Nagising ako dahil may parang nararamdaman akong pumipingot sa tenga ko. Napaka-unusual. Sa tingin ko ay hindi ito isang panaginip lang dahil napakasakit at parang gustong-gusto na talaga ng taong to na matanggal ang tenga ko.
Kahit mahirap at medyo masakit ay sinubukan kong buksan ang mga mata ko. At pagkatapos ng halos ilang libong taon kong pagkakatulog ay sa wakas, nagising na ako.
Pero mata ko lang ang bumukas. Hindi ko parin maigalaw ang buong katawan ko.
"Magising ka na shuckface.." ani tinig na nasa tabi ko. Pilit kong iniikot ang mata ko dahil hindi ko maigalaw ang ulo ko.
Si Minho. At siya pala ang namimingot saakin. Kahit kailan talaga. Isang mahinang ungol ang lumabas sa bunganga ko nang pingutin niya muli ang tenga ko.
Nakita ko, sa gilid ng mga mata ko, ang mabagal at unti-unti niyang paglingon sa mukha ko. God, di man lang ba niya napansin na gising na ako?
At ilang sandali lang ay nakita na niya akong gising at halos tumalon na siya sa upuan niya dahil sa gulat.
"G-gising ka na?!" sigaw niya sabay turo saakin. Gusto kong magtaray pero pati yata kilay ko ay ayaw nang gumalaw. Paralyzed ako.
Lumapit siya at tinignan ako ng maigi sa mukha.
"Gising ka na." At ngumiti siya. Tinignan ko lang siya. Diba galit siya saakin noon? Ni hindi nga siya makapag-eye contact bago ako nalason diba? Why now?
"Minho." nanghihinang tugon ko. Isang imaginary na ngiti na naman ang nabuo sa mga labi ko dahil sa wakas ay nakapagsalita na ako.
Inayos niyang muli ang sarili niya tsaka umupo sa tabi ko. Gusto kong ibaling ang leeg ko sakanya pero masakit parin. Kaya nagkasya nalang akong nakatingin sa kisame.
Ilang sandali lang ay bigla nalang siyang napatayo.
"Babalik ako shuckface. Tatawagin ko lang ang mga Med-jacks." sabi niya bago mabilis na umalis.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Gising na ako. Sa wakas. Naaamoy ko na ang malamig na hangin ng Glade. Ang masarap na luto ni Frypan.
Naririnig ko narin ang boses mg mga Gladers. Ayokong i-admit pero kahit paapano ay na-miss ko talaga ang boses ni Minho. Lalo na at hindi ko naman siya nakakasama sa mga panaginip ko. Tanging si Thomas, Teresa at Newt lang.
Newt.
Parang may kung anong nag-udyok saakin na hanapin si Newt. Nasaan nga ba siya? Wala siya sa side ko nang magising ako. Kailangan ko siyang makausap, ngayon din.
Habang sinusubukan kong iupo ang sarili ko sa kama ay bigla nalang pumasok uli si Minho, kasama si Jeff.
"Bridgette!" masayang sigaw ni Jeff. Okay.
"Ayos ka lang? God, akala namin hindi ka na magigising!" umupo siya sa tabi ko at kitang-kita ko ang pagngiti niya. May weird, ang alam ko ay galit sila saakin.
"Kukuha lang ako ng maiinom mo." akmang aalis na sana si Jeff nang bigla muli akong magsalita. Hindi ko alam, nadulas nalang basta.
"Newt." maikling sabi ko. Nagtinginan si Jeff at Minho.
"Ako nang bahala sakanya." ilang sandali pa ay sabi ni Minho kay Jeff. Tumango si Jeff at nagtuloy-tuloy na paalis.
"Gusto mong umupo?" kapagkuwan ay tanong ni Minho nang kami nalang. Pinilit ko ang sarili ko na tumango at tinulungan niya nga ako. Hindi ko talaga maimagine na ganito kabait si Minho ngayon. I mean, hindi bagay sakanya.
Feeling ko ay magkakagutay-gutay na ang katawan ko dahil muli sa sakit. Nang isandig niya ako sa pader ay sunod-sunod na ungol ang lumabas sa bibig ko.
"Shit." rinig ko pang sabi niya. Minho talaga.
Nang matapos na akong umungol sa sakit ay tsaka lang muling nagsalita si Minho.
"Alam mo..." pagsisimula niya. "Hindi magwo-work ang relationship ninyong dalawa ni Newt.."
Gosh, ano na naman? Seryoso ako.
"N-nasaan s-siya..?" sabi ko. Wow, achievement na to. Umi-improve na ako.
Kinamot niya ang noo niya at nag-aalanganing tumingin saakin. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Nasa Maze siya ngayon, nawawala."
Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Anong ibig niyang sabihin? Si Newt? Mawawala sa Maze? Pero bakit siya pupunta doon? Shit nga talaga oo."Bakit?" mahinang tanong ko kay Minho. Gusto kong tumayo. Gustong-gusto kong tumayo pero binigo uli ako ng katawan ko.
"Panic attack. Masyado niyang sinisisi ang sarili niya dahil nagkaganito ka. Bigla nalang siyang..... natakot at tumakbo papasok sa Maze.."
Parang may biglang nag-block sa pagpa-process ng utak ko. Parang nagsisimula na naman muling sumakit ang ulo ko. The fact na alam ko na ako ang dahilan kung bakit nagkakaganon si Newt ay parang nagpabigat sa loob ko. Paano kung mamatay siya? Paano kung masarhan man siya ng pinto? At what if... magpakamatay uli siya?
Ako na ngayon ang tila magpapanic attack.
"Minho, h-hanapin niyo siya." sabi ko at nararamdaman kong parang maiiyak na ako. Kailangan ko pa siyang kausapin! At bakit nga ba nandito si Minho? Supposedly, dapat hinahanap na niya si Newt!
"Relax Bridgette. Hinahanap na nila siya. Relax lang please." pagkakalma niya. "Mahahanap nila siya."
Hindi ko ma-feel ang assurance sa boses niya. Ang buhay ni Newt ay nasa panganib na ngayon. Bakit ba napaka-estupido ng lalaking yon? Halos mag-dive na ako para lang iligtas siya mula sa Griever, at ngayon, siya pa ang mismo nang lalapit?
Habang pinipisil ng marahan ni Minho ang isang kamay ko ay unti-unti na naman akong hinihila ng antok. Hindi. Hindi. Hindi. Kailangan kong makatayo. Kailangan kong mahanap si Newt.
Pero sa muli't muli, binigo na naman ako ng katawan ko. Nakikita ko pang nagsasalita si Minho pero hindi ko na marinig ang sinasabi niya.
Pero bago pa lamunin ng dilim na background muli ang mga mata ko, isang pamilyar na figure ang namataan ko na nakatayo sa may pintuan.
Ang lalaking may blonde na buhok at brown na mga mata.
BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -