10

278 18 1
                                    

May yumugyog saakin dahilan para ako ay magising. Nang imulat ko ang mga mata ko ay si Alby ang nabungaran ko, ang isa niyang daliri ay nakalagay sa kanyang ilong, sinesenyasan na huwag akong maingay.

Nang ilibot ko ang paningin ko ay parang iba. Of course. Kay Thomas nga pala ako nakitulog dahil galit- nagtatampo ako kay Newt. Syempre um-oo si Thomas, at dahil ayaw kong makitabi sakanya, sa sahig nalang ako nahiga.

Tinignan ko muli si Alby, tsaka tumayo ng dahan-dahan para hindi magising ang nakatulog parin na si Thomas. Diba Runner siya? Dapat maaga siyang nagigising.

"Sumama ka sa akin." sabi ni Alby sa tabi ko. Tinignan ko siya ng 'nagtatanong' na tingin pero basta nalang niya akong hinila.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nang unti-unti nang maka-adjust ang medyo naaantok ko pang mga mata, sa tingin ko ay papunta kami patungo sa Maze.

Oh shit, sa Maze.

Sinubukan kong hugutin ang mga braso ko sa mga kamay niya pero mas hinigpitan nya pa iyon. Ano bang gagawin niya? Ipupunta niya ba ako sa Maze?

Nagpupumiglas ako pero agad ko ring itinigil iyon nang bigla siyang lumihis at ipinunta ako sa isang malaking pader lang pala na parte ng Maze.

Binitiwan niya ng marahas ang kamay ko.

"Wag ka ngang overreacting Bridgette." sabi nito sa naaasar na tono.

Tinignan ko siya ng masama bago magsalita.

"Malay ko ba kung ipunta mo ako sa Maze!"

"Umaga palang Bridgette, kahit ipapunta man kita diyan, makakalabas ka parin dahil 10 oras pa bago magsasara yan. At isa pa, kung may balak man akong itapon ka diyan, dapat noon ko palang ginawa."

Oo, oo nga tama siya.

"Okay! Sorry! Ano ba kasing gagawin mo saakin at ginising mo pa ako ng pagkaaga-aga?"

Sa halip na sumagot siya ay humugot siya ng kutsilyo galing sa likod niya. Tatakbo na sana ako dahil baka saksakin niya ako nang mapansin kong parang ibinibigay niya ito saakin.

"Para saan iyan?" tanong ko sakanya.

Inginuso niya ang pader na katabi namin. Tinignan ko ito at ngayon ko lang napansin na may mga pangalang nakaukit dito.

"Iukit mo ang pangalan mo diyan Bridgette." sabi ni Alby.

Kinuha ko ang kutsilyo tsaka muling tumingin sa pader na pag-uukitan ko raw ng pangalan ko. Alby, Winston, Newt, Doug, Alfred, Thomas, George. Teka, bakit may guhit sa gitna itong si 'George'?

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko kay Alby sabay turo sa pangalang iyon na may guhit sa gitna. Hindi lang ang pangalang iyon ang may guhit, marami-rami din. Anong nangyari sa kanila?

"Dark days Bridgette." tugon ni Alby sa tanong na nasa isip ko.

"Dark days?"

"Mga biktima ng Grievers." saad niya na halata sa mukha ang pagkalungkot. "Marami nang namatay sa Maze Bridgette, at ayaw ka naming maging isa doon.."

Tinignan ko siya. Nakatingin naman siya saakin ng seryoso pero may bahid ng pag-aalala. Sa tingin ko ay nagsumbong sakanya si Newt.

"Iukit mo na ang pangalan mo." sabi niya nang hindi pa ako nagsasalita.

"Gusto ko talagang maging Runner." sabi ko habang ginagawa ang unang letra ng mahabang pangalan ko.

"Kaiba ka talaga." tugon naman ni Alby.

"Gusto ko kayong tulungan Alby. Gusto ko lang namang maging Runner. Mahirap ba talagang I-consider yon?" tanong ko habang nakatuon parin sa ginagawa ko.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon