-18-

351 28 2
                                    

LEE'S POV



"Psst!" hinanap ng mata ko si Mark at nang palingon na sana ako sa kanang gawi ko ay bigla niya akong niyakap sa likod ko. "Gotcha!" napatili naman ako at humarap na sakanya. Nasa bewang ko ang mga kamay niya at ang mga kamay ko naman ay nasa dibdib niya.


"Ang ganda ng buwan no?" nag angat naman ako ng tingin at tinignan ang buwan. Tumango ako at naramdaman kong isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Kasing ganda mo.." natawa naman ako sa banat niya at hinawalay siya sakin.


"Tara, paunahan tayo lumangoy!" tumango naman siya at pumwesto na kaming dalawa. Nag set up kami ng bonfire sa gitna at dito kami magd dinner. Bukas na kami tutuloy papunta sa Anawangin. Andito kami medyo malayo sa pampang. Nag katinginan kami at nag tanguan. Nag simula na kaming lumangoy at todo bigay talaga ako sa pag langoy!


Umahon na ako at natatawang inintay na maka ahon si Mark. Biglang may umakbay sakin at tinignan ako.


"Sinong iniintay mo?" tumatawa na talagang tanong niya. Binatukan ko naman siya at tumakbo na agad pero nahabol niya din ako. "Ano, pag ka tapos mo akong batukan tatakbo ka nalang bigla?!" binuhat niya ako at pina ikot ikot.


"A-Ayyyy! Ano b-ba hahahaha- ibaba mo na nga hahaha ako!" binaba niya naman na ako at nilagay ay kamay niya sa bewang ko. Sabay na kaming nag lakad papunta sa kanila at naki upo na. Masaya kaming nag kwentuhan habang iniintay na maluto ang limang malalaking bangus.


"Ay Ma, Pa.. Bukas po pag dating natin sa Anawangin ay papakilala ko sainyo si Tito Michael." nakita kong natigilan si Mama sa pag ikot ng bangus at napa ngisi naman ako. "Siya po ang tumulong sakin para ma abot ko ang matagal na nating inaasam na yaman." tumango naman silang dalawa.


"Ayos! Makikita ko na ulit si Tito. Wala siyang binigay samin nung anniversary namin ni babe eh.." natatawang sabi ni Lyn at natawa rin kami.


Ang sinasabi niya ay nung kinabukasan nung birthday ko. Anniv na pala nila non.


"Luto na! Ilatag niyo na ang table!" nilatag namin ang dalawang folding table at umupo na.


"Ang sarap talaga ng bangus!" Lyn. Hindi niya matiis na hindi magsalita eh.


"Kumain ka nalang babe.." bulong ni Blake sakanya kaya natawa naman ako. Bigla akong siniko ni Mark at nang lingunin ko siya ay naka kunot na ang noo niya.


"What?" tanong ko.


"Anong nakakatawa?" natawa naman ako at napa iling nalang. Mag sasalita pa sana siya ng sinubuan ko siya ng maraming kanin at bangus. Halos mabilaukan siya ng ginawa ko yon kaya tawa kami ng tawa lahat.


"Ah sige ganunan ah!" bigla niya akong kiniliti kaya sabay kaming nahulog sa upuan at lalong lumakas ang tawanan ng lahat.


"Tama na yan.." natatawang sabi ni Daddy. Nag lahad naman ng kamay si Blake sakanya na siyang tumayo pa para itayo siya. Nang makatayo na si Mark ay ako naman ang inalalayan niyang tumayo.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon