31

167 19 0
                                    

Tumatakbo ako. At hindi ko alam kung bakit. Nang lumingon ako sa likuran ko, may mga taong sumusunod at tumatakbo rin patungo saakin.

Titigil sana ako kung hindi ako biglang natakot sa mga itsura nila. Para silang. . sunog. 'Yung iba, hindi ko masabi kung buhay pa ba o patay na. Naaagnas, naihihiwalay ang balat sa buto. Nabigla ako kaya tumakbo pa ako ng mas mabilis.

Tumigil ako nang may mga buildings na, na nakaharang saakin. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ako. Paano kung mas marami sila sa loob? Hindi. Kahit hindi ko alam ang maaari nilang gawin saakin, tatakbo pa rin ako para hindi ako mapahamak.

Kaya tumakbo ako papasok sa isang sirang building.

Madilim sa loob. At ang nalalanghap kong hangin ay hindi maganda. Pinaghalong amoy ng parang ihi o dumi. . .at mga patay na tao. Parang gusto kong masuka.

At pagkatapos non, nang maghahanda na muli sana ako sa pagtakbo, may naramdaman akong parang may gumalaw sa likuran ko. Nanigas ako ng ilang segundo, pero nang mapansin kong parang wala nang gumagalaw ay lumingon ako sa likuran ko.

At doon nga ay nakita ko ang isang babaeng nakayuko. Ang madumi na mga blonde niyang buhok ay nakatabing sa hindi ko nakikitang mukha niya. Humakbang ako ng isa para tignan siya ng maigi dahil madilim nga dito sa loob pero umatras rin ng makita ko ang nangingitim nang dugo na dumadaloy sa mga braso at binti niya.

Isa muli siya sakanila.

At ready muli akong tumakbo nang may gumalaw uli sa may lIkuran ko. At isa pa. At isa pa. Hanggang sa lumakas pa nang lumakas ang mga galaw na naririnig ko dahil sa pagtapak nila sa mga nagkandahulog na bloke ng semento ng sirang building na ito.

Ipinikit ko ang mga mata ko, naghihintay na umatake sila pero walang gumalaw.

At kahit takot at naninigas, ibinukas ko ang mga mata ko, umaasa na sana, nag-iilusyon lang ako.

Pero hindi.

Lahat sila nakatitig, nakangiti at parang baliw na nakatingin saakin. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Kamusta ka?" sabi nang isa sakanila. Lalaki. Matatantiya kong nasa edad 20 siya pababa kung hindi lang dahil sa nangingitim niyang mukha na nagpapatanda sakanya ng higit na limampu.

Nakatayo lang ako, hindi alam ang maisasagot. Humihinga ng malalim, nag-iisip ng gagawin.

Nagsalita muli ang lalaki, sa mas seryoso at malapit na sa pagiging galit. "Bakit hindi ka sumasagot?"

Sa bawat salita niya ay may lumalabas na dugo sa bunganga niya. Nakakadiri 'yon. Hindi ko matiis na tignan at hindi pandirihan. Merong halos sampung tulad niya na nakapalibot saakin.

Isang maling galiw, patay ako.

Ngumisi ang lalaki pero halata sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nakikita niyang reaksiyon galing saakin.

Ibinaling niya ang ulo niya sa kanan, na pumunit na manipis at nangingitim na niyang balat sa leeg na naging dahilan para lumabas pa ang mas maraming dugo. Pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip, sinabi niya,

"Patayin siya."

Napaka-unusual saakin na hindi ako agad tumakbo nang sinabi niya na kailangan na akong patayin. Mas mabuti ngang patay na ako ngayon. I doubt kung buhay pa nga ako hanggang ngayon.

May isang humablot sa buhok ko. May isa sa kamay, sa paa at sa leeg. Dapat sumisigaw na ako, o tumatakbo, o nagtatago. Pero nandoon lang ako, sinasaktan pero hindi lumalaban.

Nakakapagod ding lumaban.

At parang isang blur muli ang lahat nang may pumukpok ng isang may kalakihang bato sa ulo ko. Naging puti ang lahat kaya nabigla ako.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon