-33-

285 25 0
                                    

KAI'S POV




Andito ako sa labas ng kwarto ni Julie at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!


'aish! bakit ba kasi kailangan niya pang papuntahin sa ibang bansa sila Chesca?!'


"Oh! Pre?" hinawakan ako sa balikat ni Mark at nag tatakang tumingin sa akin. "Anong trip mo at naka tambay ka sa harap ng pinto ni Julie?"


"It's just that... Nevermind. Papasok ka ba? Sama na ako." tumango naman siya at pumasok na kami. Nauna siyang pumasok kaya siya agad ang napansin ni Julie.


"Hi baby.." hinalikan ni Mark si Julie sa labi at tumugon naman agad siya don. Biglang naging awkward para sakin ung scene kaya napa ubo ako. Automatic na nag bukas ang mata ni Julie at tumingin sa lugar ko.


"Oh?" tanong niya at umupo sa beanbag na kulay pula.


'adik talaga sa pula..'


Napa buntong hininga nalang ako, "Bakit kailangan pa nilang humiwalay?" nag taka naman siya. "Napag usapan na natin to dati diba?"


"Anong bang pinagsasabi mo? Teka nga.." humarap siya kay Mark na naka higa sa kama niya. "Hoy Kie! Binigyan mo ba si Kai ng droga mo?!" tumawa naman ng malakas si Mark.


"Cut the bullshit, Julie." seryosong sabi ko. Knowing na malalayo nanaman sa akin si Chesca ay hindi ako natutuwa. "Anong pinaplano mo?"


"I'm just making it sure na ligtas sila. Walang makakagalaw sa kanila doon. Lalo na't sa Europe sila patungo, andoon ang malalakas na tauhan ko." naka ngiting sabi niya.


"Hindi ba sila ligtas sa kamay natin? Ha? Minamaliit mo na ba ang kakayahan namin?! Jul naman! Alam mong ang tagal ko inintay si Chesca! Alam mong-"


"Punyeta! Edi sumama ka sa kanya! Maka drama ka parang ilang buwan siya mawawala ah?! Hoy lalake, two weeks lang sila don! Sabog ka ba? Ano hahayaan ko sila mag stay ng buwan don?!" napa ayos naman ako bigla ng tayo.


"Talaga pwede akong sumama?"


"Malamang. Ung Private Airplane ang gagamitin niyo mamaya. Kung sasama ka bilisan mo na at mag empake ka na." sa sobrang tuwa ko sa narinig ko ay niyakap ko agad siya. Umubo naman si Mark at nagsalita.


"I can still see what the fuck are you doing, Kai." natawa naman ako at nag lakad na papunta sa pintuan niya. Narinig ko pang nag sasalita si Julie habang pasarado na ang pintuan.


"Walangyang yon. Gusto lang pala maka sama si Ate! Sana nag paalam nalang siya na sasama siya imbes na nag emote pa siya sa harap ko! Imbyerna!" tumawa naman ulit ako at pag harap ko ay saktong andon si Chesca sa harap ko.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon