-6-

467 38 3
                                    

LEE'S POV



Pagka uwi namin sa bahay ay agad kong pinatawag si Tito. Maya maya lang ay bumaba na siya at nagtipon kami sa sala,


"What the hell happened to you, Lee?" kunot noo at galit na tanong agad ni Tito.


"Well... kala ko wala ng nakasunod samin nung pauwi na kami kaya eto, muntikan ng maambush."


"Saan ka nanaman ba dumaan?! Sa punyetang 'shortcut' na yon?!! Ano ba Lee!! Pano kung hindi lang ikaw ang nabaril?! Pano knug napahamak ang mga anak ko dahil sayo!!" namumula sa galit na sigaw niya. Ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa buong sala at ang mga titig nila Mark.


Agad akong lumuhod sa harap ni Tito at nagbaba ng tingin.


"Im sorry po, Tito. Hindi na po mauulit.."


"Dapat lang! Kaligtasan niyo lang ang iniisip ko kaya ako nagkakaganito!"


"Opo, naiintindihan ko po."


"Tumayo ka na diyan at gamutin mo na ang sugat mo. I'll inform the Gang about this incident." un lang at pumanik na ulit siya.


Tumayo na ako at nilingon sila, "Im sorry sa mga nangyari. Nang dahil sakin napahamak pa kayo. Matulog na kayo para makapagpahinga na rin kayo. Goodnight.."


Bago pa man sila magsalita ay tumalikod na ako at nauna na pumanik. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko ay dinial ko ang number ni Ben. Ang pinaka head sa gumagawa ng bahay ko.


"Yow?" sagot niya pagkatapos ng dalawang ring.


"Ilang araw nalang para matapos yan?"


"Isang araw nalang boss! Tapos na lahat lahaaaat, kinakabit nalang ang mga aircon at mga TV."


"Good. Andiyan na ba lahat ng kotse ko?"


"Yup. Kinuha na namin kaninang mga 5:30.."


"Sige. Salamat talaga Ben ha. Ang laki ng nagawa mo para sakin..."


"Walang anuman.. Kulang pa nga ito sa ginawa mong pagliligtas sa mag ina ko eh."


"Nakoooo. Sige sige salamat. I-text mo ko pag pwede nakong lumipat diyan ha?"


"Makakaasa ka. Magingat ka palagi, Lee. Sayonara."


Ayun lang at agad niyang binaba ang linya. Nang makapasok ako sa kwarto ay kinuha ko na ang first aid kit ko at umupo sa kama.


"Awww.." daing ko dahil natuyo na ang dugo sa tela at nahirapan ako tanggalin yon dahil nakadikit siya sa sugat ko.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon