-29-

275 22 1
                                    

MARK'S POV




Pag ka park ni Julie sa tapat ng MC ay bumaba na agad ako sa motor at sinamaan siya ng tingin.


"Sinabi ng wag ganon kabilis eh!" inis na sigaw ko sa kanya!


"Wala ka namang sinabi nung naka sakay na tayo ah?" natatawang sabi niya.


'i can't believe her!'


"W-What?! Ilang beses ko inulit yon habang nagd drive ka!" hinubad niya naman ang helmet niya at pinag masdan ang mukha ko. Hindi ko maitatangging gumaan ang loob ko sa simpleng titig niya na yon!


"Alam mo namang hindi kita ipapahamak eh.." lumapit siya ng dahan dahan sakin at magla lapat na sana ang mga labi namin ng biglang may sunod sunod na nag park sa gilid namin!


"Hoy! Nasa ilalim kayo ng tirik na araw at diyan niyo pa napiling mag halikan?!" malakas na sigaw ni Ate Niks.


"Damn!" mahinang bulong niya at tumingin ulit sa akin. Mabilis niya ako hinalikan at bumitaw din agad.


"Swak na swak." tumawa naman kami pareho at pumasok na sa loob.


"Good afternoon Maam and Sir!" tumango lang kami at dumiretso sa pinaka dulong parte ng cafe. Umupo kami sa pang ten seater at nag intay pa ng trenta minutos bago dumating ang tatlo.


"Nako pasensya na ah! Medyo mainit kasi at sumisilong pa kami habang nag lalakad." kumunot naman ang noo ni Julie na siyang ka harap ko.


"You mean nag lakad lang kayo all the way from your house?" tanong niya. Nahihiyang ngumiti naman siya at tumango.


"Kababayad lang kasi namin ng kuryente. Tapos ung tubig pa malapit na kami maputulan.. Buti nalang eh may natitira pa kaming mga stock ng sardinas kundi namatay na kami sa gutom! Haha!" pansin niya namang walang tumawa sa amin at seryoso lang kami nakatingin sa kanya kaya umubo siya. "A-Ahh.. Sige umorder muna kayo. M-Magbi bihis lang ako." pumunta na siya sa parang isang kwarto at naiwan naman sa amin ang kakambal niya at ang boyfriend niya.


"Bakit hindi kayo umupo?" naka ngiting alok ni Julie sa dalawa. Napa kamot naman sila ng batok at agad na umupo.


"Renzo?" Julie. "Maaari ko bang malaman kung ilang taon na kayo ni Kath? Or ilang buwan?" naka ngiti niyang tanong.


"Almost five years.." tumango tango naman siya.


"Tagal na ah? Going strong?" tumango naman si Renzo at tumawa ng mahina.


"Nagpa pasalamat nga ako sa Diyos na kahit ganito ang estado ko sa buhay eh biniyayaan niya parin ako ng isang mabait at matalinong babae. One of a kind."

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon