-9-

450 38 0
                                    

MARK'S POV



Pag ka pasok namin ay sabay sabay na nagbukas ang mga ilaw sa loob kaya napapikit kami.


Tumawa ng mahina si Lee, "Hindi na masakit sa mata.." binuksan ko na ang mga mata ko at nagtama ang paningin namin.


'nakangiti nanaman siya! ano bang nangyayari sakin!!'


"Ahh.. Lee kala ko sa 20 pa tayo magsisimula?" Kuya.


Ngumisi naman si Lee sakanya at may kinuhang isa pang pana.


'wait.. PANA?!'


"Well.. I've changed my mind. Tuturo ko sainyo ang mga ibang natutunan ko.." naglakad lakad siya sa harap namin at tumigil sa isang Archery Target Board, "dapat lagi kang naka focus sa target mo.." tinira niya ang arrow at tumama yon sa pinaka gitna. "Wag niyo silang hahayaang maalis sa paningin niyo.." tumira ulit siya at lahat kami ay namangha sa ginawa niya!


'dun ulit siya tumira at nahati sa gitna ang unang arrow!'


"Try it, Lyn." may pinindot siya sa monitor na nasa gilid niya at napalitan agad ang target board.


Tumango naman si Ate Lyn at pumwesto sa kinatatayuan ni Lee kanina. Tinuruan ni Lee kung pano hawakan ng tama ang bow at kung pano tumira ng tama.


"Be merciless." nakangiting sabi niya na ikinatayo lahat ng mga buhok ko sa katawan!


Tumira si Ate Lyn at tumama iyon sa pinaka gilid. "I-Im sorry. I'll just do it again.." nakayukong sabi niya at nagmamadaling kumuha ng mga arrows.


"No need to rush." pagpipigil ni Lee, "Practice ka lang ng practice. Mamaya babalikan kita, okay?" nakangiting sabi niya at lumapit ulit sa table na may spear.


Kinuha niya yon at pumunta sa pinaka gitna ng room na may isang manikang nakatayo.


"And as for you two.." sabi niya habang nakatingin kanila James at Matty. "Lagi niyong titirahin ang pinaka mahirap tamaan na parte sa isang tao."


"Eh diba mahirap tamaan na parte? Bakit titirahin pa yun?" napatingin naman siya kay Matty at ngumiti.


"Good question!" sabi niya at biglang nagseryoso, "Because it's more painful for them.." sabi niya at humarap sa manika. "Nahirapan ka man maabot ang parteng yon pero hinding hindi ka magsisisi dahil kapag nakita mo silang namimilipit sa sakit ay ibang klaseng saya ang madadama mo.." dahan dahan ay sumugod siya sa manika at laking gulat naming gumalaw to at naglabas din ng isang spear!


"Rule number one, wag na wag kayong magpapadala sa mga nakikita niyo." umilag siya sa unang tira ng manika at pumunta sa likod nito. "Rule number two, wag na wag kang magmakaawa sa kalaban mo na wag kang patayin." pinatid niya ang manika at nang mapahiga na to ay agad na sinibat ang leeg niya. "And last rule.. Be merciless..." binaon niya ang spear sa puso nito at inikot. Hinatak niya na ulit ang spear at naglakad papalapit samin.

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon