12

281 17 5
                                    

NEWT

Wala akong ginawa o nagawa. Nang makita kong bigla siyang tumakbo papunta sa Maze, ay hindi ko man lang siya hinila pabalik. Masyado akong nabigla sa ginawa niya. At nagsisisi na ako ngayon dahil wala akong ginawa.

Kasalanan ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Ayokong isipin na hindi sila makakakiligtas. Lalo na siya. Merong parte saakin na ayokong mawala siya. Sinubukan ko. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko pero ayaw. Gusto kong magwala, sumigaw, manuntok para lang mawala ang poot ko sa sarili ko. Pero wala, hindi nito siya maibabalik.

"Babalik sila Newt. Naniniwala ako."

Si Thomas iyon. Palagi niyang sinasabi sa lahat na makakaligtas sila, lalo na saakin. Pero tulad ko, ayaw maniwala ng lahat. Wala namang nangyayaring himala dito sa Glade.

Nagkampo kami ni Thomas dito sa tabi ng gate mula noong gabi. Magkasama naming pinakinggan ang mga tunog ng Griever. Ang mala-bakal na paglakad nito. At syempre, narinig din namin ang pagbabago ng daan ng Maze, isang paraan para maligaw silang tatlo.

Tinitigan ko ang mga nagtataasang pader na nasa harapan ko. Tinignan ko ito ng masama at puno ng poot habang unti-unti itong nagbubukas. Umaasa ako na may makikita akong tatlong taong naghihintay sa kabilang banda nang magbukas ito.

Pero wala.

Naestatwa muli ako. Naghahalo ang lahat ng emosyon ko. Ang ibang Gladers ay nagsisialisan na, puno sila ng panghihinayang.

"Hindi na sila babalik." sa wakas ay sabi ko. Bigla nalang iyong nadulas sa dila ko. At masakit.

Tinalikuran ko na ang nasa tabi ko pang si Thomas at nagsimula na ring maglakad pabalik sa quarters namin.

"Shit."

Agad akong lumingon kay Thomas nang bigla siyang magsalita. Tinignan ko kung ano ang tinitignan niya. At nabigla ako.

Si Minho, hawak ang halos wala nang buhay na si Alby, at ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang gawin ang gusto niya, at ang babaeng gustong-gusto akong pinapakaba.

Si Bridgette.

BRIDGETTE

Nasa Glade na kami.

Inuulit ko iyon ng inuulit pero ayaw magsink sa utak ko. Nakaligtas kami. Nailigtas ko si Alby at Minho. Nakalabas kami. Natakasan namin ang mga Grievers.

Hindi ko maintindihan ang mga reaksiyon ng mga Gladers pagkakita nila saamin. Takot, masaya, naguguluhan, nanghihinayang.

Pero agad naman nila kaming tinulungan, lalo na si Alby.

"Okay ka lang?"

Lumingon ako sa kanan ko para makita si Newt. Newt. Sinubukan niyang tanggalin ang isang kamay kong nakapatong sa braso kong may malaking hiwa, na hanggang ngayon ay dumudugo parin. Pinanuod ko ang pagbabago niya ng ekspresyon nang makita niya ang malaking sugat ko.

"Med-Jack!" sigaw niya sa mga Med-Jack para bumalik sila. Kaya ko naman ang sarili kong ipunta sa Homestead, bakit pa niya tatawagin ang mga Med-Jacks? Pero actually, masaya ako sa ginagawa niya. Tinignan pa kami ng masama ni Minho. Na sa tingin kong ang ibig sabihin ay "May sugat din ako, at mas marami pa, bakit siya lang ata ang balak mong ipagamot?"

Alam kong hindi ito oras para ngumiti, pero ngumiti ako.

"Nakakita kayo ng Griever?"

Agad ding nawala ang ngiti ko nang magsalita si Thomas. Tumingin silang lahat saakin dahilan para mailang ako. Hindi lang naman ako ang pwede nilang tanungin tungkol diyan ha. Pwede rin namang si Minho nalang.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon