08

323 17 4
                                    

Halos isang linggo na ako dito sa Glade. At, medyo bumubuti na ang trato nila saakin. Medyo lang.

Ngayon ang huling araw ko sa pagsubok ng mga trabaho dito sa Glade. At bukas, malalaman ko na kung ano na talaga ang magiging trabaho ko base sa obserbasyon nila.

"Handa ka na?" napaangat ako ng tingin kay Minho. Hindi siya pupunta sa Maze ngayong araw dahil siya ang mag-oobserve saakin. Dahil ang gagawin ko ngayon ay ang pagiging Runner.

"Yup." sagot ko tsaka tumayo.

Naglakad kami papunta sa gitna ng Glade. Ano naman kaya ang ipagagawa saakin ng mokong na ito? Baka lokohin na naman ako. Talagang napagdesisyunan niya pang huwag nang pumunta sa Maze ngayong araw para lang saakin. Pinalit niya pa si Newt.

Oo, pinapunta niya si Newt sa Maze bilang sub niya. Kaasar talaga. Wala akong matinong makakausap ngayong araw. Nitong nakaraan, bati na kami. Well, di naman talaga kami nag-away, pero malay ko! Basta!

"Unang gagawin mo.... ikutin mo ng 10 beses ang buong Glade.." sabi ni Minho saakin pagdating namin sa gitna.

Grabe, napatanga ako sa sinabi niya. Seryoso siya? I mean... shit fine.

Ipinosisyon ko ang sarili ko sa pagtakbo at sa hudyat niya, nagsimula na ako.

Maganda. Sa simula. Pero nang nasa pangatlong ikot na ako ay nagsimula nang mangawit ang mga binti ko. Idagdag mo pa ang init. At itong si Minho, nakaupo sa isang puno, kumakain. Langya talaga.

Pinapanuod ako ng mga ibang Gladers, yung iba tumatawa, yung iba nangangantiyaw (kailan ba hindi?) , at yung iba, masama ang tingin. Si Alby, sumusulyap lang.

And bless me, natapos ko rin naman. Nang matapos ako ay halos maglupasay na ako sa pagod. Mahirap pala. Pero kaya ko to.

"Pagod na Greenie?"

"Wag mo akong tawaging Greenie."

"Whoa. Okay." sabi ni Minho sabay taas ng kamay. "Next?"

Napamata ako sa sinabi niya at muntik pa akong mabilaukan. Next?! Meron pa?

"Hindi pa tapos?!"

Umiling ito. "Warm up lang yan."

Pabagsak na napaupo nalang ako sa lupa.

"Suko ka na? Sabihin mo lang at sasabihin ko din sa council na hindi ka karapat-dapat maging runner." tinignan ko siya ng masama.

"At sinong may sabi?"

---------------------------------------------------

40 push ups na ginagawa ko per hour, at mga konting lessons tungkol sa Maze at tapos na rin ang araw ko.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa tabi ni Thomas, pagod at pawisan parin kahit 5 oras na akong nakapagpahinga. At ayoko ng amoy ko.

"Thomas.."

"Hm?" anito habang ngumunguya.

"Saan ba pwedeng maligo?"

Bigla nalang itong naubo. Problema niya?

"Maliligo ka?"

"Narinig mo ako."

"Sinong kasama mo?"

Kinurot ko ang tagiliran niya dahil sa sinabi niya. Anong kasama? Kasamang maligo? Mukha niya!

"Ibig kong sabihin, sinong magbabantay sayo! Bastos mo talaga!"

"Bakit ba dapat may kasama?"

Napangisi nalang ito sa sinabi ko.

"Bahala ka. Maraming mga Gladers ang gustong makiligo kasama mo.."

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon