"Tapos na."
Hinawakan ko ang braid na ginawa ni Teresa at napangiti ako.
"Maganda ka pa rin talaga."
Umupo siya sa upuang nasa harapan ko at ngumiti. Sinamahan niya ako sa labas ng Homestead ng napakaingat syempre na hindi malaman ng lahat na gising na ako. Walang tumitingin sakanya, na isang magandang bagay para hindi rin nila ako makita kaya nakatakas kami kaagad at nakapaligo pa ako ng mabilis sa isa sa mga banyo ng glade.
At ngayon, nasa kwarto ko muli kami at inaayusan niya ako.
"Kailangan mo nang magpakita sa kanila."
Napatigil ako.
"Ayoko."
Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka sinabing, "kailangan."
"Hindi ko kaya."
"Kayanin mo Bri, limitado na lang ang oras natin dito. Kailangan mo nang magpakita para makapagplano na rin tayo kung paano tayo makakalabas dito sa Glade. Itong hapunan na 'to ang una mo nang hakbang. Hindi ka rin naman makakatakas dahil alam na ni Clint na gising ka na. At ano mang oras, maaari nang bumisita si Minho o si Alby o si Newt. ."
Tama siya.
Sabi niya kanina, nandito siya para tumulong. Hindi niya raw alam kung anong oras maaaring maghiganti o magalit ang WICKED pero para mas handa raw kami ay kailangan ko nang magpakita sa lahat na buhay at malakas na uli ako.
Para sa glade.
"Paano kung ayaw nila akong makita?"
Inirapan niya ako. "Base sa obserbasyon ko, atat na atat na silang makita ka na magising muli."
"Baka dahil pwede na nila akong maibalik sa WICKED diba?"
"Hindi, at kukurutin na talaga kita kung isang beses mo pang sasabihin na wala silang pakialam sa'yo. Oo, noong una nainis ako sa kanila nang makita ko kung paano ka nalang nila bitawan para mabuhay lang sila. Pero nabago din lahat 'yon kasi pamilya ka pa rin nila Bri."
Yumuko ako. Hindi ko kayang tumingin sa kanya.
"May pakialam sila sa'yo. At kahit ayaw mo, lalabas na tayo dito para makita na muli nila yung babaeng bumubuhay sa kanila."
Binitawan niya ang kamay ko at iniangat niya ang ulo ko para tumingin ako sa kanya.
"Lalabas na tayo."
Wala akong choice.
-
Pinabilis ng pamilyar na ilaw sa loob ng kusina ni Frypan ang tibok ng puso ko. Kahit malayo pa ay naririnig ko na ang mahihinang pag-uusap ng mga Gladers.
Tumigil ako.
"Anong problema?" tanong ni Teresa na naguguluhan.
"Hindi pa ata ako ready."
Ngumiti siya sabay sabing, "pumasok ka kung ready ka na."
Pumasok na siya sa pintuan ng kusina ni Frypan at iniwan niya ako sa labas ng nag-iisa. Paulit-ulit akong napamura nang marinig kong binati siya ng ilang mga gladers pagpasok niya.
Hindi pa rin pala siya nagbabago, nakakainis pa rin siya.
Aware ako na may papalabas na glader kaya nagtago ako sa isang punong malapit sa kinalalagyan ko. Nang makita kong nakalayo na ang glader na 'yon ay huminga ako ng malalim tsaka tumayo ng tuwid.
Hindi ako ready.
Pero kailangan.
Nakakainis talaga.
BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanfictionThe more she's closer to him, the more she's confused. -