"Pwede ba straight to the point nalang greenie? Tinatakot mo lang ako."
Totoo. Nakikita kong natatakot si Minho. Pero hindi ako sigurado kung saan siya takot. Sa sinabi ko, o sa boses ko.
Tumingin uli ako sa plaque.
"Iyang nakasulat. Pag kinuha mo ang mga first letters ng bawat salita, mabubuo ang WICKED."
Nag-aalanganing tumango si Minho. Hindi niya nakuha.
"Lahat ng mga supplies na ipinapadala ng box saatin ay may mga tatak na WCKD. Hindi mo nakuha yung logic?" pagpupumilit ko.
Mas lalo pang kumunot ang noo niya. "You mean, ang WICKED na iyan ang kumokontrol at nagkulong saatin dito?"
"Exactly!" sang-ayon ko.
"Wow, magaling ka nga greenie. Hindi ko masyadong napansin iyan sa loob ng tatlong taon."
"Mas dapat ka palang tawaging greenie kaysa saakin."
Tinignan niya lang ako ng masama.
"Well, kailangan na nating bumalik sa Maze. Isa itong news."
Tumango nalang ako. Tumingin uli ako sa plaque tsaka kay Minho.
"Tara."
~
9 minuto bago magsara ang Maze ay nakarating na kami. Pero hindi tulad ng pang-araw-araw na nakikita naming mapayapang naghihintay na mga Gladers, ngayon ay tila nababahala ang lahat.
"Okay lang kayo?" at as usual, si Newt muli ang unang kumausap saamin. Tumingin ako kay Thomas at Chuck sa gilid. Nag-uusap lang sila ng seryoso.
"Bakit, anong problema? Parang may nangyaring masama." patutyada ni Minho.
Pero agad ding nag-iba ang ekspresyon ni Minho dahil sa sinabi ni Newt.
"Nalason si Ben ng Griever. Nasa homestead na siya. At napakalala ng lagay niya."
Tumingin si Minho saakin, pagkatapos kay Newt. Nakikita ko uli ang pag-aalala sa mukha niya. Sabi na e, malambot parin ang puso ni Minho.
"Seryoso?"
"Seryoso."
Huminga ng malalim si Minho. "Titignan ko siya." at tumakbo na siya patungo sa Homestead.
Tinignan naman ako ni Newt.
"Okay ka lang?"
Kinamot ko ang ulo ko.
"Seriously Newt? Diba sabi ko, itigil mo na iyang pagtatanong mo kung okay lang ako? Kita mo naman o."
Pero wala parin siyang expression. Nakatingin lang siya ng direkta saakin.
"Okay." sagot niya at naglakad na siya palayo.
~
Nasa map room naman ako ngayon. Ang sabi ni Minho ay kakausapin niya raw ako dito kaya pinapunta niya ako dito.
Habang naghihintay ay di ko maiwasang maalala ang kalagayan ni Ben. Sinilip ko siya kanina since hindi ko kasama si Newt. At nakakaawa ang itsura niya.
Green na ugat. Nakatali ang kamay at mga paa. Laging sumisigaw. Madaming sugat. Nagwawala. Halos pulang mga mata.
Sana maging ayos na siya. Mabait si Ben. Siya lang ang ngumingiti saakin na Runner kahit hindi ko siya pinapansin.
Napabuntong-hininga ako.
"Lalim non ah." nag-angat ako ng tingin at dumating na pala si Minho.
Kumuha siya ng upuan at notebook. Tsaka ibinigay ito saakin.

BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -