Pagod, takot, pangamba.
Pagod, dahil sa lahat, sa trabaho bilang runner at sa patuloy na pag-intindi. Takot, dahil wala sila sa tabi ko at dahil hindi nila ako tinitignan. At pangamba dahil lumalayo sila at hindi ko alam kung bakit.
Wala nang mga jokes, o mga pabirong kantiyaw saakin. Wala nang mahahabang pag-uusap galing sa mga kaibigan ko. Maging si Newt ay naging cold na saakin. Minsan sumasagi sa isip ko na magpatusok uli sa isang Griever. Para bumalik ang pake nila, para pansinin muli nila ako. Pero wala pa rin siguro.
Sinusubukan kong kausapin si Alby, pero sa tuwing lalapit ako, lalayo siya. O di kaya'y malalim ang iniiisip niya. Wala akong makausap.
Nakakausap ko si Chuck. Sinasabi niyang na-mimiss niya makipag-biruan saakin. Bakit naman? Free naman at hindi ko naman siya pinagbabawalan. Gusto kong magtanong pero alam kong wala akong makukuhang sagot. Kasi ako lang si Bridgette, at wala silang pakialam saakin.
Kaya naman ngayong araw na 'to, hindi pagkuha ng mga bagong ruta ang ginawa ko sa loob ng Maze. Umupo ako, maghapon hanggang sa malapit nang magsara ang gates ng Maze. Naglakad lang ako, na parang zombie, walang buhay. Hindi ko na mai-magine pa ang mukha ko.
Pagdating ko sa Glade, nagsisimula palang na mag-umpukan ang mga Gladers para hintayin ang IBANG MGA RUNNERS. Lahat ng mata, napatingin saakin, pero agad ding iniwas. Parang takot sila. . saakin. At muli, kahit masakit sa loob ko, hindi ko na pinakialaman pa ang damdamin ko. Tumakbo ako na parang walang nangyari. Tumakbo ng tumakbo hanggang sa makita ko si Newt, nag-aayos ng sarili at handa nang maglakad. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng power para lumapit pero ginawa ko.
"Newt."
Tinignan niya ako pero hindi tulad ng mga ibang tingin niya na masaya, may secure, ngayon ay parang puno ng pag-iwas at sakit. Pinilit niyang ngumiti pero nabigo siya. Tatlong araw na kaming hindi nag-uusap dahil nag-iiwasan kami at sa totoo lang, hindi ko na kaya.
"May ginawa ba akong masama?" sigurado akong anumang sandali ay pipiyok na ako dahil naiiyak ako. Iiyak na naman ako? Hindi ba 'to mauubos? Pagod na pagod na ako.
"Wala." cold na sagot niya. Hindi siya makatingin ng diretso at parang gusto na niyang umalis.
Hindi ako umimik, maging siya. Nang magsimula na siyang maglakad patungo sa gate ng Maze ay hinawakan ko siya sa braso. Napatingin siya sa kamay kong iyon at expect kong mag-aangat siya ng mukha pero hindi. Nakatitig lang siya sa kamay ko na halos sobrang dumi na.
At sa huling pagkakataon muli, pinilit kong itanong. "Galit ka ba?"
Hindi siya sumagot. Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at naglakad na palayo. Wala na akong lakas para tawagin siya uli. Pinapanatili na niya ang distance niya. Malamang dahil na-realize niya na dapat ay hindi siya nakikisama sa isang taong tulad ko.
Tumalikod ako at tumakbo papunta sa Deadheads. Tumingin ako sa paligid at nang wala akong makitang Gladers ay sumigaw ako ng pinakamalakas ko na. Wala akong pakialam kung marinig man nila. Kailangan kong ilabas lahat. Frustration, galit at dismaya. Mas mabuti pang masugat ako ng mga Grievers o beetle blades o kutsilyo ni Frypan ng sobrang lalaking hiwa kaysa ganito. Mas nahihirapan na ako.
Hindi ko na mapigilan pa ang pag-iyak ko. Ang lahat ng depensa ko, nabuwag. Ang pagiging matapang ko, nawala. Nag-iisa ako at nasasaktan.
"Hi."
Sa lahat ng mga unexpected na nangyari saakin, ang nakangiting mukha ni Chace ang isa pa sa naidagdag dito. Ayoko ng may kasama! Pero dahil hindi ko maibuka ang bibig ko, naupo siya, hinayaan ko at pinabayaan niya rin akong umiyak.
"Wag kang umiyak." aniya sa tabi ko. Kahit wala akong mahanap na sincerity sa boses niya, ngumiti ako bilang ganti sa sinabi niya. Sa lahat ng Gladers, siya ang hindi ko pinaka-expect na lalapit saakin. "Sabihin mo lang at uupakan natin kung sino yung nagpaiyak sa'yo."
Ang lahat. Ang Gladers. Ikaw din. At si Newt. Lahat kayo.
Pero imbes na sumagot ng ganon ay tinanong ko siya. "Anong ginagawa mo dito?"
Ngumisi siya. "Hinahanap kita kasi sure kong hindi ka uli kakain ng hapunan mamaya. Kaya eto. . ": kinuha niya ang isang supot sa bulsa niya. ". .sandwich."
Hindi naman siguro masama si Chace. Hindi siya lumayo, lumapit siya. Siya lang. Pero dahil sa ginawa niya, naalala ko na naman si Newt. Shit talaga, tama na.
Pagkatapos kong nakuha ang sandwich ay nanatili kaming tahimik. Nakasandal sa puno. At ang tanging pagpahid ko lang ng mga luha ko ang movement na makikita. At dahil sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan pa ang mga kamay niya sa baba ko na iniikot ang ulo ko paharap sakanya.
Doon ko nalang na-realize na hahalikan niya ako. Hindi.
Tumayo ako kaagad at akmang aalis na nang hilahin niya muli ako. Buong lakas kong hinila ang kamay ko tsaka tumakbo muling palayo. Itinapon ko ang sandwich na bigay niya at nagsimula uling umagos ang luha ko. Wala, ni isa, ang may pakialam saakin. At kung hahayaan kong apektuhan ako ng mga trato nila saakin, hindi ako magiging matatag. Kailangan kong maging matatag.
Kaya naman dumiretso ako sa kwarto namin - ni Newt at kumuha ng mga bagong damit ko doon. Nagpunta ako sa CR, at nilinisang mabuti ang sarili. Nakita ko muli ang repleksiyon ko sa tubig. Sabog, walang tulog at namamaga ang mata sa kaiiyak.
Nang matapos akong maligo ay inipit ko ang buhok ko sa isang braid. Nagsimula akong maglakad patungo sa kusina ni Frypan habang kumakabog pa rin nang malakas ang sasabog ko nang puso. Rinig ko ang mga tawanan ng mga Gladers sa loob na agad ding natigil sa pagpasok ko. Tulad kanina, lahat ng mata, nasa akin. Pero hindi agad sila nag-iwas.
Pinagmamasdan nila ang bawat kilos ko. Mula sa pagkuha ng pagkain at inumin hanggang sa makapwesto na ako sa pinakagilid ng isang table. At ako naman, nag-iingat na huwag tumigin sa kanila. Magpakatatag ka nga kasi Bridgette.
Lahat sila ay bumalik sa pagkain nila. Pero may mangilan-ngilan pa ring tumitingin saakin. Mabuti nalang at maliit ang kinuha kong pagkain kaya madali akong natapos. Tatayo na sana ako nang mapigtas pa ang tali ng braid ko. Napilitan pa tuloy akong ayusin ito gamit ang isang reserve na tali na palagi kong dala. Habang inaayos ko ang sarili ko, biglang nagtama ang mga mata namin ni Newt. Ngunit ang tingin niya ay bumaba sa suot kong kwintas. At nakita ko sa mga mata niya- na parang nagsisisi siya. At hindi ko alam kung bakit.
Tumayo na ako at naglakad na paalis habang nakatingin pa rin sila saakin. Susunod sana si Chuck pero pinigilan siya ni Minho na naging dahilan para parang sinuntok ako sa tiyan. Pero umakto akong hindi ko iyon pinansin.
At sigurado rin akong uulan dahil wala ang star ko. Nagtatago na siya dahil wala na kami ni Newt. Sira na ulit.
Kaya nang makarating ako sa kwarto namin, kumuha ako ng separate na kumot at unan at pumwesto ako sa lapag. Agad akong nakatulog dahil sa lahat. At hindi na rin ako nagulat sa isa pang muling panaginip.
At nang magpakita muli si Chancellor Paige, hindi na ako nabigla, pero sa huli, dahil siya si Chancellor Paige, puno ng surprises at sakit na naibibigay, bawi na ulit ang sinabi ko.
"Huling dalawang araw para sa'yo Bridgette. Babalik ka dito sa WICKED o papatayin kong lahat ang mga kaibigan mo."
At tulad ng isang bombang sinindihan ang mitsa, nakarating ang apoy at sumabog ako.

BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -