24

182 15 10
                                    

Parang mawawalan na ako ng balanse sa nangyari.

Sumabit ang isang paa ni Newt sa isang ivy dahilan para maibitin siya patiwarik. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nangyaring iyon.

Ganoon din ang reaksiyon ng katawan ko na pinapanuod ko ngayon. Halos maglupasay na siya sa kaiiyak. At si Chancellor Paige, nananatili paring nakatayo.

Nang sumabit ang isang paa ni Newt sa ivy na iyon ay naihampas siya ng malakas sa pader dahilan para mawalan na siya ng malay at duguang nakasabit. Sa buong akala ko ay patay na siya dahil hindi siya gumagalaw. Pero isa lang itong panaginip - nangyari na ito.

Ang ipinagtataka ko ay bakit iyong paa ni Newt na naisabit sa ivy ay ang mismong paa na nakikita kong may pilay ngayon. Ang sabi niya saakin ay napilay ito dahil sa Griever. Nagsinungaling ba siya?

"Tulungan niyo siya Chancellor Paige..." nagmamakaawang iyak ng katawan ko. "Parang awa mo na..."

Tumayo ng diretso si Chancellor Paige. As if, wala siyang nakitang isang kahindik-hindik na pangyayari.

"Pinili niya iyon Bridgette.." kalmadong sabi nito.

"Basta tulungan niyo siya!"

Galit siya. Galit ang katawan ko. Dapat lang. Maybe, ito ang rason kung bakit ako nakipagsabwatan kay Teresa na pumunta sa Glade. Dahil pinapahirapan nila si Newt.

"Makikita mo rin ang mangyayari.."

Hinawakan niya sa balikat ang nanginginig parin sa galit na katawan ko.

"Ang mahalaga, alam mong mabuti ang WICKED.."

Tinignan siya ng katawan ko ng napakasama, na parang gustong manakal. Nararamdaman kong magdidilim na naman ang paningin ko kaya sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa screen kung nasaan ang kaawa-awang si Newt.

Ngayon, nakikita ko na si Minho. Halos mangiyak-ngiyak na siya habang tinitignan ang nakasabit at duguang Newt sa taas ng mga ivy. Sinusubukan niyang tawagin ang pangalan ni Newt pero wala itong tugon.

At bago pa magdilim muli ang lahat, narinig ko ang katawan ko na muling nagsalita.

"Pagbabayaran niyo ito."

~

Gising ako.

Alam ko. Pero utak ko lang ang gising, hindi ang katawan ko. Hindi ako makagalaw o makapagsalita man. Basta nakakarinig lang ako. Nakakaramdam. Pero walang reaksiyon.

Nananatili lang akong nakapikit. Talagang itim lang ang nakikita ko. Puro, walang halong parang mga yellow o puting mga dots. Basta purong itim lang at wala nang iba.

Ilang araw na ba ako dito? Isa? Hindi. Alam kong matagal na ako dito. Sana nga magising na ako. Marami akong gustong sabihin. Sa Gladers, kay Alby, kay Newt.

Pero baka ayaw narin nila akong magising. Baka nasa Deadheads na nga ako ngayon. Nakalibing, sa ilalim ng lupa at naghahaluccinate nalang. Galit naman sila saakin diba? At kung sakali mang magising ako at magkwento ng mga naalala ko, hinding-hindi rin sila maniniwala. Dahil sa mata nila, kaaway ako.

Naramdaman kong may isang kamay na humawak sa kamay ko. Nanginginig ito, parang nag-aalanganin. Iniisip kong sana ay ito si Newt. Pero nagkamali ako.

"Bridgette.." garalgal na sabi ng tinig. At mahihinuha ko na si Thomas iyon.

"Bridgette, magising ka na please? Nag-aalala na kami sayo. Napaka-unusual na nito. Magigising ka pa ba?" narinig kong huminga siya ng malalim.

"Nag-aalala ako kay Newt."

Newt. Pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalan niya ay biglang nag-flash ang nakabiting katawan niya sa ivy. Parang gusto kong sumigaw pero hindi sumusunod ang katawan ko.

"Hindi na siya nagsasalita nitong nakaraan. Sinisisi niya ang sarili niya Bri.... nag-aalala ako."

Binitiwan niya ang kamay ko at dahan-dahang inilapag sa side ng kama ko. Doon ko narinig ang mga papalapit uli na mga yabag papunta sa kwarto ko.

"Thomas.." rinig kong sabi ng bagong dating. At masasabi kong si Chuck iyon. Na-miss ko ang boses niya.

"Hey Chucky."

"Kailangan niyo na raw pumunta sa Maze sabi ni Minho."

"Yeah."

Tumayo si Thomas tsaka muling hinawakan ang mga kamay ko.

"Kung naririnig mo man ako, please magising ka na. Kailangan ka namin. Lalo na si Alby, kailangan ka niyang kausapin. At si Teresa.... ipinapangako kong mag-uusap tayo tungkol sakanya kapag nagising ka."

Alby. Okay na ba si Alby? Ang sabi ni Thomas ay kailangan ako ni Alby. Tama, kailangan kong magising. Kailangan naming mag-usap.

Isang halik sa noo ang natanggap ko galing kay Thomas at maikling "Bye, Bridgy." galing kay Chuck ang narinig ko bago muling bitawan ni Thomas ang kamay ko.

Huli na para makita pa nila ang konting paggalaw ng isang daliri ko.

~

Mas lalo pang tumindi ang mga pinagdaanan ko sa mga sumunod na araw. Ang buong akala ko ay iyon na, tapos na at wala nang susunod. Pero ngayon, parang gusto kong ihagis ang sarili ko sa isang matigas na bagay. Nakabukas ang mga mata ko pero black parin ang nakikita ko. At alam ko dahil nararamdaman ko, na nakatali ako sa higaan kong ito.

Nae-experience ko na ang totoong 'Changing'.

Bawat oras, isang bagong memory ang dadating. Lahat ay tungkol kay Newt, Teresa, Thomas at sa isang city.

Isang city na sira. Mga buildings na bitak-bitak at gumuho na. Nakakapaso ang init doon at parang tutunawin ka na ilang sandali. Pero ang mas gumimbal saakin ay ang mga tao doon. Ang mga taong iyon ay puno ng mga sugat at hiwa sa buong katawan. Para saakin ay nakakadiri ang mga mukha nila, parang Zombie. At palagi nilang sinasabi ang 'Cranks kami. Patayin niyo na kami!'

At pagkatapos ay dilim na naman.

Pero na-realize ko ang isang bagay. Na-realize ko kung bakit ako nandito sa Glade. Dahil iyon sa isang partikular na tao. At iyon ay si Newt.

Close kami sa mga memories ko. Pero hindi ko alam kung mahal ko siya noon. Pero bakit basta-basta ko nalang itatapon ang sarili ko dito dahil sakanya?

Dahil may pakialam ako sakanya. Parang katulad din ng pakikialam niya saakin. Dahil importante siyang tao at dahil kaibigan ko siya. Sinet-up namin ni Teresa ang pagpunta ko dito. Pinilit ko siya, at pumayag siya. Para sa Glade, kay Thomas at kay Newt.

Alam namin na mapanganib ito. Lalo na at ang kinalaban namin ay ang WICKED. Isa lang dapat ako sa mga watcher ng WICKED. Pero isa na ako ngayon sa mga pinag-eeksperimentuhan nila.

Iyan lang ang nalalaman ko sa ngayon. Marahil ay marami pa ang dadating na mga memories para saakin. Ang mahalaga ngayon ay makaalala ako. Sana nga at maalala ko pa ang mga magulang ko, kapatid o kaibigan. Pero baka hindi na rin. Baka patay na sila.

Ang black na background ay unti-unting nalalamon ng liwanag at alam kong maitatapon na naman ako sa isang bagong memory.

Sinubukan kong patigilin ang mararahas na paggalaw ng katawan ko at nabigla ako at nagawa ko nga. Isang imaginary na ngiti ang nabuo sa labi ko.

Itinuon ko nalang muli ang sarili ko sa isa muling bagong impormasyon.

----------------------------------

Kamusta naman kayo? Just wanna say thank you sa 1.5k reads! Sa votes and all in all :) ★★

Salamat din sa mga comments ninyo? See? Comment lang kayo! Di ko naman kayo kakainin ♥♥.

All the Love,
-Ping. ♡

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon