14

234 13 8
                                    

Tinulungan siya ni Newt na makalabas mula sa box. Base sa itsura ng bata, takot na takot siya. Obvious naman. Nakaihi pa nga siya sa shorts niya diba?

"Anong pangalan mo bata?" tanong ni Minho.

Tumingin ang bata sakanya, at sa lahat. Naaawa na naman tuloy ako sakanya. Sinong mga tao ba ang magpapadala ng isang batang walang kaalam-alam sa isang lugar na ganito?

Napagdesiyunan ko nalang na lumapit sa batang lalaki dahil parang wala yata siyang tiwala kay Minho at sa mga Gladers.

"Hi." sabi ko at ngumiti. Tumingin naman siya saakin. At rumehistro sa matabang mukha niya ang pagkabigla.

"Babae ka?" sa wakas ay sabi nito. Na-realize niya siguro na ako lang ang may mahabang buhok dito kaya agad-agad niya na akong napansin. At wow ha, iyan ang first word niya dito sa Glade. Dapat tinatanong niya kung nasaan siya. Pero hindi, mas ipinagtataka niya pa ang kasarian ko.

"Hindi. Bakla ako." panloloko ko naman. Hindi tuloy napigilan ng mga Gladers na tumawa sa paligid namin. Lalo na si Minho.

"Hindi joke lang. Babae ako. Hindi ba halata?"

Yumuko nalang uli siya.

"Hindi mo natatandaan ang pangalan mo?" tanong ko sabay angat ng baba niya para tumingin siya saakin.

"Chuck." sagot naman niya na halos hindi marinig pero narinig ko naman.

"Well, uhmm, gusto mong magpalit muna ng shorts mo Chuck bago tayo maglakad-lakad?" sabi ko habang inaayos ang kulot na buhok niya na nakatabing sa mukha niya.

"Okay." matamlay paring sagot niya.

Inakbayan ko siya at inalalayan sa paglalakad habang tinitignan parin ng mga Gladers.

"Tapos na ba ang meeting? Pwede bang ako nalang ang mag-tour kay Chuck?" sabi ko pagkatapos kong lumingon sa kanilang lahat.

Hindi iyon tanong para sa lahat. Actually, tanong ko lang iyon para kay Gally. Pero ipinarinig ko nalang sa lahat para kung sakaling umayaw siya ay may kokontra.

"Oo tapos na. At tutal ikaw yata ang mas gusto ni Chuck, ikaw muna ang mag-tour sakanya." sagot naman ni Newt dahilan para ngitian ko siya. Siniko naman siya ni Minho.

Itinuloy namin ang paglalakad ni Chuck hanggang sa makarating kami sa Homestead. Pumunta ako- o sabihin na nating pumuslit ako sa kwarto ni Minho para makakuha ng shorts na pag-aari niya na maaaring isuot ni Chuck. Bahala na kung pagalitan ako ng mokong na iyon.

Sinamahan ko si Chuck, na hanggang ngayo'y tahimik parin patungo sa banyo para makapaghugas. Baka nga kasi mangamoy siya. Pagkatapos ng halos sampung minuto, lumabas na siya. Tsk, ang tagal niya. Mas matagal pa siya kesa sakin.

"Okay ka na?" tanong ko sakanya pagkalabas niya. Tumango naman ito ng matamlay.

"Hey Chucky, ngumiti ka naman. Ayoko ng malungkot. Please?"

Tumingin siya saakin at sa wakas ay ngumiti narin kahit sandali lang. Ngumiti na rin ako.

"Halika na?"

"Sige." sagot niya.

Iti-nour ko na si Chuck sa buong Glade, tutal alam ko naman na ang bawat parte nito. Ginaya ko nalang ang ginawa ni Alby saakin noong ako naman ang itino-tour niya. Si Alby.

Sana ayos na siya.

"Anong nangyari sa braso mo?" biglang tanong ni Chuck sa tabi ko. Tumingin ako sa braso ko, pagkatapos ay sakanya.

"Naaksidente ako." pagsisinungaling ko. Ayoko munang pag-usapan ang mga bagay na konektado sa Maze, lalo na ang mga Grievers.

"Sana okay ka lang." napangiti ako sa sinabi niya. Ang batang ito ay nag-aalala saakin. Salamat naman at may kasama na ako. May maituturing na akong kapatid dito sa Glade.

Inakbayan ko muli siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang building na ginagawa ng mga Builders.

Huli na para makaiwas ako kay Gally. Nakita na niya ako, nakita ko na rin siya. Nakatingin lang siya ng masama saakin, pero wala akong pakialam.

"Chuck, iyan ang mga Builders. Well, base sa pangalan ay malalaman mo na ang trabaho nila. At siya si Gally, kita mo yon?" sabi ko sabay turo nga kay Gally na ngayo'y nakatalikod na. "Iyong tumingin saakin ng masama kanina? Si Gally iyon. Ang Keeper ng mga Builders."

"Ano ang Keeper?" nagtatakang tanong niya.

"Uhm, parang namumuno sa isang partikular na trabaho." tugon ko naman.

"Anong trabaho mo?"

"Runner." sabay kaming napatingin sa likuran namin nang marinig naming magsalita si Newt.

"Isa siyang Runner. Simula sa susunod na araw." aniya habang nakangiti parin.

Sandaling natahimik ang paligid nang walang nangangahas saaming tatlo na magsalita. Tanging ang mga martilyo lang ng mga Builders at mga nagtatawanang mga Gladers ang naririnig ko.

"Boyfriend mo ba siya?"

Awtomatiko akong napanganga sa biglang tanong ni Chuck. Okay, so, paano yun napasok sa usapan?

"H-hindi! Kaibigan ko siya. Bakit mo naitanong?"

"Kung makatingin kasi siya sayo... iba."

Tumingin ako kay Newt, na ngayo'y medyo nakangiti habang hinahagod niya ang batok niya.

Ibinalik ko muli ang tingin ko kay Chuck.

"Paano makatingin?" tanong ko.

Pero bago pa makasagot si Chuck ay bigla nalang sumabat si Newt.

"Nagugutom ka na ba Chuck? Gusto mong kumain? Tutal tanghalian na o. Gusto mo?"

Right. Parang nag-aatubili pa siya sa pagsasalita. Ayaw niyang malaman ko kung paano siya makatingin daw saakin? Parang ano ba kasi iyon? Parang tinging.......may pagnanasa? Yuck. Tinging parang may gusto? Imposible. Bakit magkakagusto saakin si Newt? Sabi nga niya kanina diba 'kaibigan' niya daw ako? So hindi. At isa pa, kaibigan din ang turing ko sakanya. Diba?

Great. Ano ba tong mga sinasabi ko.

"Oo nga! Ituloy nalang natin ang tour mamaya. Gutom na rin ako e." sabi ko upang mawala ang mga iniisip ko. Mahirap na ang sobrang nag-iimagine.

"Okay."

Nauna nang naglakad saamin si Newt. Hindi ko tuloy mapigilang pansinin na naman ang pilay niya. Aalamin ko talaga ang naging dahilan niyan.

Maglalakad na rin sana ako nang hawakan ng matabang kamay ni Chuck ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Gusto ka niya." seryosong tugon naman niya.

At sa pangalawang pagkakataon, ay napanganga muli ako ng batang ito.

"Hindi. Magkaibigan kami."

"Magtiwala ka. Gusto ka niya."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Basta. Pero alam mo, bagay kayo Bridgy. Balang araw maiintindihan mo rin ako."

Ngumiti uli siya tsaka biglang tumakbo, iniwan ako. At tinawag niya pa akong 'Bridgy'. Kahit parang ang laswa ng tunog para saakin, pagbibigyan ko na siya. Bata pa nga diba? At saka bago pa naman siya dito kaya okay lang siguro na gumanda medyo ang mood niya dahil sa pagma-matchmake niya saamin ni Newt. Kahit alam kong hindi totoo, pagbibigyan ko na siya.

Kasi nga, wala namang gusto saakin si Newt.

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon