LEE'S POV
Nararamdaman ko na ang sakit sa ulo ko kaya mabilis ako nag mulat ng mga mata. "Somebody help us!" nakita ko agad ang kambal na Park at Renzo sa isang cage sa harap naming anim. Naka kadena ang mga kamay nila pataas at bakas sa mga mukha nila ang takot.
"Thank God you're awake!" napalingon ako sa kanila at nakitang may mga pasa at putok ang labi ni Mark at James. "Ano? Masakit pa ba ung ulo mo?" nag aalalang tanong niya.
Mag sasalita na sana ako nang biglang nag bukas ang lahat ng ilaw. Kanina ay ang ilaw lang sa cage ang nag bibigay liwanag dito.
'bakit ba puro lumang warehouse ang ginagamit nila?! pwede namang sa isang bahay o kaya sa kagubatan para maiba! tch.'
"Sa wakas! Gising na rin ang Reyna!" naka kadena rin kami tulad nila Katherine at nakataas din ang mga kamay namin. Nilingon ko naman si Lycene at nginisian lang siya. "Aba.. Mukhang may iyayabang ka pa ah?" natatawang sabi niya at nag labas ng baril at kinasa yon.
"Syempre naman. May extra akong baon lagi e." natatawang sabi ko. Nakitawa naman siya at binaril bigla ang tiyan at hita ni Katherine.
"A-Ahhh!" naiiyak na sigaw niya. Para sa isang normal na tao ay masakit talaga mabaril!
"Ano? Mag yayabang ka pa?" seryosong sabi niya habang papalapit sa akin.
"Kitkat.. Wag kang panghinaan ng loob ha? Makakalabas din tayo dito tiwala lang.." naiiyak narin si Renzo dahil wala siyang magawa kundi tignan ang kanyang nobyang namimilipit na sa sakit.
"A-Ate.. Katherine! Please!! Stay strong, okay?" umiiyak na sabi ng kanyang kakambal.
Dinakma ni Lycene ang panga ko at mahigpit na hinawakan yon. "Tandaan mo.. Kasalan mo ang lahat ng ito..." mahinang sabi niya at pabato na binitawan ang panga ko.
"Walangya ka!" nag wawala na sabi ni Mark. Tinignan naman siya ng masama ni Lycene at binaril siya sa braso. Hindi umimik si Mark at lalo lang siya nag wala.
"Kung hindi niyo sana pinatay ang kapatid ko, hindi sana mangyayari sa inyo to!" galit na sigaw niya at napa amang naman ako.
"Kung hindi niya sana ako papatayin ay hindi na dapat nangyari yon. Tanga ka ba?" nilingon niya ulit ako at tinutukan ng baril sa ulo.
"Anong sabi mo?" nang gagalaiting tanong niya. Tinignan ko lang siya at ngumisi rin maya maya.
"Mag isip ka nga! Ano ba! Kaya lang naman namatay yang bobo mong kapatid diba dahil yan sa pag sugod na ginawa niya?!" dinikit niya ang dulo ng baril sa noo ko at ramdam ko na ang panginginig ng kamay niya.
BINABASA MO ANG
Tiger Queen | UNDER REVISION :) |
ActionLee Zurc / Tiger Queen - Ang 16 years old na walang ibang ginusto kundi ang mapasaya ang pamilya niya. Naglayas ito para makahanap ng paraan upang umahon ang buhay ng kanyang pamilya. Ngunit sa pag lalakbay nito ay nakilala niya si Michael Tan. Ang...