05

352 20 13
                                    

BRIDGETTE

Gising ako. Pero hindi ako makagalaw. Alam kong may tao dito sa kwartong kinalalagyan ko pero hindi ko sila makausap. Kahit anong pilit ko, parang may pumipigil saakin na gumalaw.

"Bridgette...." ayun na naman ang babae. Tinitigan ko siyang mabuti. May berde siyang mga mata, mahaba ang buhok na medyo kulot at naka-lab coat siya.

Pero sino siya?

"Bridgette, tulungan mo sila..." pagkatapos niyang masabi 'yon ay bigla siyang naglaho at pumalit sa kanya ang isang matandang babae na kapareho niya din nang suot.

Mukha itong aristokrata at istrikta, at ang mga ngiti niya, nakakapangilabot.

"Ang WICKED ay mabuti..." sabi nito na hindi parin nawawalan ng ngiti. Ano ba kasi ang 'WICKED'? Yung isang babae, sabi niya ang WICKED ay masama. At itong isa namang ito, ang sabi'y, ito ay mabuti.

Naguguluhan na talaga ako.

Sinubukan kong magsalita pero bago ko pa magawa iyon ay bigla na namang nagbago ang itsura ng paligid at ngayo'y nasa isang lugar naman ako na may ilog.

Nakakaasar na talaga 'to.

"Kailangan kong pumunta. . ." napatingin ako sa likod ko nang may biglang magsalita. Dalawang bata, magkayakap, parehong umiiyak.

"Patawarin mo ako. . ." sabi ng batang lalaki habang yakap ang batang babae. "Kailangan."

Tinitigan kong mabuti ang batang babae. At oo, parang nakita ko na uli siya dati. Bwisit na alaala. Umiiyak siya, halatang malungkot habang niyayakap ng mahigpit ang batang lalaki.

At ang batang lalaki. May blonde na buhok at brown na mga mata. Biglang nagtaasan ang balahibo ko nang maiproseso ko sa utak ko kung sino ang kamukha niya.

Si Newt.

Lalapit pa sana ako ng maigi sa kanila nang may maramdaman akong sumaksak sa likod ko. Paglingon ko ay ang matandang babae muli ang nabungaran ko.

"Matuto kang alamin kung ano ang mga limitasyon mo. . ." iyon lamang at nagdilim na muli ang paligid.

-

Nang ibukas ko ang mga mata ko ay anim na tao agad ang nabungaran ko - Thomas, Alby, Minho, Gally, Clint at Newt.

"Gising na siya."

"Okay ka lang?"

"May masakit ba sayo?"

"Gusto mong kumain?"

"Nakatulog ka ba ng maayos?"

Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sunod-sunod nilang tanong.

"Okay, okay. Hinay-hinay lang ha? Masakit pa." sabi ko na medyo naiirita.

"Sorry. . ." napatingin ako sa nagsalita.

Si Gally. At nakayuko siya. Problema niya?

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Pinatid kita di ba? Kaya ka natumba?"

"Ikaw 'yon? Sakit ha."

"Kaya nga sorry kasi-"

"Di, okay lang. . ." pagpuputol ko sakanya. "Wala ka naman talagang kasalanan eh."

Kumunot bigla ang kilay niya.

"Anong ibig mong sabihin Greenie?"

"Wag mo akong tawaging Greenie!"

"Ano ngang ibig mong sabihin?"

"Teka nga. Napakagulo niyo. Pwede hinay-hinay lang Gally? Baka may masakit pa sakanya." biglang namang sabi ni Newt. Napatingin tuloy ang lahat sakanya.

"Okay ka lang?" sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.

"Oo."

"Talaga?"

"Oo nga."

"Pero-"

"Tigilin mo na nga 'yang pakikipaglandi mo Newt. Bri, magkwento ka na lang ng nangyari kagabi. Alam naming may nangyaring iba bago ka pinatid ni Gally, ano?" pagpuputol naman ni Minho sa usapan.

"Hindi ako nakikipag-"

"Tigil na Newt. Ano Bridgette?"

Hinimas ko muna muli ang ulo ko na medyo sumasakit na naman sa pag-uusap nila bago ako nagsalita.

"Sumakit ang ulo ko. . ."

"Halata namin."

"Tapos may biglang sumulpot na babae-"

"Babae?"

"Oo. Babae. Pwede patapusin mo muna ako?" Ayoko ko sanang maging sarkastiko, pero naman kasing patapusin niya muna ako.

Tumango nalang siya sa sinabi ko.

"May babae pero di ko siya kilala. Sabi niya, may dapat daw akong tulungan. Hindi ko lang alam kung. . .kung kayo 'yon."

Nagtaasan lahat ng kilay nila.

Lumipas ang ilang minuto at walang nagsasalita. Nagtitinginan lang sila. Okay, so ano 'to? Special form of communication nila?

"Ano-"

"Okay." pagpuputol saakin ni Alby. "Tama na ang tanong para sa araw na ito. Umaga na, kailangan na nating lumabas."

Napataas nalang ang kilay ko sa biglang pag-iinterrupt ni Alby. Lumabas na ang lahat, si Alby syempre, sumunod ay si Clint at Gally, na medyo nahihiya pa rin. Pagkatapos ay si Minho. Tapos si Thomas, na ngumiti muna bago umalis.

At si Newt, ay natira.

"Pasensiya ka na sa kanila. Masasanay ka rin." sabi nito na nakangiti habang hawak parin ang kamay ko.

Ngumiti din ako bilang tugon.

"Wala nang masakit sa'yo?"

"Wala na. Siguro."

"Niloloko mo na naman ako."

Muli, ay napangiti na naman kaming dalawa.

"Well, kung okay ka na, lumabas na tayo bago pa nila tayo mapagkamalang naghahalikan dito."

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon