21

271 14 18
                                    

First day ko sa section ko ngayon pero parang wala akong gana. Hindi ko alam kung bakit. Kahapon nga halos di na ako makakain dahil sa excitement.

Narinig kong nagbubukas na ang pinto ng Maze at nagre-ready na ang ibang Runners. Lumingon saakin si Minho na nasa harapan ko.

"Mag-iingat ka Greenie." sabi niya at naalala ko si Newt.

Tumango ako sa sinabi ni Minho at pilit na ngumiti.

"Takbo!" sigaw niya at nagtakbuhan na ang lahat ng Runners. Bago ako tumakbo ay tumingin ako sa likod ko.

Expected kong meron si Newt, pero wala. Huminga nalang ako ng malalim dahil sa disappointment at nagsimula nang tumakbo.

~

Gusto ko naman ang section na ito. At hindi siya masyadong creepy tulad ng sabi ni Newt.

Okay, dapat yata hindi ko na siya masyadong isipin. Parang naninikip ang dibdib ko. Kagabi ay hindi siya natulog sa kwarto namin. Nagsisimula na naman akong ma-paranoid.

Humanap ako ng pwede kong upuan para magpahinga at kumain, at sa wakas ay nakakita ako ng isang pader na madaming ivy. Napagpasyahan kong doon umupo.

Kinuha ko ang sandwich ko sa maliit na bagpack ko. Talagang napakasarap magluto ni Frypan. Siguro, noong past life niya ay magaling siyang chef. Hm, siguro.

Kumagat pa ako sa sandwich.

Pakatapos kong kumain ay umupo pa ako saglit para ipahinga ang tiyan ko. Tinitigan ko ang nasa harapan kong pader at iyan na naman, ang WICKED plaque.

Napaisip tuloy ako kung bakit kami nandito. Base sa meaning ng WICKED, World in Catastrophe. May nangyayari ba sa mundo? Paano ko nga ba malalaman, nakakulong ako dito.

Killzone Experiment Department. Experiment? Di ko maintindihan.

Bigla nalang akong napatalon nang may biglang dumaang beetle blade sa harapan ko.

"Bwisit. Batuhin kita diyan eh." sabi ko habang walang tigil sa paghinga ng mabigat.

Napatingin ako sa may benda kong kamay na hiniwa-hiwa ng isa ring beetle blade. Hindi naman na ito masakit, ayaw lang talagang ipatanggal ni Clint at Newt ang benda.

Okay Bri, sabi nang huwag isipin si Newt e.

Sinimulan ko nalang na tanggalin ang benda sa kamay ko. Napangiwi ako nang matanggal ko na ito. Maihahalintulad ko ang kamay ko sa paraan ng pagkulay ng mga bata sa coloring book nila.

Madaming guhit. Tsk.

Inayos ko na ang backpack ko at tumayo na. Pero agad akong napatigil nang may marinig akong pamilyar.

Click. Click. Whirl.

"Oh shit." agad-agad akong nagtago sa katabi kong ivy. Papalapit ito ng papalapit.

Wait, diba ang sabi ni Minho ay sa madidilim, o gabi lang lumalabas ang mga Griever? Baka itong Griever na ito ang kumuha kay Cody at lumason kay Ben.

Hindi ako gumagalaw sa kinalalagyan ko. At finally, nandito na siya ngayon sa mismong harapan ko. Sana hindi niya ako makita.

Nag-oobserve lang siya. Tumitingin sa paligid. Hindi ko mapigilang mandiri sa itsura niya.

Pagkatapos ng halos napakatagal na panahon ay wala na sa paningin ko ang Griever. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at tumakbo na pabalik sa ruta ko.

Mahirap na.

~

"Nag-upgrade yata ang mga Grievers natin."

TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon