-13-

390 29 2
                                    

NIKKI LYN'S POV



Dahan dahan kong ginalaw ang mga daliri ko at ng maramdaman ko na sila unti unti ay iminulat ko ang mga mata ko.


"B-Babe?" nakita ko agad ang mukha ni Blake sa kanang bahagi ko. Nakita ko si Lee na nakahiga sa lap ni Kai na tulog din.


"Niks?" tinignan ko rin si James. Napatayo naman bigla si Blake at lumabas. Agad rin naman siyang bumalik at may kasamang isang Doktor at dalawang Nurse.


Lumapit si Blake sakin at hinalikan ako sa noo. Lumapit din ang dalawang Nurse at chineck kung ok na ba talaga ako. Nang matapos sila ay doon ko na natandaan ang kalagayan ko..


"Dok?" lumingon naman siya sakin.


"Yes?" tanong niya habang naka ngiti.


"H-How's my baby?" kabadong tanong ko.


'alam ko na.. kailangan ko lang kumpirmahin..'


"I'm sorry Miss but your.." tumigil siya at hinawakan ang bridge ng ilong niya at tumingin ulit sakin, "baby's gone.." tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at umalis naman na ang tatlo.


"Shhh.. Babe stop crying.." niyakap ako ni Blake at niyakap ko rin siya.


"H-Hindi man lang natin n-nalaman kung ilang w-weeks na ang b-baby natin.." malungkot na sabi ko sa pag itan ng pag iyak ko. Nabuhay ang galit ko ng maalala ang nangyari sakin kanina.



~flashback~


Katatapos ko lang umihi sa loob ng CR at naghuhugas na ng kamay ng biglang may lumabas na lalake sa isang cubicle.


"B-Bakit nasa g-girls ka?!" kabadong tanong ko.


Ngumisi naman siya sakin at lumapit ng dahan dahan. "Ikaw ba si Nikki?" kinabahan naman ako at umatras ng umatras habang siya ay papalapit ng papalapit.


"B-Bakit?! Anong kailangan mo?!" lumapit na siya ng tuluyan sakin at sinakal ako. Nanlaban ako at nasipa ko ang pagkalalaki niya.


"Aba, lumalaban ah?" hinatak niya ang buhok ko at initsa sa divider ng isang cubicle.


'ang baby ko..'


Lumapit ulit siya sakin at hinatak ang buhok ko pataas para makatayo ulit. Tinulak niya ako at humampas ang likod ko sa pader. Naramdaman ko na ang mainit na likido na pababa sa legs ko papunta sa sahig bago ako mapahiga ng tuluyan.


"W-Wag! M-Maawa ka!" pagmamakaawa ko. Ngunit parang wala siyang narinig. Sinipa niya ng ilang beses ang tiyan ko at don na talaga ako nahilo. Tumigil na siya at mabilis na umakyat sa bintana ng biglang may sumipa ng pintuan sa CR.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon