-2-

550 43 0
                                    

LEE'S POV


Nagising ako nang may kumatok sa pinto ko.

"Miss Lee?" umupo ako sa kama at uminom ng tubig na nasa nightstand.

"Po?" kinukusot ang matang sagot ko.

"Pinapagising na po kayo ni Mr. Tan."

"Okay po. Maliligo lang po ako!" tumayo nako at kinuha ang towel ko.

"Yes Miss Lee." pumasok na agad ako sa banyo at naligo.


~ dining room ~


"Good morning po, Tito." bati ko nang makababa nako.

"Good morning din, Lee." umupo nako sa gilid ni Tito. Ang table na to ay pang 20 na tao. Haba no?

"Bakit di ka pa nagpapakulay?" takang tanong ni Tito. Sinubo ko muna ung hotdog at uminom ng juice bago siya sagutin.

"Ngayon ko lang po nalaman wala naman palang marunong mag kulay dito sa bahay, Tito." sumubo ulit ako ng hotdog at takang tinignan si Tito na mahinhing tumatawa.

'anong nakakatawa?' natatawa ang itsura nito at bago pa man ako magsalita ay naunahan na ako nito.

"Natanong mo na ba si Manang?" natatawang tanong niya. Nasamid naman ako sa iniinom ko at hinarap si Manang.

"H-huh? Marunong ka po?" takang tanong ko.

"Ahh.. bago po kasi ako makuha dito ay sa parlor ako nagta trabaho Miss Lee!" nakangising sabi ni Manang. Maya maya ay may kinuha itong 2 bote sa palda na suot niya.

"Hala! Saan niyo po nakuha yan?" gulat na tanong ko. Alam ko nasa kwarto yan nilagay eh..

"Ah eh... nakaipit to sa dress mo iha eh.."

"What?" naguguluhang tanong ko. "I must've forgot to bring it with me last night. Pagod na pagod po kasi ako eh.."

"Wag ka na mag inarte, Lee! Kinain mo na nga lahat ng hotdog, bente yang pinaluto ko!" asar na sabi sakin ni Tito. Tinignan ko ang plato sa harap ko at tama nga siya. Ubos na! Hala! Pero sa sobrang excited kong makulayan ang buhok ko ay lumapit agad ako kay Manang.

"Nako, dito tayo maam!" pumunta kami sa sala at sumunod naman si Tito. "Parang mauubos lahat tong pangkulay sa buhok ni maam, sir!" sinimulan na ni Manang at excited na talaga ako sa kakalabasan!


~ after 2 hours ~


"Omg! Lee ang ganda!!" parang baklang sigaw ni Tito. Natawa ako sa reaction niya pero mas natuwa ako sa na isip ko.

'hahahaha siguro pag nakita nila ate to maiinggit sila!'

"Oo nga pala, maghanda ka na Lee at may susunduin ka pa!"

"Sige po Tito. Manang thank you po!" umakyat nako sa kwarto ko at hinandana ang mga gamit ko.

"Nasan ba un?" bulong ko habang hinahanap ang strapless bra ko. Habang umiikot ang tingin ko sa buong kwarto ay naagaw ng basag na bintana ang atensyon ko. "Shit!" 

Mabilis kong tinungo ang ilalim ng kama ko at nanlaki ang mga mata ko. 

'damn it! bakit di ko man lang naramdaman na may nakapasok na pala!' 

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon