-43-

232 22 1
                                    

MARKS'S POV




She has a big smile on her face whilst we were walking towards them. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya at ganon rin naman siya. 


'those eyes...'


It was the same eyes I saw at the woods. I know it's her. I know she's my Mom..


Tumigil ako sa harap niya at naging emosyonal naman kaming dalawa. 


"M-Mark anak.." hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko at pinagmasdan ang kabuuan ng aking mukha. "Nakikilala mo ba ako?" tanong niya at hinatak ako para sa isang mainit na yakap. "Na-miss ka ng Mommy.." bulong niya habang hinahagod ang likod ko. Nararamdaman ko na ang mga luha niya sa leeg ko at ang mga hikbi niya.


Naramdaman ko rin ang yakap ni Kuya sa likod ni Mama at mas nagulat naman ako ng may naramdaman akong yumakap sa isang hita ko. Napahiwalay ako kay Mama at tinignan ang maliit na yon. 


"R-Rita?" matagal rin kaming hindi nag kita at na-miss ko rin ang kakulitan niya!


'pero mas na-miss ko si Mama..'


"Hi Kuya Mark and Kuya Blake!" masayang bati niya. Lumapit siya kay Mama at niyakap ang hita niya. 


"M-Mama.." naiiyak na sabi ni Kuya at napa tingin naman si Mama sa kanya. "Are you staying for good?" halata sa mukha ni Mama ang pag tutol at ang pag hold back niya sa mga sasabihin niya. Tumungo siya at umiling. "Then what are you doing here?!" tanong niya na ikinagulat naming lahat. "I-I mean.. What are you doing here? Diba sabi mo kay Julie ay masyado pang delikado?" ngumiti naman si Mama ng malaki.


"Gusto ko kasing makita ang mga anak ko.. Hindi ko kasi nasubaybayan ang pag laki niyo eh.." I was trying to hold back my tears. I don't wanna cry in front of everyone. "Baka gusto niyong umupo? Mag hapunan muna tayo bago mag kwentuhan at mag sayahan.." ginawa namin ang sinabi niya. Masaya kaming kumain ng hapunan at nabalot kami ng puro masasayang kwento. 


Nang matapos kami ay nag pahinga muna kami saglit bago napag desisyonang mag sayaw sa gitna ng VIP room. Malaki dito, parang apat na basketball court na pinagtabi tabi.


Nag dim na ang mga lights at naiwan nalang apat na spotlight sa gitna. Nag simula ng tumugtog ang kanta at tumayo naman ako at kinindatan si Julie. Nag thumbs up naman siya kaya tumungo na ako sa pwesto nila Mama. 


"May I have this dance?" naka ngiting tanong ko sa kanya at naka ngiting tumango naman siya. Hinawakan ko ang kamay niya at iginaya siya sa gitna. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang pag aya ni James kay Julie. 


'ngayon lang yan mangyayari kaya mag enjoy ka na..'


(NP: Coming home - Diddy x Dirty Money ft. Skylar Grey)


Ipinatong niya na ang kanang kamay niya sa balikat ko at ang kaliwang kamay naman sa kanang kamay ko. 

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon