-46-

258 21 0
                                    

KATHERINE'S POV





Muli kong pinakiramdaman ang paligid ko at bago pa man ako tuluyang mamulat ay naka rinig ako ng pamilyar na boses..

"I-Ilang araw p-pa po ba bago siya gumising?" 

'si Renzo un ah? anong ginagawa niya dito?'

"Hindi na magigising yan." sabi ng isang boses. 

"H-Ha?!" nakarinig ako ng may nabasag at sumunod ang mahinhin na tawa.

"Joke lang. Ito naman, nag bibiro lang ung tao binasag mo pa ung vase ko.." minulat ko na ang mga mata ko at nadatnan ko doon si Julie na nag pupulot ng nabasag na maliit na vase. 

"Kahit kailan napaka pangit mo talagang mag biro!" inis na sabi ni Mark sa kanya at nag squat sa harapan niya. "Tch. Dun ka na nga, ako na dito!" tinulak niya pa ng palayo si Julie at nag simula ng mag pulot ng mga nabasag na parte. 

"Kath?" umupo sa gilid ng kamang kinahihigaan ko si Renzo at sa kabila ko naman ay doon tumayo si Julie at matagal ako tinitigan. 

"W-What?" nagugulantang na tanong ko. Nakakatakot kasi siyang tumingin eh..

"Killer.." aniya habang tumatango pa. "You've encountered Killer." napa kunot naman ang noo ko at bumuntong hininga naman siya. "Si Killer ung naka laban niyo kanina. Naka itim siya, hindi ba?" tumango naman ako at biglang hinanap si Katerina. 

"Asan ang kapatid ko? A-Asan si Katerina?" hinatak ko ang IV cord na naka turok sa aking kamay at tuluyang tumayo.

"Iha.." narinig ko ang boses ni Mr. Tan sa likod ko kaya nilingon ko siya at agad na sinugod.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may tao doon!" galit na tanong ko. "We could've died in there!" hinawakan naman ako ni Renzo sa aking braso ngunit tinanggal ko yon.

"H-Hindi ko rin alam yon, Iha. H-Huminahon ka!" 

"Ha! Huminahon?! Ni hindi ko nga makita ang kapatid ko, hihinahon pa ako?" bigla namang may nag bukas ng pintuan kaya lahat kami ay napa tingin doon. Andon si Kat, nakatayo at may benda sa kanyang braso.

"Ate? Anong nangyayare sayo?" inosenteng tanong niya at pumasok sa loob. "Bakit tinanggal mo ang IV cord mo?" agad siyang pumunta sa akin at hinatak ulit ako pabalik sa kama. "Just shut up and let him talk." bulong niya sa akin habang kinakabit ulit sa akin ang cord. Hindi ako nakapag salita agad dahil sa inasal niya. "There.." umurong siya ng onti sa akin at tinignan ulit si Mr. Tan. 

"As I've said earlier, hindi ko alam na mangyayari yon." sabi niya at inayos ang kanyang collar.  "We'll talk kapag magaling kana. Paalam." ayon lang at lumabas na siya ng kwarto.

'what the fuck?'

"I think, kailangan mo naring matulog ulit." suhestisyon ni Julie. "It's late narin naman, may laro pa si Renzo bukas." 

Nagka tinginan pa kami ni Katerina bago tumango ng sabay. "Sige." sang ayon ko sa sinabi niya. Lumabas nalang siya bigla at naiwan kaming tatlo dito. Sandali pang tahimik ang pinalipas ko hangga't sa hindi ko na kinaya.

'nasasakal ako ng katahimikan..' 

"Tell me what exactly happened." malamig na sabi ko kay Kat. "Anong nangyari noong nahimatay ako?" 

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon