-37-

288 26 0
                                    

MARK'S POV





Nag paalam akong lalabas muna dahil biglang tumawag si Kai na nag tanong agad kung kamusta na ang kalagayan ni Julie.


"She's fine already. Iniintay nalang namin na magising siya."


"Uuwi ako! Sabihin mo kay Tito na uuwi ak-"


"Oh please! Pag sinabi kong 'she's fine' magaling na talaga siya!"


"Basta! Uuwi ako!"


"Subukan mo lang umuwi, ipapa salvage ko ang mga kotse mo!" inis na pag babanta ko.


"Tch. Sige! Alagaan mo ang Reyna, naiintindihan mo?! Alam mo ang mangyayare oras na mamatay siya, Mark."


Binaba niya na ang tawag at napa buntong hininga nalang ako.


Oo, alam ko. Oras na mamatay si Julie ay mag kaka gulo sa Underworld. Siya ang unang una na kailangan protektahan dahil isa siyang Reyna at kapag nawala siya ay talagang mag kaka gulo dahil mag lalabasan ang mga pekeng Reyna.


"Anak? Anong ginagawa mo diyan?" napa lingon naman ako kay Dad at umiling sa kanya.


"Patulugin mo na sila, Pa. Mag shower lang ako at doon ako sa tabi ni Julie matutulog." tumango naman siya at pumasok na sa loob. Ako naman ay pumanik na muna sa taas. Mabilis akong naligo at kumuha ng damit.


"Sana naman magising na si Julie bukas.." nag bihis na ako at bumaba na ulit. Pumasok na ako sa kwarto ni Julie at binuksan ang ilaw. "Oh!" halos mabato ko ang unan kay Julie na naka upo na sa kama at pinag lalaruan ang kuko. Inangat niya ang tingin niya sa akin at napa atras naman ako ng makitang pure white ang mga mata niya.


'walang kahit anong kulay kundi kulay puti lang..'


"Hi.. Samahan mo ko?" naka ngiting sabi niya. Dahan dahan naman akong tumango at lumapit sa kanya. Sinundot sundot ko ang balikat niya at natawa naman siya. Tumayo na siya at hinubad ang damit na ibinihis sa kanya ni Ate Niks kanina. Kinuha niya ang holster na nasa ilalim ng kama at sinuot yon. Nag suot ulit siya ng t-shirt at kumuha rin ng dalawang pana. The deadly ones. "Here. Kailangan natin to." tumango naman ako at tahimik kaming lumabas sa kwarto.


"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko. Naka motor lang kasi kami.


"We'll hunt some food." mahinang sabi niya at sumakay na sa motor. "We'll be back din naman after 1 to two hours." inabutan niya na ako ng helmet at sinuot ko naman na yon.


'meron namang pag kain sa bahay ah?'


Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon