02

651 21 8
                                    

BRIDGETTE

"Iyon ay si Clint at Jeff, ang mga med-jacks. Sila ang mga nag-aasikaso sa mga sugatang gladers."

Tumingin ako sa direksyon na tinuturo ni Alby at nakita ko ang dalawang lalaki na natatantiya kong nasa 16-17 taong gulang.

Okay, lahat talaga ng mga tao dito ay teenagers pa, except Alby.

Ibinalik ko muli ang tingin ko kay Alby.

"Nakuha ko."

Ngumiti si Alby tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. Kalahating oras na kaming naglalakad sa buong Glade, ang pangalan ng lugar na 'to upang malaman ko raw ang iba't ibang bahagi at trabaho ng lugar na ito. And actually, sumasakit na ang paa ko.

" .....at ang Box. Bri, nakikinig ka ba?"

Napatingin ulit ako kay Alby. Nakataas ang isang kilay niya dahilan para mapangiti ako.

"Anong nakakatawa?" sabi nito na nakataas pa rin ang kilay.

Sasabihin ko sanang magkaiba ang ngiti sa tawa pero pinigilan ko nalang ang sarili ko.

"Wala naman. Sige, ipagpatuloy mo lang." huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.

"Ang Box, kung saan ka nanggaling." tumingin ako sa tinutukoy niya na nasa pinakagitna ng Glade.

"Ano ba talaga ang totoong gamit n'yan?" sabi ko ng hindi tumitingin sakanya. "Bakit nya ako dinala dito?"

Ngumisi muna siya bago nagsalita.

"Ang Box ang nagdadala ng mga supplies dito sa Glade. Lahat ng nakikita mong kagamitan ay galing d'yan. At... 'yan din ang nagdadala ng mga Greenies buwan-buwan. At ngayong buwan na 'to, ikaw iyon."

"Bakit nila tayo ipinapadala dito?"

"Walang nakakaalam Greenie. Pare-pareho tayong dumating dito na walang maalala, pangalan lang."

Napatango nalang ako sa paliwanag niya.

"Ano ang Greenie?"

"Isa sa mga salita namin dito sa glade na ang ibig sabihin ay 'bagong Glader'".

Tumango nalang uli ako.

"Okay, so alam mo na ang lahat dito. Bukas na bukas ay magsisimula kang magtrabaho sa lahat ng mga trabaho dito at pagpapasyahan namin kung saan ka dapat ilagay. Pero pupusta akong magiging mabuti kang slicer."

Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Nakakadiri 'yong trabahong 'yon!

Mas gugustuhin ko pang magbuhat ng malalaking bato kaysa maghiwa ng laman ng hayop.

"So. ."

"Sandali."

Pinigilan ko siya sa pagsasalita nang may maalala ako. May nakalimutan pa siyang ipaliwanag.

"Alby, nakalimutan mong ipaliwanag kung ano 'yan. ." sabi ko sabay turo sa mga nagtataasang pader na nakapalibot saamin.

Napatigil siya dahil sa sinabi ko.

"Ano?" taas-kilay kong sabi.

Ipinikit niya muna ang mga mata niya bago nagsalita.

"Halika Bridgette, pumunta tayo sa WatchTower."

-

Aaminin kong medyo natatakot ako dahil sa kataasan ng WatchTower na 'to, pero namamangha din ako sa view dahil nakikita ko ang buong Glade. Napapanuod ko ang lahat na nagtatrabaho at nag-uusap ng walang ekspresyon sa mukha.

Napapaisip ako kung bakit.

"Bridgette. ."

Napatalon ako bigla sa gulat nang magsalita si Alby.

"Gusto mo bang mahulog ako dito?!"

"Wag kang masyadong occupied Bri, nakakatakot ka kapag tulala." aniya tsaka ngumiti. "buti nga pala nagsasalita ka na."

Iniwasan ko na lamang siya ng tingin.

At doon ko rin naalala kung ano nga ba talagang pakay namin dito.

"Alby. . .ano na?"

Nawala bigla ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

"Well, since bago ka palang dito, may tatlong rules ako. Una, huwag kang mananakit ng ibang Gladers. Pangalawa, gawin mo ang trabaho mo. Pangatlo-"

"Sandali." pinutol ko sya sa pagsasalita. "Straight to the point."

Huminga sya ng malalim bago nagpatuloy.

"At pangatlo, huwag na huwag kang papasok sa mga naglalakihang pader na 'yan."

Napuno ng pagtataka ang buong sistema ko. Bakit?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil iyan Greenie, ay isang Maze."

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon