07

326 19 21
                                    

NEWT

Maaga pa at medyo madilim pa nang magising ako. At ang madilim na langit na may bituin pa (konti), ang nabungaran ko. Ano?

Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa sinumang bakulaw na nagpasyang maglaro ng larong 'sipain-si-Newt-sa-tagiliran-para-magising'. At ito na nga, si Minho, na nakangiti sa tabi ko. May muta pa sya. Eww.

Tatanungin ko sana sakanya kung anong ginagawa ko dito sa labas, at bakit ako nakatulog dito nang may maramdaman akong nakayakap saakin.

Tinignan ko kung sino iyon- Shit, si Bridgette. Tinignan ko si Minho, tapos kay Bridgette, balik kay Minho, kay Bridgette ulit at kay Minho.

"Ano?!" sabi ko na pasigaw-pabulong. "Hindi naman...... kasi! Pero- .... sandali- ..... hindi ganoon ang nangyari-... at-.... Minho!"

Nang maingat kong natanggal ang braso ni Bridgette na nakapulupot saakin, hinarap ko muli si Minho, na ngayo'y nakangiti ng ngiting hindi ko pa nakikita sa hinaba-haba ng panahon ko dito sa Glade.

Tinignan ko siya ng masama.

"Sabihin mo kung anong iniisip mo Minho!" sabi ko na pabulong-sigaw pa rin.

"Sooooooo." sabi nito na nakangisi. "May Newt Jr. na ba?"

Pinagtatampal ko ng malalakas si Minho sa braso at ulo dahil sa sinabi niya.

"Bastos ka!"

"Gusto mo rin naman!"

"Walang nangyari loko! Pwede bang nakitabi lang?"

Nagpatuloy pa rin kami sa pag-uusap ng pabulong-pasigaw nang sa wakas ay tumigil na rin siya sa pangungulit.

"Gisingin mo na iyan at magsisimula na daw siya..." sabi nito sabay nguso kay Bridgette na hindi man lang natinag sa paghaharutan- este, pagtatampalan at pagsisigawan namin ni Minho.

"Umalis ka na lang shuckface."

Binelatan niya muna ako saka biglang kumaripas ng takbo. Ulol.

Ngayon, si Bridgette naman.

-----------------------------------------------

BRIDGETTE

Ibunukas ko ang mga mata ko nang maramdaman kong may yumuyugyog saakin. At ang una kong nabungaran ay ang huling mukha rin na nakita ko kagabi- syempre si Newt.

Nakangiti ito at kita ang mapuputing ngipin.

"Gising na Bri. Trabaho ka na daw."

Sinubukan kong iupo ang sarili ko at aray, masakit ang likod ko.

"Okay ka lang?" tinulungan ako ni Newt na makaupo habang ako naman ay hawak ko ang likod ko.

"Ewww. Anong oras na?"

"Di ko alam."

"Okay."

Sandali ulit natahimik ang palagid dahil walang nagsasalita saamin. Inayos ko ang damit ko, mukha (kahit di ko alam kung ano ang aayusin ko) at yun lang.

Pagkatapos non ay tumingin ako kay Newt na nakatitig saakin. Tinignan ko siya ng matalim habang siya naman ay nakangisi lang.

"Problema mo?" tanong ko na medyo nagtataray.

"Alam mo ba kung anong ayos ng buhok mo ngayon?" sagot naman niya habang nakangisi pa rin.

"Obviously, hindi. Pero pupusta akong kinikilig ka sa ayos niya..."

Pagkatapos non ay tumayo na ako at nagtungo sa kusina ni Frypan para kumain- at iniwan si Newt na nakabukas naman ngayon ang bunganga.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon