"Kumpleto na?"
Tumingin ako kay Minho habang inaayos ang mga gamit ko papunta sa Maze. First day ko ngayon. At excited na ako.
Inilagay ko ang isang kutsilyo na ibinigay saakin ni Minho sa maliit na bagpack ko. Idinala ko rin ang kutsilyo na ibinigay saakin ni 'T'.
"Yup." sagot ko sakanya.
"Kung ganon tara na."
Naglakad kami patungo sa bukana ng Maze, naghihintay na magbukas ang mga pinto. Inutusan ako ni Minho na mag-stretching at sinunod ko naman siya.
"Excited ka na Bridgy?" tanong ni Thomas saakin.
"Pwede bang wag mo akong tawaging Bridgy? Si Chuck lang ang pinapayagan kong tumawag saakin ng ganyan. At hindi. Hindi ako excited. Kasama ko kasi si Minho." sagot ko na may halong sarkasmo at tinignan lang ako ni Minho ng masama. Pero syempre joke ko lang iyon. Kasasabi ko lang na excited ako eh.
Dahil sa bago palang ako sa pagiging Runner, kailangan ko munang tumakbo kasama si Minho ng isang buong linggo hanggang sa masanay na ako at pwede na akong makapagsarili sa ibibigay niyang ruta para saakin.
"Hey, ano nga palang nangyari kahapon?" biglang tanong ni Thomas saakin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Niyakap ka raw ni Chace?"
Napatigil ako sa pagi-stretching sa sinabi niya.
"Parang ganon. Nagpapatulong ako sakanyang mag-pala ng lupa. Pero, hindi yata siya ganon kagaling magturo." pagpapaliwanag ko at tumango nalang si Thomas.
"Mag-ingat ka Bri. Hindi ako nagtitiwala sa gunggong na yon." ani Minho. "Iwasan mo na yon bago pa may magyaring masama sayo."
Biglang lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Minho.
"Corcern ka?" pabirong tanong ko.
"Ew. Hindi no. Assuming ka masyado. Ayaw ko lang na masaktan ang feelings niya." sagot niya sabay turo sa kung sino mang nasa likod ko. Lumingon ako at nakita kong papalapit sa direksiyon namin si Newt. Nang nagising ako kanina ay wala na siya. Baka nga galit.
Habang papalapit si Newt ay unti-unti ko nang naririnig ang pagbubukas ng pinto ng Maze.
"Hey. Good luck." sabi ni Newt nang makalapit na siya saamin. Nakatingin siya ng diretso saakin. Ako bang pinagsasabihan niya? Tumingin ako kay Minho at Thomas pero nakangiti lang sila.
"Ako bang pinagsasabihan mo?" tanong ko sabay turo sa sarili ko. Tumango naman siya.
"Okay. Tama na iyan lovebirds. Hihiramin ko na siya Newtie, mamaya ulit." hinila na ako ni Minho pero agad din itong pinigilan ni Newt dahil hinila niya rin ang isang braso ko. Okay, awkward.
"Saglit lang Minho." kapagkuwan ay sabi niya. Sumagot lang si Minho ng 'okay' tsaka pumunta sa tabi ni Thomas para sikuin ito. Tatadyakan ko talaga tong Minho na to pag nasa Maze na kami.
"Sorry kagabi." bulong ni Newt. "Natulugan kita."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Okay lang. Pero di ka galit?"
"Hindi." sagot niya sa pantay na tono. "Hindi Bri."
Tumango ako sabay ngumiti ulit. Okay, ang lahat ay klaro na. Hindi na siya galit at higit sa lahat, hindi siya nagseselos.
"Mag-iingat ka Bri." kapagkuwan ay sabi niya habang hinahawakan ang kanang kamay ko.
"Okay, Newt."

BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
Fiksi PenggemarThe more she's closer to him, the more she's confused. -