kong isinigaw.

"Babalik na ako! Masaya na kayo?!. ." pinipigilan ko lang na suntukin ang pader. ". . huwag mo silang sasaktan." at lumipad palayo ang beetle blade.

Naipadala ang message sa kanila, at naghahanda na sila sa pagbabalik ko.

Sigurado ako na sa pagbalik ko sa WICKED ay tutulungan ko silang makaligtas, tulad ng ginawa nila saakin dito. Tumigil ako sa pagtakbo, at mukha ni Newt ang biglang nag-flash sa isip ko. Kung hindi 'to nangyayari, malamang nasabi ko na ang feelings ko. At masaya na ako. Pero dahil hindi ito isang fairytale, hindi 'yon mangyayari.

At tulad ng ulan na umaagos sa mukha ko ngayon, hindi rin titigil ang mga luha ko.

Ayoko nang tumakbo, literally at figuratively. Kaya naglakad ako, helpless at hopeless. Limang minuto bago magsara ang maze nasa Glade na ako, at habang nagsasara na ang mga pader ng Maze, tumalikod ako at humarap muli sa pinakahuling pagkakataon doon.

Pagkatapos ay humarap na ako sa Glade.

At doon, sa harap ng homestead, lahat sila nakatayo at nakatingin saakin. Basang-basa ako sa ulan at nilalamig na pero alam kong mapapawi lahat ng iyon kapag nakarating na ako sa WICKED. Kaya nagsimula akong lumakad-patakbong pumunta sa kanila. Wala akong choice.

Nang malapit na ako, napatigil ako nang may biglang tumawag saakin. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Chace. Ready na akong tumakbo pero hindi ko alam at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Tulad kahapon, hinayaan ko siyang makalapit sa akin, sa harapan ko. Hinarangan niya ang nasa harapan kong mga Gladers. Pero nakikita ko sa likod niya ang mga mapanuring mata ni Minho at Thomas. Ang mga nagtatakang Gladers. Ang nagtinginang si Alby at Chuck. At ang walang emosyong si Newt.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Chace.

"Bakit?" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Sorry kahapon."

Sigurado akong nakita ko ang kaunting pagsisisi sa mga mata niya. Kaya naman ngumiti ako bilang ganti.

"Hindi ka nila naiintindihan Bridgette, pero naiintindihan kita. . "

Tumingin ako sakanya. "Ano?"

"Gusto mo lang ng break sa lahat pero hindi nila maintindihan iyon dahil pilit nilang pinipigilan na intindihin ka."

Nabigla ako sa sinabi niya. Nagsasabi siya ng totoo. Naiintindihan niya ako. Si Chace.

"Naiintindihan ko ang paghihirap mo."

"Thank you Chace."

Ngumiti siya saakin kaya ngumiti rin ako.

"Pwede ba kitang yakapin bilang pamamaalam lang?"

Hindi ko alam pero kahit na ayaw ko ay sumagot ako ng 'oo'. Hinila niya ako sa isang yakap kaya naman kitang-kita ko muli ang shocked na expression ng mga Gladers at galit na titig nila Minho at Newt. Sino nga bang may pakialam?

"Dahil nahihirapan ka, hayaan mong tapusin ko na 'yon. . "

Nabigla ako.

"Anong ibig mong sabihin?" pilit akong kumawala sa yakap niya pero parang nawalan ako ng lakas dahil sa lakas niya. Tumingin ako kay Newt para humingi ng tulong pero parang ayaw niyang gumalaw. Nakatayo lang siya, at galit. Walang gumagalaw sa mga Gladers, kahit isa. Gusto kong sumigaw ng tulong pero nag-aalanganin ako dahil baka hindi nila ako pakinggan. Biglang lumakas ang ulan at sa isang bulong, sinabi ko kay Newt, 'tulong'.

Pero hindi pa rin siya gumalaw.

"Ang ibig kong sabihin. . " may parang hinugot si Chace sa tagiliran niya at nakita kong parang nabigla ang mga Gladers.

"Mabuti ang WICKED."

Isang malamig na metal ang biglang tumusok sa likuran ko at nararamdaman ko ang masaganang dugong umaagos sa likuran ko. Biglang naging blur ang paningin ko at halos hindi ko na napansin pa ang bigla niyang pagbitaw saakin dahilan para bumagsak ako sa lupa ng Glade.

Hindi ako makagalaw. At sigurado akong may lumalabas na dugo sa bibig at ilong ko. Sinaksak ako ni Chace sa likod at kasalanan ko iyon.

Isang braso ang biglang pumulupot muli saakin. At alam kong si Newt iyon.

Habang nakahiga sa mga bisig niya, sumusubok na makakuha pa ng hangin para mabuhay pa siguro, tumingin siya saakin sa huling pagkakataon.

"Newt."

Gusto nila akong mamatay.



------

Sorry. Hindi pa masyadong intense, edit pa (wat) haha.

3k reads is so aweesome! And omf, the SCORCH TRIALS IS SOOO AMEYZIING :)

Hoo!



TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon