27

184 13 12
                                    

Ang lahat - napakaayos na.

Walang masyadong tension. Walang masyadong gulo. Masaya ang lahat ng Gladers, kahit na minsan may problema. At kami nila Thomas, Chuck, Minho at Newt ay nagtatawanan na uli. Nag-usap na kami ni Thomas tungkol kay Teresa. Naalala n'ya raw ito bilang isang 'malapit na kaibigan'. Mas pinilit pa naming intindihin ang lahat. And so far, gumagana naman.

Mas naging makulit naman si Chuck. Mas naging matibay pa ang bonding nila ni Thomas na minsan ay napapansin ko na ipinagseselos ni Minho. Naging close rin kami. Parang s'yang munting kapatid saakin. Humingi naman ng sorry si Minho saakin noong nakapag-usap na kaming dalawa. Inirapan at hinusgahan niya raw kasi ako kaagad pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Alby tungkol saakin. Hindi raw niya mas inintindi pa ang situwasyon ko at naging childish siya.

Oo nga naman.

Naging mas caring naman si Newt since noong natusok ako ng Griever. Palagi siyang nasa tabi ko at hindi ako iniiwan. Seriously, iba na ang kind ng connection namin ngayon. Mas malapit at mas deep.

At sa araw na bumalik ako bilang runner, mas magana na ako. Wala nang naging angal si Newt dahil hindi ko na siya pinakinggan. Nagsawa na rin siguro.

Sa loob ng isang buwan, napaka- peaceful na. Meron akong mga panaginip, na medyo paulit-ulit, tungkol kay Teresa, kay Newt, kay Thomas, sa isang city. . at sure ako, kabisado ko na. Not until mapanaginipan ko ulit si Chancellor Paige.

Natakot ako.

Ang way ng pagkakatingin niya saakin, like sanay na sanay na ako noon pa, ay nakapagpataas ng mga balahibo. Hindi ako nag-ooverreact kahit na panaginip ito. Pero wish kong hindi nalang sana ako natulog.

"Limang araw Bridgette. Limang araw."

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi n'ya kahit sobrang linaw. Anong meron sa limang araw?

Naulit pa iyon ng maraming beses. Pero parang wala naman akong pakialam. Isinantabi ko ang mga sinabi niya at itinuon ang lahat sa trabaho ko. Nako-confuse ako sa lahat, lalo na sa mga malalaking numbers na nakapinta sa mga pader. Ang WICKED na plaque na kapag hinawakan ko ay malamig. At ang dahilan kung bakit tila lumalayo muli saakin ang mga Gladers.

Sumasakit ang ulo ko.

20 minutes bago magsara ang mga gates ng Maze, napatigil ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung napagod ako sa pagtakbo o dahil feel ko lang dahil parang may pumigil saakin. Huminga ako ng malalim, ang parati kong ginagawa sa tuwing marami akong iniisip at hindi ko na kaya pang hawakan pa.

At bumuga ng hanging galing sa katawan ko at kanina ko pang gustong matanggal.

Tumingin ako sa relo ko. 17 minutes. Kailangan ko na uling tumakbo. Pero napatigil muli ako nang may biglang pumaharap saaking beetle blade. Ang expect kong pagdaan lang nito ay nawala sa isip ko nang tumigil ito mismo sa harapan ko. Nasa isang lugar. Lumilipad at hindi gumagalaw. Nakatutok ang mga ilaw nito diretso saakin. Camera.

Pinapanood nila ako.

Sinubukan kong hanapin ang lens, at nahanap ko nga ito. Sure akong kapag nakakita ako ng isang kahoy o bato dito ay ihahampas ko talaga sa bagay na 'to. Hindi lang dahil sa dinulot nito sa kamay ko noon kundi pati na rin sa palaging pagsunod sa mga galaw namin at handang magbigay ng mensahe sa mga taong nasa likod nito na kailangan na nila muli kaming pahirapan.

Trabaho nila 'yon.

Pero dahil ako 'to, si Bridgette, na walang pakialam sa kahit na sinuman o anuman sa paligid niya, ay napagdesiyunan ko nalang na maglakad ng mahinahon uli. Masyado na akong nahihirapan kaya kahit sa isang pagkakataon ulit, mawawalan ako ng pakialam.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon