19

202 13 3
                                    

Ngayon ang huling araw ko kasama si Minho. Bukas, bibigyan na niya ako ng sarili kong ruta.

Tumakbo na ako papunta sa gate ng Maze para maghintay. Kumpleto na ang lahat ng Runners doon. Iyong dalawa then si Minho at Thomas. Thomas..

Naging cold na siya nitong nakaraang mga araw pagkatapos kong tanungin kung may kilala siyang Teresa. Hindi siya sumagot, basta hindi nalang niya ako kinausap simula noon.

Lumapit na ako sakanila.

"Hey." sabi ko sabay ngiti sakanila. Nginitian lang ako nung dalawa. Tumango si Minho. At hindi tumingin si Thomas.

"Hi Thomas." tawag ko sakanya. Hindi ako sanay ng ganito. Kaibigan ko siya.

Tumingin siya saakin at pilit na ngumiti. At least meron.

Hindi ko nalang ito pinansin at itinuon ko na ang sarili ko sa pagi-stretching.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na si Newt. At tulad ng parati niyang ginagawa, nagpaalam uli siya.

"Mag-iingat ka?" nakangiting tanong niya.

Tumango ako. "Always."

~

"Kailangan mo ring matututong magputol ng mga ivy na nakausli sa daan." tumingin ako kay Minho na nagsalita. Tumango ako.

Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo, syempre pagpuputol ng mga ivy sa daan tulad niya. Nakakapagod ang ganito, kailangan ng madaming energy. Kaya fit dapat ang katawan ng mga runners. Tulad ni Minho na malalaki ang braso, pero actually, bagay sa katawan niya. I admit noong una ko siyang nakita, na-attract ako sakanya. Lalo na at pawisan siya noon.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko dapat to iniisip. Bigla ko pa tuloy naisip si Newt. Kung Runner pa rin siya hanggang ngayon, malamang siya ang kasama ko at hindi si Minho.

Pero siguro lang naman.

Unti-unting bumagal ang takbo ni Minho.

"Suko ka na Minho?" nang-aasar kong tanong at pinandilatan niya lang ako.

"Iwanan kita dito e." bulong niya pero rinig ko naman. Hindi ko alam, pero nadiscover ko na malakas yata ang pandinig ko.

"Subukan mo. Tatadyakan talaga kita."

"Whatever Greenbean."

Ipinagpatuloy namin ang pagtakbo pero may isang bagay na nakahuli sa mga mata ko.

Tumigil muli ako sa pagtakbo, nalagpasan pa ako ni Minho.

"Bakit Greenie?" nagtatakang tanong niya nang lumapit siya saakin.

Hindi ko siya pinansin, kundi, pinutol ko ang mga ivy na naka-harang sa bagay na iyon. Nang makita ko na ito ng maigi, na-realize ko na isa itong plaque, at may mga salitang nakalagay dito.

WORLD IN CATASTROPHE: KILLZONE EXPERIMENT DEPARTMENT

"Ano ito?" tanong ko kay Minho ng hindi tumitingin.

"Hindi ko alam. Meron yan sa lahat ng sections ng Maze." tugon niya.

Hinawakan ko ito. Malamig siya. Napakalamig. At bigla nalang may nag-flash sa isipan kong mga taong naka-face mask at nakasuot mg coat.

Agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak.

"Okay ka lang Greenie?"

Hindi ako sumagot. Pamilyar ang mga salitang ito. Nakita ko na ito dati.

Bigla akong nanlambot nang maalala ko ang mga panaginip ko.

Dahan-dahan akong tumingin kay Minho na ngayo'y halatang nagtataka sa inaakto ko.

"WICKED." halos pabulong kong sabi.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon