Nanigas ako. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nanlamig. At pagkatapos kong manlamig ay naramdaman kong bumagsak ako sa matigas na sahig ng Maze.
Unti-unting umaangat ang lason sa mga ugat ko. Nararamdaman ko iyon. Masakit, malamig at halos ito na yata ang dahilan para pumutok ang mga ugat ko. Nararamdaman ko ring bumilis ang paghinga ko at ang pagtibok ng puso ko.
Hindi ako makapagsalita pero nakakakita pa ako ng konti. Nakita kong umalis ang Griever na parang walang nagyari at ang papalapit saaking si Newt. Gusto kong magsalita pero puro ungol lang ang lumalabas saakin.
"B-bri?...okay ka lang?" nararamdaman ko ang kamay ni Newt sa kamay ko. Gusto ko iyong pisilin pero hindi ko kaya. At bago pa uli ako makapag-isip ay bigla nalang akong nagsuka ng dugo at nawalan ng paningin.
Ang nanginginig na mga braso ni Newt nalang ang huli kong naramdamang bumubuhat saakin bago ako nawalan ng malay.
~
"Ayoko silang makitang mamatay Teresa. Ayoko."
Narinig ko ang boses ko dahilan para lumingon ako sa paligid ko. At nakita ko nga ang sarili ko- nakatayo, katabi si Teresa.
"Wala nang ibang paraan. Kailangan kong pumunta sakanila."
"Dahil ba kay Newt?"
Nakita ko ang sarili kong ngumisi. "Oo. Ayokong mawala siya saakin."
Napatigil ako. Ano bang mga sinasabi ko? Ano to? Panaginip ulit?
"Ayokong mawala si Newt."
Oo. Isa na itong panaginip. Dumadaan na ako marahil sa 'Changing'. Finally, malalaman ko na ang totoo.
"Bridgette.." inilagay ni Teresa ang kamay niya sa balikat ko. "Anumang balak mo, tutulungan kita. Basta tulungan mo rin si Thomas."
Nakita ko ang sarili ko na bahagyang tumango. "Gagawin ko."
At pagkatapos non ay biglang nagdilim ang lahat.
Pero pagkatapos lang ng ilang segundo ay parang naipunta na naman uli ako sa ibang lugar. Mali, sa ilog. Kasama ng batang ako at si Newt.
Tumingin ako sa paligid ko, para tignan kung may iba pang tao pero wala. Kaya lumapit ako ng maigi sakanila. Alam ko namang hindi nila ako makikita.
"Huwag mo tong iwawala." sabi ng batang Newt sabay abot sa batang ako ang kwintas na may infinity sign. Tinanggap naman iyon ng batang ako at bigla nalang umiyak. Yinakap siya ng batang si Newt, na nagsisimula na ring umiyak.
Naaalala ko ang 'infinity' necklace na yon. Kinapa ko ang leeg ko at nang makapa ko iyon ay hindi ko rin mapigilang umiyak. Ibinigay pala ito saakin ni Newt.
"Wala akong choice. Kailangan kong sumama sa kanila Bri... basta, basta panuorin mo nalang ako palagi."
Nararamdaman kong malungkot silang dalawa. Ang paraan ng pagkakabigkas ng batang si Newt sa pangalan kong 'Bri' ay walang pinagbago hanggang ngayon. Alam ko.
Konektado kami bago pa ako makarating sa Glade.
"Susunod ako sayo." umiiyak paring sabi ng batang ako. "Susunod ako."
"Hindi. Huwag." mariing tutol ng batang si Newt.
"Pero baka mamatay ka doon!"
"Basta! Hindi Bri, please. Huwag mo namang ipahamak uli ang sarili mo." huminga ito ng malalim. "Ayokong masaktan ka."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla nalang uling naglaho ang lahat at ang tumambad naman saakin ngayon ay madaming computers na may mga pictures ng iba't ibang Gladers.
Biglang nanindig ang mga balahibo ko nang makita ko si Alby, si Gally, Minho, Frypan, Zart, at Ben. Umalis ako sa kinauupuan ko pero naiwan ang katawan ko sa kinauupuan ko. Muntik na akong mapasigaw.
At pagkatapos non ay may lumapit na babae sa katawan ko na patuloy paring nakaupo sa harap ng mga computers na iyon. Sinubukan kong makatayo upang makita sila ng mas maayos.
Nakikita ko sa mukha ko na tutol ako sa mga nangyayari. At ang babaeng lumapit, ay ang babaeng nagsasabi na mabait ang 'WICKED'.
"Magaling Bridgette." sabi nito sa mismong tenga ng katawan ko at nakita ko pang bahagya itong nanginig.
"Pindutin mo ang button na iyan." tinuro ng babae ang button na nasa tabi ng katawan ko at sa mismong harapan ko. Ginawa naman ito ng katawan ko at bigla nalang nag-flash sa screen ang imahe ni Newt na umaakyat sa isang ivy pataas sa pader na kinalalagyan nito.
"Chancellor Paige, anong nangyayari?" tanong ng katawan ko sa Chancellor Paige daw na ito.
Ngumiti ang matandang babae at itinuro nito ang screen. "Panuorin mo."
Tumingin ang katawan ko at maging ako sa malaking screen na nasa harapan namin.
May nase-sense akong masama dahil panay ang ngisi ng Chancellor Paige na ito. Pero kumalma lang ako habang pinapanuod si Newt na umaakyat.
Ano bang gagawin niya? Delikado ito. Maaari siyang mamatay pag nahulog siya. Pero isa lang ito sa mga alaalang naaalala ko ngayon sa 'Changing'. Ibig sabihin ang pangyayaring ito ay nangyari na. Anong mangyayari kay Newt dito?
Tumigil si Newt sa pinakagitnang bahagi ng pader. Nang tumingin siya sa may gawi ng camera, na hindi niya alam na nandoon, ay nakita ko siyang umiiyak. Hindi ko pa siya nakitang umiyak ng ganito.
Nakikita kong nangiginig at ninenerbiyos siya sa kinalalagyan niya. Pero hindi ko siya masisisi. Bakit ba siya aakyat ng ganyan kataas?
Pero bigla nalang niyang ipinikit ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.
At isang nakabibinging sigaw ang nanggaling sa katawan ko nang bigla nalang tumalon si Newt mula sa ivy na kinakapitan niya.

BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -