Maaga akong nagising dahil maaga akong inilabas ni Gally sa pit. Mas nauna pa akong nagising kaysa kay Thomas at Minho na mga Runners.
Ngayon ay nandito ako sa may pintuan ng Maze kasama na nga si Minho, Thomas at tatlo pang Runners upang hintayin itong magbukas.
"Kamusta sa pit?" tanong ni Minho habang nagi-stretching.
"Boring." sagot ko naman.
"Pero binantayan ka naman ni Newt kagabi diba?" tanong naman ni Thomas.
"Yup. Pero umalis din siya."
Ngumisi si Minho habang nakapameywang.
"Kaya pala wala na naman yung lalaking yun kagabi. May iba na namang ginagawa." sabi ni Minho. Akmang susuntukin ko sana siya sa braso nang dumating bigla si Newt.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya.
"Huwag ka ngang magpanggap na parang hindi mo alam." tugon naman ni Minho dahilan para gawin ko na nga ang naudlot kong pagsuntok sakanya kanina.
Tumingin ako kay Newt pagkatapos.
"Kailan naman ako magsisimula?" tanong ko sakanya.
Napatigil siya saglit at tinitigan akong mabuti. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi niya kagabi. Talaga kayang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi kasi wala ako? Oh shit. Tama na Bri.
"Okay ka na ba?" patanong naman na sagot niya.
Nagpapalit-palit lang ng tingin saaming dalawa si Thomas at Minho, handang manukso kung sakaling may makita silang kahina-hinala.
"Pwede na akong magsimula bukas kung gusto mo." kinagat ko ang labi ko. "Maayos naman na ang mga sugat ko."
Tumango-tango si Newt. "Okay."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Well, so may bagong Runner na tayo." sabi ni Minho at ilang sandali pa ay nagbukas na ang pintuan ng Maze.
"Magpahinga kang mabuti Bridgy, wag mong masyadong ubusin ang lakas mo sa pakikipagharutan kay Newt." ani Thomas naman sabay apir kay Minho. Bridgy daw. Talagang bestfriend nga sila ni Chuck.
Susugudin ko sana sila pero kumaripas na sila ng takbo papuntang Maze.
"Madapa sana kayo at mauna ang mukha!" sigaw ko nalang at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Newt.
"Kumain ka na?" tanong niya.
"Hindi pa?"
"Sagot ba yan o tanong?"
"Sagot."
"Okay. Halika na."
Nauna na siyang naglakad at sumunod nalang ako.
Nang makarating kami sa kusina ni Frypan ay agad akong nakitabi kay Chuck na kumakain na.
"Hey Chuckyyyyy."
"Hey Bridgyyyyyy." tugon naman niya habang ginagaya ang boses ko.
"Hindi moko hinintayyyyyyyy." sabi ko.
"Antagal nyo eeeeeeeeee."
"Hanggang kailan natin to gagawinnnnnnnnn?"
"Malay kooooooooo."
Napatawa nalang kaming dalawa. Dumating na si Newt dala ang dalawang platong may lamang soup.
"Andami naman." sabi ko nang ibigay niya saakin ang plato ko. "Ayaw mo talaga akong nagugutom no?"
BINABASA MO ANG
TRAPPED - Maze Runner (Newt||Fanfic)
FanficThe more she's closer to him, the more she's confused. -