KAI'S POV
Magda dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang nag Europe trip kami. Napangiti naman ako nung maalala ko ung mga pinagsasasabi ko kay Chesca noon nung dinala ko siya sa Trevi Fountain.
~ ~
"Psst! Tara gala pa tayo? Mukhang pagod na ung pamilya mo eh." tumango naman sa akin si Chesca at kinuha ulit ang coat niya.
Lumabas na kami sa Hotel at nag intay ng cab. Nang maka sakay kami ay 25 minutes pa bago kami naka rating don.
"W-Wow.." manghang sabi niya nang makababa kami sa cab at makita ang fountain.
"Wow wow ka diyan.. Kilala mo ba yan?" mayabang na tanong ko. Tumingin naman siya sakin at kinunutan ako ng noo.
"Sino?" tinuro ko naman si pareng Oceanus at tumawa naman siya. "Of course I do!" ngumisi naman ako at tumawa ng malakas!
"Sige nga! Sino siya?! Kapag nagka mali ka, maliligo ka diyan sa fountain! Hahaha!"
"Sige ba! Pano kapag tama ako?!" nanghahamon na sabi niya.
"E-Edi ako ung maliligo!" kinabahan biglang sabi ko. "Dali na, sabihin mo na!"
"Edi si Oceanus!" natatawang sabi niya at nanlumo naman ako bigla!
'akala ko ba hindi pa siya nakakapunta dito?! T_T'
"A-Akala ko ba hindi pa kayo nakakapunta dito?! B-Bakit alam mo kung sino yan!" tumawa naman siya at umiling ng ilang beses.
"Hindi naman porket hindi pa kami nakakapunta dito eh di ko na siya makikilala!" sumimangot nalang ako at tawa parin siya ng tawa!
'hindeeeeeeeeeeeeeee! hindi ako makapapayag na maliligo ako diyan! kailangan kong maka lusot!'
"Name the three streets here in Trevi!" inis na sabi ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao at ung iba ay pinipicturan pa kami!
'malamang, singer ako at si Chesca naman ay model ng Sibjaga at isa din sa may ari ng Racenus!'
Mukha namang kinabahan siya at napa pikit ng mariin at hinawakan pa ang mag kabilang sentido niya. "Unfair! Dapat naliligo ka na ngayon diyan! Bakit nag tatanong ka nanaman! Gusto mo bang dagukan kita?!" inis na sabi niya.
'hindi niya alam kaya nagrereklamo siya! hahahaha!'
"Hindi mo alam no? Kaya nagre reklamo ka?!" mayabang nanamang tanong ko.
"Sinabi ko bang hindi ko alam?" mayabang ring sabi niya at natigilan naman ako. "The three streets of Trevi are Via De' Crocicchi, Via Poli and Via Delle Muratte. Ano, tama ba ako o tama ako?" natahimik naman ako at hinubad nalang ang coat ko. Tawa siya ng tawa nung pumunta ako sa fountain at nag basa basa don.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
ActionLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...