-47-

58 13 0
                                    

MARK'S POV


"Kusoyaro.." inis na sabi ko pag pasok namin sa Gym kung saan ginaganap ang Halloween Party.


"God. I can't believe na doon nila napiling mag harutan!" hindi rin makapaniwalang sabi ni Ate Niks.


"Oo nga eh. Nakakapag aral sila dito sa MU pero wala silang pang Motel? Mga ulupong rin eh." dugtong ni Kuya.


"Sus. Wag niyo nang intindihin yon hahaha. Hindi nila mapigilan eh, anong magagawa niyo don?" natatawang sabi ni James at nilingon naman siya ni Julie na may masamang tingin.


"Hindi mo kasi naiintindihan, bilang isa sa owner ng school na ito dapat mapanatili ko ang magandang imahe nito sa ibang tao. Hindi dapat ginagawa ang mga bagay na ganon sa school, pwede naman silang umuwi. Hindi pinag babawal ng school yon. Onting respeto naman sana sa MU." inis na sabi niya at ininom ang juice na galing don sa punch. "What the hell is this?" rinig kong bulong niya sa kanyang sarili. 


Bigla akong na alerto at agad na tinignan ang mga tao sa loob ng Gym. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang pag kilos ng mga bantay malapit sa mga pintuan at sa mga bintana. 


"Fuck!" bumalik ang tingin ko sa mga nasa tapat ko at laking gulat ko nung makita kong naka higa na si Julie sa lapag. "Sinasabi ko na nga ba,  hindi lang nag ka taon na may tao don sa labas kanina!" inis na sabi ni Kuya.


"A-Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ng kanyang nobya.


"Kasabwat ung mag syota don sa labas! Talagang inagaw nila ang atensyon natin para maiba nila ang mga bantay! Tignan niyo ung mga leeg nila, anong napapansin niyo?"

Agad na pumasok sa isip ko ung sinabi ni Julie sakin noon nung nasa MC kami. "Bar code." wala sa sarili kong sabi at seryosong humarap sa kanila.


"Aww.." napatingin ako sa baba at doon naalalang nasa sahig pa pala si Julie. "Anong nangyare?" kunot ang noong tanong niya at inikot ang kanyang mata sa buong lugar. "Oh fuck." mabilis na nag iba ang kulay ng kanyang mata. Naging purong puti yon. Iisa lang ang ibig sabihin non.     


Ginagamit niya ang kapangyarihan niya ngayon. She can see everything that EVEN our naked eye can't see. 


"Marami sila. Lima sa kanan, nasa ceiling sila ng hallway. Anim sa control room.." inikot pa niya ulit ang kanyang mga mata at doon na siya napakuyom. "Andito si Killer. May kasama siyang mga armadong lalake."


"Ilan?" tanong ko.


"Sampu." saktong nag hiyawan ang mga tao sa loob ng Gym dahil bigla nalang namatay ang mga ilaw at nang bumalik yon ay may tao na sa stage at may hawak siyang mic at baril naman sa kabila niyang kamay.


"Magandang gabi sa inyo." aniya ng may ngiti sa labi. Siya ay naka maskara ngunit kalahati lang ng kanyang mukha ang natataklupan. Pumitik siya sa ere at automatic na sinara ng mga bantay ang mga bintana at mga pintuan. Nag hiyawan nanaman ang mga tao ngunit natahimik rin sila ng marinig nila ang munting tawa ng lalake na nasa stage. "Aww. Kawawa naman kayo." umakto pa siya na parang naiiyak na ikinainis namin lalo. 

Tiger Queen | UNDER REVISION :) |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon