33

185 8 5
                                    

Hindi ko masasabing maayos na ang lahat, tulad ng palagi kong iniisip, dahil sa tuwing iisipin kong ayos na, taliwas naman non ang mangyayari.

Ang mahalaga, actually, ay napakasaya ko.

Nang sinabi ni Newt na mahal niya ako kagabi, hindi na ako nakatulog. Kabaliktaran naman saakin, nakatulog siya kaagad. Hindi naman ako na-disappoint kung bakit nakatulog siya kaagad kasi malamang, matagal na niyang kinikimkim ang nararamdaman niya saakin.

At baka hindi rin siya makatulog noon dahil napaka-komplikado pa namin. Napaka-sweet ngang isipin, mapapangiti ka nalang.

Magdamag akong nakatitig sa tulog niyang mukha. Humihilik siya konti, na nagpapadagdag sa ka-cutan niya. Minsan, hahawakan ko ang pisngi niya, at magsisisi ako kung bakit ngayon ko lang naisipang gawin 'to gayong halos magkatabi naman kami bawat gabi.

Nakatulog na rin ako ng mga bandang mag-uumaga na at nagising ng medyo tanghali na.

Nagtataka ako kung bakit walang nag-abalang gumising saakin, maraming trabahong kailangang gawin, sinadya ba nilang hindi ako gisingin?

Newt, bakit hindi mo ako ginising.

Napagdesisyunan kong tumayo na at pumunta sa labas. Agad akong dumiretso sa kusina ni Frypan para sana kumain ng umagahan pero napunta na ng tanghalian dahil late nga akong nagising.

Ngumiti ako nang makita ko siya.

"Hello, Bri. Napasarap ba ang tulog mo?" sabi nito ng nakangiti.

Hindi ko alam kung mapapanganga ako sa sinabi niya dahil napaka-awkward na alam niya na late akong nagising. Kaya tinitigan ko na lamang siya at agad niya namang na-gets ang ibig kong sabihin.

"Oh, Ha. Kasi, ang sabi ng um. . ehem. Boyfriend mo. . " tumitig siya saakin ng mga sampung segundo mahigit kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Boyfriend mo. . " pag-uulit niya uli.

"Boyfriend-"

"Oo, si Newt, anong sinabi niya?" pagpuputol ko na lang sakanya para matapos na ang usapan.

Ngumiti naman siya saka nagpatuloy. "Sabi niya, gawan raw kita ng sandwich pagkagising mo. Grabe, lahat sila soup ang almusal, ikaw lang kakaiba. Pero sa tingin ko. . hindi na almusal ang hihingin mo?"

Tumango ako at bumuntong-hininga. "Oo. Pang-lunch na." at saka ako bumulong. "Pero kukunin ko pa rin yung sandwich."

Ngumiti si Frypan at ibinigay saakin ang pagkain ko. Bago ako umalis ay tinanong ko muna siya kung nasaan si Newt.

"Nasa Maze, sumama siya bilang substitute mo muna."

Napatigil ako.

"Okay ka lang, Bri?"

Bakit siya pupunta sa Maze ng walang permiso ko? At bakit siya pinayagan ni Minho? At bakit hindi siya nagpaalam? At bakit kailangang siya pa ang substitute ko?

Bigla akong tinamaan ng nerbiyos. May pilay siya! At considering na kasasabi niya lang na may gusto siya saakin kagabi ay siyang naging dahilan para maghapon akong manerbiyos at halos hindi makahinga.

What if, bigla ulit pumasok sa isip niya na sumuko? What if, gawin niya muli yung ginawa niya noon sa sarili niya at ngayon ay hindi na siya makaligtas?

Hindi ko na alam ang iisipin ko.

Ang Regular Bri ay hindi mag-iisip ng ganito. Sabihin nang overreacting, pero wala si Newt sa tabi ko.

At natatakot ako.

Nasa harapan na ako ng bukana ng Maze dalawang oras bago ito magsara. Kahit si Gally, naiinis na rin ata saakin dahil ayaw kong umalis doon lalo na at napakainit daw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon